Ice Cream Infinities

Start from the beginning
                                    

Nang matapos ang huling klase ko, hindi na ako nagtaka nang makita ko si Alec sa labas ng classroom namin. Nakasimangot siya at mukhang malalim ang iniisip pero nang makita niya akong papalapit sa kanya, agad na lumiwanag ang mukha niya.

"I've been thinking about where to take you,"

"And?"

"Mall tayo?"

Napangiti ako sa kabadong tanong niya. Para bang matagal niyang pinag-isipan kung saan ako dadalhin at hindi siya kuntento sa napili niyang lugar. "May gusto ka bang bilhin sa mall?"

"Wala naman. Naisip ko lang kasi marami tayong pwedeng gawin kung sa mall tayo pupunta."

"Sige, tara?"

Malapad ang ngiting ibinigay niya sa akin. "Tara."

Inabot niya ang kamay ko at naglakad na kami papalabas ng school. Hindi ko maipaliwanag kung anong meron kay Alec ngayon pero hindi siya gaanong nakasimangot kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Good mood ka ata ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako, yung ngiting kita ang pangil niya. "Kasama kita eh,"

Pinilit kong wag ngumiti sa sagot niya. "Ang korni mo talaga minsan,"

"Ang hirap mo pakiligin, alam mo yun?"

"Maybe you need to do better?"

Mabilis ang paglingon niya sa akin at agad na inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Hinahamon mo ba ako, Jaranilla?"

Tinulak ko papalayo ang mukha niya bago pa niya mapansin ang biglaang pagiinit ng mga pisngi ko. "Di kita hinahamon. Wag ka mag-assume. Gusto ko lang tigilan mo yung pagiging korni mo kasi minsan nakakahiya ka na kasama."

Agad na nawala ang ngiti niya. "Nahihiya ka sakin?"

"Pag korni ka lang."

Tumigil siya sa paglalakad at hinila ako. Medyo nawalan ako ng balanse pero dahil mabilis niyang niyapos ang bewang ko, napakapit na lang ako sa kanya para di ako tuluyang matumba.

Holy shitzu!

Nanigas ako sa pwesto ko, nakatitig sa leeg niya dahil sa pagkakadikit naming dalawa. Gamit ang kanang kamay niya, dahan-dahang inangat ni Alec ang mukha ko para magtama ang tingin namin.

"Kung ayaw mo yung pagiging korni ko, maybe you like it better when I'm more daring?"

Inilapit niya muli yung mukha niya sa akin at dahil di ako makagalaw, napapikit na lang ako.

Naghintay akong ilang segundo pero walang labi na lumapat sa akin. Pagbukas ko ng mga mata ko, malapad ang ngiti ni Alec sa akin.

"Disappointed?"

"Walang hiya ka!" Sigaw ko at saka siya tinulak papalayo.

Malakas ang tawa ni Alec at dahil sa pagkainis ko sa kanya, pinalo ko siya sa braso ng ilang beses. Sobrang nakakahiya yung ginawa niya parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa!

"Ayoko na! Uuwi na lang ako!"

Naglakad na ako papalayo kasi hindi pa rin siya tumitigil sa katatawa. Naiiyak na ako sa kahihiyan. Bakit ba kasi ako pumikit? Sana tinulak ko na lang siya agad.

"Hey, Sophie!" Pinigilan ako ni Alec at pinaharap sa kanya. "Sorry na!"

"Bitawan mo ako! Uuwi na lang ako!"

Lumayo ako sa kanya pero agad niyang hinarangan yung dadaanan ko. "Umiiyak ka ba?"

"HINDI!"

Natigilan siya sa sigaw ko at naramdaman kong napalingon sa amin ang mga tao.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now