At that age, naranasan ko ang magmahal ng totoo, na nauwi din sa labis na pagkawasak ng puso ko. Pero hindi ko pinagsisisihan ang panahong 'yon, na nagmahal ako at binigay ko ang lahat sa lalaking minahal ko...dahil dumating sa buhay ko si Sunny.

Akala ko, tuloy-tuloy na 'yong pagiging tahimik at masaya kong buhay sa probinsya ngunit nagkamali ako. Noong graduating na ako sa college, biglang nagkasakit si tita Rosie, at hindi nagtagal ay iniwan niya na kami ni Sunny.

Ang hirap kasi pakiramdam ko, unti-unti na namang nawasak 'yong puso ko. Doble 'yong sakit na naramdaman ko sa pagkawala ni tita Rosie, kumpara do'n sa pagpapalayas sa akin ni tita Fely at panloloko sa akin ni Andrew.

Muli na naman akong nawalan ng pamilya, pakiramdam ko galit sa akin ang mundo dahil napakamalas ko pagdating sa magulang.

At the age of seven parehong namatay si mama at papa dahil sa isang aksidente. Si Lola ang nagpalaki sa akin, but after seven years she left me, sumama na siya kila mama at papa sa heaven. After my lola's death, tita Fely decided to take care of me, I was fourteen that time.

Mahigit dalawang taon rin ako sa poder ni tita Fely. Kung hindi lang siguro dumating si Andrew sa buhay ko, marahil magkasama pa rin kami ni tita Fely. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, kaya ang hirap ding sabihin ng mga pwede at hindi pwedeng mangyari.

After I graduated in college, nagdesisyon akong bumalik ng Maynila. Bukod sa magsisimula ng mag-aral si Sunny, ay kailangan ko na ring makahanap ng trabaho para sa pang araw-araw naming gastusin.

Nakahanap ako ng mura at maliit lang na apartment sa Las Piñas, kung saan kami nakatira ngayon ni Sunny, ng anak ko.

Natutuwa ako dahil kahit mahirap ay napalaki ko pa ring mabuti at mabait na bata si Sunny. I am proud of myself. Masasabi ko rin na si Sunny ang greatest achievement at pinakamagandang regalo sa buhay ko. I was thankful to God that after those struggles and difficulties I had faced, still he gave me Sunny, my little angel.

"Momma I'm nervous, it's my first day!" Nakasimangot na sabi ng anak ko matapos ko siyang bihisan ng uniporme niya.

"Normal lang ang kabahan baby, kaya okay lang 'yan. Basta maging behave at mabait lang ikaw sa school ha?"

Nakangiti kong paalala sa kanya.

"Opo naman momma, diba sabi niyo nga po na kapag mabait ang isang bata ay pinagpapala! That's why I don't wanna be bad, baka kasi parusahan ako ni Papa God e." Cute niyang sabi na nagpangiti lalo sa akin.

"Ang tali-talino naman ng baby ko. Pa-kiss nga!"

"Hehehe. Syempre, mana ako sa momma ko!" Proud niyang saad.

After our little chit-chat, nagpasya na akong lumabas na kami ng bahay dahil baka ma-late pa siya.

Malapit lang ang school sa ni Sunny sa bahay kaya naman naglakad lang kami. Isa din ito sa rason kung bakit mas pinili kong dito kami mangupahan, iyon ay para malapit lang ako sa school ni Sunny.

"Baby, momma's going home na okay? Behave ikaw and be kind to your classmates." Muli kong paalala sa kanya nang maihatid ko na siya sa classroom niya.

"Opo momma, I'll promised."

"Very good. Sige na, maupo ka na sa upuan mo." Hinalikan ko siya sa kanyang pisnge bago ako tumalikod na sa kanya para makalabas ng classroom nila.

"Uhm, teacher kayo na po ang bahala sa anak ko ha? Thank you po."

Gusto ko lang makasigurado sa kaligtasan ni Sunny kaya naman ibinilin ko rin siya sa teacher niya.

"Anak mo? Akala ko kapatid mo lang," Nginitian ko nalang si teacher, gets niya na 'yon. Kahit si Tita Rosie parang magkapatid lang daw kami ni Sunny.

My Ex-Boyfriend's ComebackWhere stories live. Discover now