Chapter 11

105 28 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

The Holidays has ended. Back to reality na tayo mga mamsh. Nandito na ako sa lobby ng Amersia nang may nanghipan sa akin earlobe. Syempre nakiliti agad ako. Tumingin ako ng masama at bigla ko namang binatukan ang ulo nito. Walang hiya ka talaga Ethan!

"Aray naman! Ganyan ba paraan ng pagbati mo sakin ngayong araw?" inis niyang tanong sabay himas sa kanyang ulo. Don't be greenminded guys sa taas ang hinihimas niya.

"Oo kung yung mukha mo ang nakikita ko araw-araw!" pasigaw kong sinabi. Tumingin samin ang mga tao na nandon sa lobby. Jusq! Nakakahiya. "Tsaka anong ginagawa mo at bakit mo ko sinusundan?" inis ko pang tanong at tumungo na ako sa locker ko. May hinahanap lang ako na isang bagay sa locker ko.

"Wala naman. Gusto ko lang makasama ang future wife ko." Aba. Anlakas ng sapak nitong Kupal.

"Ano sinabi mo? Nandidiri ako sa sinabi mo. Future wife? Tss." inis kong tinignan at bumalik na sa paghahanap ng bagay na pinaka-kailangan ko this day. Asan na ba yung notebook ko na may sticker na monkey.

"Pakipot ka pa wifey." nandidiri talaga ako. Mayghad! Dahil sa sobrang inis ko, aakmang sasaraduhan ko ng pinto ng locker at ibinalibag papunta sa kanya. Napa-aray naman siya.

"Awww, shit! Ang sakit nun Venus. Ahhh!" Hinihimas niya yung mukha. Nagulat na lang ako na may namumuong dugo sa kanyang noo. Sayang kagwapuhan nitong Kupal.

Wait!? Pinupuri ko nanaman siya? I hate myself now.

"Hala sorry!" sincere kong sinabi. Agad ko naman tinignan yung noo niya kung may lumabas na dugo. Syempre chansing ko na yon este pag-aalala ko sa kanya.

Bigla naman kami nagkatitigan sa mata parang nag-uusap kami. Hanggang sa napaatras ako papunta sa isang pader. Dead end na. Hanggang ngayon nagkatitigan na kami.

"Asan ang tapang mo?" mahina niyang sinabi na may kasamang ngisi. Napapalunok talaga ako ng maraming beses dahil sa mga titig na iyon.

"A-ano ba? Lumayas ka nga sa harap ko. Gagamutin ko pa yung nasa noo mo." kabado kong sinabi.

lub. dub. lub. dub.

Juiceko! Bakit ko narinig yung tibok ng puso ko? No way Venus! Di pwedeng mangyari ito.

Lalapit na sana ang mga mukha namin nang may biglang nagsalita.

"Venus. Andyan ka lang pala, akala ko nawa-" napatingin kami kung sino nagsalita. Nagulat ang reaksyon nina Shane at Cheska sa nakita niya. Agad naman kami humiwalay sa pwesto. Ghad! Yung pwesto kasi namin. Nakakahiya buti na lang wala gaanong tao na dumadaan dito.

"Wala kayong iniisip Shane. Cheska." pagdepensa ko nito sa mga iniisip nila parang taliwas at may pinahihiwatig sa kanila. Napailing naman ang dalawa at tumingin ako kay Ethan ng masama. Agad naman itong umiwas ng tingin. Bakit ba ganito kinikilos ni Ethan?

Agad naman tumungo papunta sa mga room namin. Akward ang atmosphere sa pagitan naming apat. Paano ko ba iexplain sa kanilang dalawa yung nangyari, nakakahiya kaya.

"Ahm Cheska? Shane? Samahan ko lang sa clinic ito si Ethan." pambabasag ko para naman mawala. Tumango lang ang dalawa. Agad naman kami umalis at pumunta sa clinic para gamutin hindi lang yung noo niya pati na rin yung sa labi dahil tumama siguro yung parang nakausli yung bakal doon.

Nakarating na kami sa clinic at kumatok kami sa pinto. Pinapasok naman kami ng nakaduty na nurse at agad ako lumapit sa kanya para humiram ng first-aid kit para gamutin ko siya. Umupo naman ako sa isang upuan na humarap sa kanya.

Nilagyan ko muna ng bulak sa mga sugat nito at ginawa ang dapat gawin, kundi linisan ang sugat. Habang ginagawa ko ito ay nararamdaman akong akward samin. Tahimik ang atmosphere dito sa clinic. Walang nagsalita ni isa samin. Pero ramdam ko yung kaba sa aking dibdib?

Kaba ba ito o tibok ng puso ko?

Hindi. Wag mo isipin na tibok ng puso ito. Hindi Venus. Tandaan mo masakit sa ulo magkaroon ng jowa.

"HINDI AKO MAGJOJOWA!" napasigaw ako at tumingin sakin si Ethan. Maygad parang hihigupin ako ng buong-buo.

"Bakit hindi ka nanaman magjojowa?" pagtataka niyang tanong sa akin. Marami akong dahilan kaya ayaw ko. Ayan sana isasagot ko kaso wag na lang. Di ko na lang sinagot yung tanong niya.

Natapos na kami sa paglilinis ng sugat at lumabas na kami ng clinic. Sabay nadin naglabasan ang ibang estudyante mula sa Grade 7-10. Kasi nasa Junior Highschool building kami. Magkakadugtong yung building nito.

Babalik sana ako sa room nang hawakan niya ang aking kamay na parang may dumadaloy ng kuryente sa aming dalawa.

"Ahm Venus? Th-thank you sa paglinis ng sugat ko." naiilang niyang sinabi. Bakit naman siya naiilang sakin? Kanina anlakas ng ampog nito, ngayon naiilang na sakin.

"Ahh. Wala yon, sige babalik na ako sa department ko baka umabsent na ako sa next subject." paalam kong sinabi at tumungo na ako sa pupuntahan ko. Tumango naman ito at umalis na din siya kaso sa ibang direksyon ang punta niya.

-----------

"Venus! Magkwento ka nga sa nakita namin kanina?" interesadong tanong ni Cheska sakin. Si Shane naman nag-aabang lang sa isasagot ko. Ghad! Bakit kasi inungkat pa nila yung nangyari? Nakakahiya siya mga mamshie!

"Sige na Venus. Bakit niya ginawa yon?" pangungulit ni Cheska. Di talaga titigil itong babae.

"Wala yon. Ewan ko ba doon Kay Ethan. Tsaka wag niyo nang ipaalala." sagot nito. Parang kinakabahan ako.

"Okay, sabi mo eh. Kain na lang tayo." wala na kaming ginawa at kumain na lang kami sa cafeteria.

Habang kumakain kami ay may biglang may nagtakip sa aking mga mata.

"Sino ba ito?" sabi ko. Hinawakan ko yung mga kamay ng nagtakip sakin. Ang lambot at ang sarap hawakan. Di ko talaga kilala kung sino nagtakip sakin.

"Huy! Sino ka ba?" pag-ulit ko ng tanong. Wala talagang nagsalita.

"Hulaan mo kung sino ako Venus." pabulong pagkakasabi sakin. Bigla na lang bumilis tibok ng puso ko.

"E-ethan?" bigla nang lumiwanag ang paligid ko. Agad naman akong tumalikod kung sino nagtakip sa mata ko. Para bang nagslow-motion yung paligid ko habang nakatingin sa kanya.

"Venus!" pagtawag sakin.

"Venus? Pinapupunta tayo ni Ms. Tiangco sa office niya." sabi ni Ethan sakin.

"Bakit Ethan?"

"VENUS ALICIA!!" sigaw sakin ni Cheska. Napabalik ako sa wisyo. Nandito pala kami sa cafeteria. Jusq. Bakit parang totoo lahat yung nangyayari?

"Bakit ka tulala diyan?" pagtatanong sakin ni Shane.

"Ah! Wala." pagsagot ko nito. "Bakit daw tayo pinapatawag ni Ms. Tiangco?" tanong ko nito.

"Di ko alam eh. Tayong tatlo sana nina Ethan pupunta sa office niya para doon sa research na gagawin natin, kaso nasa Hongkong pa ang kolokoy." sagot nito. So ibig sabihin, nagdaday-dream ako dito kanina pa. Nakakahiya!

"Tara na. Baka pumuti pa yung buhok ni Ms. Tiangco sa kakahintay satin." paanyaya ni Cheska at nagpaalam naman si Shane para umuwi sa kanila.

Bakit ko kasama sa isipan ko si Ethan? Bakit parang totoo lahat ng nangyari?

MAHAL KO NA BA SI ETHAN? NO WAY!

-------------------------------------
A/N: Oopz! Hehe! Sarreh!

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon