Chpater 8

142 36 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

"I-IKAW!!" sabay pa naming sinabi ni capital K-U-P-A-L.

"What a small world Panget. Tsk!" ngisi nitong sinabi sakin.

"Ikaw Kupal. Wag mo kong simulan ah? Unggoy ka kasi kaya ka naging Kupal." inis kong sinabi.

"What? Mukha ka kasing kapatagan kaya ayan. HAHAHAHAHA!" pang-aasar nito sakin.

"Well atleast napakinabanganan ang kapatagan pero yung katulad mo extinct species na mga uri mo." ganti kong sinabi sabay tawa.

"Kung extinct ako atleast may nakakaalala sakin. Eh ikaw? WALA! HAHAHAHAHAHA!" pang-aasar nito ulit sakin. Napahinto na ako doon dahil nainsulto ako. Medyo malapit na tumulo luha ko nito.

"Ahm. Baka magkapikunan eh ano. So di ko na kailangan magpakilala sa isa't-isa." pag-awat ni Shane samin.

"Bakit pala Kupal este Hudson tawag mo sa kanya?" pagtataka kong tanong.

"Because his name is Ethan Hudson H. Alcantara. He is my cousin to my mother side. Ganyan talaga ugali niyan masungit at masyadong mapride. But kung nakilala mo pa ng lubusan, mabait naman talaga pinsan ko. May dahilan siguro kaya nagkakaganyan ugali niya." mahabang paliwanag nito.

"Ano naman ang dahilan yun?" pagtaka kong tanong.

"Di ko alam sa pinsan kong ewan." kibit-balikat nitong sinabi.

Naiinip na kami dahil antagal naman mag-cr ni Iska. Jusq baka nilamon na ng inidoro. Makikita na niya yung halimaw. Di ko kilala yung halimaw, pakisagot na lang kung kilala niyo. Thank you.

"Grabe naman gurl. Sobrang bilis mo namang mag-cr. Siguro may nakita kang multo kaya ka nagmamadali." sarkastiko kong sinabi kay Cheska nang dumating na siya.

"Ano ka ba? Nag-aayos ako syempre kaya natagalan sa cr. Try mo din mag-ayos Venus minsan." sagot pa nitong babae.

"Well, then sa kotse ko na lang kayo sumakay sa pupuntahan natin." sabi pa ni kupal at dumeretso na kami sa parking lot.

-------------

Nakarating na kami sa isang amusement park at namangha ako sa ganda. Kasi ngayon lang ulit ako nakapasok sa ganitong amusement park. Sana in the future, dito kami magdate ng magiging jowa ko kasama si Ethan Hudson H. Alcantara.

Wait! What?! Bat nabanggit si Kupal sa isipan ko?

"Aaaaahhhhh!!"
"Jowa! Gusto ko ng jowaaaaaa!"
"Ibaba niyo na ako dito!! Di na ako makahingaaaaa!!"

Ayan naririnig kong sigawan sa isang roller coaster na paikot-ikot.

"Tara mga teh. Doon tayo sumakay!" excited na pagyaya ni Cheska kaya kaming apat ay pumunta sa roller coaster.

Pumila na agad kami dahil excited yung dalawa, si Ethan naman parang walang pakialam samantalang ako naman ay parang kinakabahan. Jusq! Paano ba naman first time ko lang sumakay sa mga ganito at matindi pa sa extreme ride ang una namin sinakay.

"Anyare sayo gurl? Bat parang di ka mapakali diyan?" tanong ni Cheska sakin. Napatingin naman sakin yung mga kasama ko.

"Kinakabahan ako Cheska. Hu-huwag na lang kaya ako sumakay dito." pag-aalinlangan at kabado kong sinabi.

Nakita ko sa peripheral vision ko na napangisi si Ethan. Problema nito sakin.

"Asan ang tapang mo ngayon? Pakita mo sakin na matapang ka. Sumakay ka dito sa roller coaster para mapahanga mo ko." tapang nitong sinabi sabay ngisi. Aba ako pa ang tinatakot nitong kupal.

Say "Baby I Do"Where stories live. Discover now