Chapter 21

74 17 0
                                    

[Not Edited]

Venus

"Venus, picturan mo ko dito sa pader ng bahay." utos nito sakin. We're here sa Vigan because to visit one of the tourist spot, the Old Calle Crisologo. These houses was built in the Spanish-era. Ramdam ko talaga ang colonial period ng Pilipinas, mas lalo kong ramdam ang pagiging Maria Clara ko dito. Charing lang!

"Neung, Sǎawng, Saam! (One, Two, Three!)" bilang ko nito sabay click sa hawak kong digital camera. Sa akin talaga itong camera pero ginawa nila akong photographer.

"Nice shot! Isa pa." nakangiti kong sabi kaya nagpose pa sila kahit magmukhang tanga.

Ayon, puro picture ang nagawa naming tatlo. Picture dito, picture doon. Maganda talaga dito sa Old Calle Crisologo. Habang busy ang dalawa sa kakatigtig sa mga tao at panigurado naghahanap ng lalaki dito. Jusq! Nakakahiya ang mga kasama ko parang mga uhaw sa lalaki hindi naman sila pokpok pero malandi sila. Opo, malandi po sila. 

Kumuha din ako ng magandang shot for my memories minsan din nag-uupload ako sa IG. Hinahanap ko ng angulo para sa sinasabi nilang 'perfect shot'. May nakita akong bulto ng isang lalaki na naglalakad at mukhang minamatyag niya ang mga lumang bahay dito kaya palihim ko siyang kinuhaan ng litrato. Nang matapos kuhaan ay tinigna ko kung maganda at hindi nga ako nagkamali dahil napakaganda yung shot at pose nung lalaki. 

Pagkatapos nito ay tinungo ko na sina Cheska at Shane para yayain ko sila kumain ng empanada. Saktong-sakto dahil nacrave ako ngayon sa empanada.

Maraming nagtitinda dito ng empanada pero may nasearch ako na may tindahan na pinakamatagal nang nagtitinda ng masarap na empanada kahit dinadayo ito ng mga lokal at dayuhan na turista.

Pagkapasok naming tatlo ay naamoy ko bigla yung luto ng empanada, amoy pa lang masarap na. Paano pa kaya kapag kinain na?

Umupo na kaming dalawa ni Cheska samantalang si Shane ang mag-oorder ng pagkain sa amin dahil libre niya ito. Madaming pera ang gaga.

Habang hinihintay namin yung order ay tinitignan ko ang mga pictures na nakuhaan ko gamit ang aking digicam. May mga nasatisfied akong kuha pero merong ding wala kaya dinelete ko na lang yung iba.

Tingin ako ng tingin ng mga shots ko hanggang sa napako padin ang tingin ko sa pagkuha ko ng litrato kanina ng isang lalaki na naglalakad para tignan yung mga lumang bahay at parang napalaki ang mga mata ko kaya tinawag ko si Cheska na busy sa cellphone.

"Gurl, tignan mo nga ito baka namamalik-mata lang ako kasi parang familiar yung likod eh." hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko o baka mali lang ng iniisip ko.

Lumapit naman sa akin si Cheska at nang pinakita ko na sa kanya ay gulat din siya sa nakita niya.

"Gurl, si Ethan yan ah! Ang ganda ng pose niya, I mean yung posture niya. Jusq, ke gwapo talaga!" napalakas ata ng boses nitong babae kaya napatingin sa amin yung mga tao at nagpeace sign na lang ako sa kanila.

"Alam mo Cheska, nakakahiya kang kasama. Rinig ko yung boses mo hanggang sa cashier. Jusq!" natatawang sabi ni Shane habang nilalapag yung dala niyang inorder na empanada.

"Ano ba yung naririnig ko tungkol kay insan?" tanong nito.

"Mamaya ko na ikwento pagbalik natin sa resort. Kain muna tayo dahil nagugutom na ako." sagot ko nito sabay nilantakan yung pagkain.

----------

We're here sa Vigan Cathedral para tignan yung features nito at syempre magdasal. Kapag first time mo lang pumunta dito sa simbahan ay kailangan mo magdasal para matupad ang mga kahilingan mo.

Pagkapasok namin ay ramdam ko ang tahimik na lugar at puro mga taong nagdadasal sa harap ng altar.

Umupo na kami sa may gitna at nagsimula nang magdasal.

Panginoon,

Maraming salamat sa lahat ng mga biyayang pinagkaloob niyo sa amin ng aming pamilya. Patawarin niyo ako sa mga kasalanang aking nagawa lalo na sa mga nakapaligid sa akin. Hinihiling ko na maging maayos ang aking buhay at isang kabiyak na nararapat sa akin kahit hindi niyo ibigay sa akin ngayon. I hope maging maayos ang aking buhay. Amen!

Nang matapos na ako magdasal ay agad muna umupo sandali para hintayin ko yung dalawa tapusin ang kanilang pagdadasal at kinuhaan ko naman ang paligid ng simbahan gamit ng dala-dala kong digicam.

Mabuti na lang at nakasilent mode ang aking digicam para hindi maistorbo sa mga nagdadasal.

"Tara na mga teh, libutin ko na yung simbahan." pagyaya ni Shane tsaka na kami umikot sa paligid ng Vigan Cathedral.

Sa pag-iikot namin, kuha ng picture dito, kuha nh picture doon. Panay din pa-picture ang mga kasama ko even with my classmates na kasama din namin.

Nang matapos namin ikutin ang Vigan Cathedral ay pumunta muna sa harap nito para magpapicture for the last time.

Nauna munang nagpapicture si Cheska, panay pose ang ginawa, iyon ang nagdala sa kagandahan nito. Sumunod naman si Shane na hindi rin nagpakabog, maganda naman talaga mga kasama ko, ako? sakto lang. Pagkatapos magpapicture nung nahuli ay silang dalawa naman.

"Venus, picturan kita. Kanina ka pa sa Crisologo wala kang picture na solo ka. Dali na!" yaya ni Shane pagkatapos ko silang picturan. Umiling na lang ako pero inagaw na pala ni Cheska yung digicam.

"Tandaan mo, ikaw ang Miss Amersia tapos walang picture. Aba, sayang beautyness mo neng!" pambobola nitong sabi. Napailing na lang ako at ihihanda ko na ang sarili ko. Mahilig ako magpicture pero camera shy ako.

"One, two, three!" pagbilang ni Shane at sabay pose ako na may kasamang ngiti. Pagkatapos ng pagpicture sa akin ay tinignan nila at parang nadisappoint silang dalawa sa picture.

"Alam mo Venus, nabiyayaan ka ng kagandahan sa buhay." seryosong sabi ni Shane. Tumango naman si Cheska bilang pagsang-ayon nito.

"Tara na baka maiwan tayo ng bus at may pupuntahan pa tayo." pagyaya nito pabalik ng bus. This time magkakatabi kaming tatlo sa bus na sinasakyan namin.

--------

Nakabalik na kami sa resort dahil mag-aala sais ng gabi at pinagpahinga kami sandali para kumain na ng hapunan.

Humiga naman kami sa kanyang-kanya na kama. Kinuha ko yung digicam para tignan ulit ang mga pictures na kinunan sa iba't-ibang tourist destination sa Ilocos provinces. Well, nag-eenjoy ako sa ngayon dahil sa lugar na pinuntahan. Apparently, bukas ay may activities na gagawin sa dalampasigan. 

"Venus?" pagtawag sa akin ni Shane habang papunta sa kama na pwesto ko. 

"Bakit, kukunin mo na ba yung mga pictures mo sa digicam?" tanong ko nito. Kadalasan kasi kapag after ng pictorial niya, tsaka niya kinukuha agad yung mga pictures niya para mapost sa mga social media sites.

"Hindi naman." sagot nito. Nakakapagtaka naman itong si Shane

"Ano yung narinig ko kanina yung pangalan ng pinsan ko?" tanong nito. 

"Ahh, wala naman." pagsisinungaling ko. Baka kasi sabihin nito, mabuko ako. Sabi kasi sa akin ni Cheska na close yung dalawa simula pagkabata. 

"Kayo ah, tinatago niyo ni Cheska yung usapan niyo tungkol sa pinsan ko. Nagtatampo na ako" selosa talaga itong babaeng ito. 

"Baliw, wala naman kami pag-usapan ni Cheska kanina. Nagulat lang siya sa pinanood niyang video. Ethan din yung name. Alam mo naman yang babaita na iyan. Masyadong OA kapag lalaki ang usapan." dahilan ko na lang. Jusq! Kakasimba ko lang, may kasalanan na akong nagawa. Patawarin nawa ako. 

"Oh sige na nga. Matutulog na ako, mukhang naghihilik na yung isa diyan." natatawa nitong sabi sabay turo dito kay Cheska na sobrang pagod na kaya deretso higa na walang kain ng hapunan. 

"Hayaan mo na masyadong pagod yan. Tulog na din ako." paalam ko nito saka iniligpit yung digicam at chinarge yung battery nito para may magamit ako bukas. 

"Goodnight na teh!" 

"Goodnight din." tsaka ko na pinatay yung lampshade na nakapuwesto malapit sa akin. 

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon