Chapter 19

78 20 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

This is it! Nakakaexcite ngayon kasi pupunta na ng Ilocos. Well! Nakahanda na ako kagabi pa. Yung mga kasama ko ang hindi ko alam.

Hindi naman halata na sasama ako kasi 2 bagahe ang dadalhin ko. Si Vanessa naman ay nakahanda na din. Well this is the college pre-vacation trip. Sumama din kasi siya dahil sayang daw ang score ng exam. Tamad kasi magreview. Ewan ko ba diyan sa gagang yan at nakapasok sa college.

Kumain muna kami ni Vanessa sandali at ihanda ang mga dadalhin sa college trip. Nagpresenta na ako ang maghuhugas ng pinagkainan namin para madouble check niya yung mga dadalhin namin. Nang matapos na ako maghugas ay hinahanda ko din ang mga gamit at sarili ko. Pagkatapos non ay umalis na kami ni Vanessa ng dorm.

---------

"Nasan na ba mga yun? Sabi magkikita kami sa fountain." bulong ko sa sarili. Nandito ako ay mali pala, nandito kami ni Vanessa sa may fountain dahil iyon ang napag-usapan naming tatlo. Isasama naman namin si Florian sa bus dahil kahit sino naman ang kasama sa bus kaya niyaya ko siya pero si Vanessa ay makakasama niya mga classmates sa bus nila. May mga estudyante na mangilan-ilan na nandito sa Amersia. 

Chinat ko na silang tatlo pero mukhang wala pa silang reply. Kaya umupo muna ako sa isang bench malapit sa fountain para makita ko sila. Mukhang maaga pa talaga ako pumunta. Tinignan ko ang oras sa aking relo at tama nga masyado lang ako maaga pumunta. Kaya ang ginawa ko ay nagbabasa lang ng binili kong libro nung nakaraan. I love books since when I was a high school student, especially mga love story. Kahit paano naiimagine ko na yung magiging kasama ko habang buhay but in the end hopeless padin ako. 

Hindi ko padin nakakalimutan yung nangyari bago ko lang makuha itong libro sa bookstore na binilhan nito. 

FLASHBACK

Nag-iikot ako ngayon dito sa mall para maghanap ng mabibilhan ng paborito kong libro na nabasa ko sa wattpad. Kaya nung nabalitaan ko na nagbebenta sila at may sale, I grab the opportunity para pumunta ng mall. 

Nang makapasok na ako sa book store ay tinanong ko sa isang staff kung may nagtitinda pa sila and it answer na mayroon pa pero isang stock na lang ang natitira. Nang sinabi niya iyon ay agad ko tinanong kung saan makikita. Tinuro nila sakin at tinungo ko agad iyon. Lakad takbo ang ginawa ko. May muntikan na ako makatumba ng isang stall ng mga ballpen sa ginagawa ko. 

Nang makita ko na ang hinahanap ko ay agad ko naman tinungo at nang mahawakan ko na ang libro na gusto ay may gusto pang makakuha ng librong iyon. Kaya tinignan ko kung sino ang gusto pang makipag-agawan sa libro. Tinangka ko mang agawin ang librong iyon ngunit aagawin din ni Ethan. Kaya tumingin ako ng masama sa kanya na parang gusto ko siyang patayin. 

"Ako ang nauna dito!" sabay pa kami ng sabi. 

"Mas nauna ako dito!" galit-galitan kong sabi sabay labas ng dila. 

"Mas lalo ako nauna dito panget! Tss! Malas nga naman." aba! inirapan ako nito. 

"Hoy bakla! Pairap-irap ka diyan. Akin na ito dahil ako nauna dito." medyo napataas na ang boses ko nito kasi nakatingin na sa amin ang mga tao. Nakakahiya man pero walang makakapigil sakin. 

"Tss! Nakakahiya ka, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito." medyo cold yung boses niya. 

Kaya ang ginawa ko ay pinalo ko ng maraming beses ang kamay nito at tinantanan ko na nung kinurot ko na para makawala na sa libro para makuha ko na. After ko gawin iyon ay tinungo ko na ang cashier counter at umalis pagkatapos para hindi ko makita ang kumag na bakla na iyon. 

Say "Baby I Do"Where stories live. Discover now