Chapter 30

29 12 3
                                    

[Not Edited]

Venus

I thought if you have a relationship, you'll become happy and contented life but no. Sisirain pala ang buhay mo

Ilang buwan na hindi nacecelebrate ng monthsary and now malapit na ang first anniversary namin. Akalain mo nakaabot na kami ng isang taon. Natatawa na lang ako sa sarili dahil doon.

"Venus, anong plano mo ngayon?" tanong ni Cheska na bumisita ito sa bahay.

Wala si mommy dahil may inasikaso lang sa business while daddy ay pumunta ng ibang bansa for business negotiation for the foreign business sa Norway at after two days ay pupunta sa Canada for visiting his company.

"Plano?" inulit ko nitong tanong. "Kumain, matulog, magcellphone, kumain ulit, tapos matulog." sagot ko nito.

Napailing naman si Cheska. "Ang ibig ko pong sabihin, anong plano mo ngayon dahil malapit na ang anniversary niyo ni Ethan?" pagklaro nito sa sinabi niya.

Napatango na lang ako bilang paggets sa sinabi niya. "Hindi iyan ang inuuna ko dahil hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho." palusot kong sagot.

But the real is, siya pa din ang umiikot sa isipan ko.

"Tsk, don't me Venus don't me!" ngisi aniya. Pinasok niya ang kanyang kamay at may kinakalikot ito sa loob. Nagtataka man ako kung ano ang ginagawa niya pero pinagmamasdan na lang siya.

Naglabas ito ng isang suklay at gunting. Napalaki na lang ang mata ko nito dahil mukhang alam ko na ang gagawin niya sa akin. Hindi pwede!

"Bitawan mo iyan Cheska!" pigil ko nito. Tumayo lang ito at unti-unting lumalapit sa akin na siyang ikinatras ko papuntang kwarto.

Pagkarating sa kwarto ay aakmang isasara nito pero napigilan iyon ni Cheska at ang kanyang itsura ay para siyang papatay. Paatras ako nang paatras hanngang sa makahiga na ako sa kama habang siya ay palapit sa akin na may kasamang nakakalokong ngiti at tawang bruha na ikinasabay ng pagkulog at pagkidlat.

-----

"Ayan tapos na!" aniya nang nailapag ang guting at suklay sa ibabaw ng mirror table ko. Napatingin naman ako sa salamin ay namangha sa ginupit ni Cheska. Akala ko ay magiging isang panget ang magiging kinalabasan ngunit nagiging bagay ito sa akin.

"Pantay yung ginupit mo sa buhok ko Cheska." mangha ko rito. "Pwede ka nang magtayo ng salon niyan katulad ni Shane." pambobola ko nito.

"Matatalo ko na si Ricky Reyes niyan." biro aniya sabay tawa. "I'm having a plan to establish kasi nang salon. Kakausapin ko si Shane tungkol dito." biglang naging seryoso aniya.

"Bakit mo ako kakausapin Cheska?" pagsulpot nito ni Shane sa kwarto na ikinagulat namin ni Cheska.

"Kung business lang naman yan Cheska, okay na okay ako. Pag-usapan natin iyan sa susunod." aniya na siyang ikinapalakpak ng isa bilang pagtuwa nito.

"Pag-usapan muna natin ngayon ay ang anniversary celebration niyo ni pinsan." pag-iiba ni Shane ng usapan na siyang ikinabuntong ko ng hininga.

"Wala ak-"

"Hindi pwedeng wala kang plano sa anniversary niyo Venus. Dapat ikaw ang kumikilos sa ganito. He always surprised you every monthsary niyo. Kaya ikaw naman ang magsurprise sa baby mo." pagtigil nito sa sasabihin ko. Sabi ko nga mag-iisip ng plano for anniversary.

"Wala ako maisip kung ano ang magiging surpresa ko kay Ethan." mahina kong lintaya.

"Nandito naman kami ni Cheska para tulungan ka sa pag-iisip." napatingin naman ako sa kanilang dalawa at nginitian sila.

Say "Baby I Do"Where stories live. Discover now