Chapter 28

6 0 0
                                    

"Good day! students!" Masayang bati ng teacher namin.



Monday nanaman at syempre back to normal, aral aral. Ilang araw nadin ang nakalipas nung nag outing kami




"Kamusta naman ba ang PSC week niyo?"



"All goods" Wala sa sarili kong sagot. Kaya naman napatawa ang lahat "Why? may nasabi bakong masama?" Tanong ko



"Wala naman tol" Natatawang sagot ng teacher namin. Muling nag tawanan kaya naman buong class ay nag kwentuhan lamang.




Mabilis lang ang oras at pumatak na nga ang alas dose ng tanghali. Nag lunch kami ni Callie kasama si Amara



Panay na ang text at chat ni Nail kay Amara simula nung gabing iyon



"Feel ko mag kakajowa ulet ako ngayong taon"



"You're welcome, Amara" Agad na sambit ko at tumawa naman siya



"Utang ko jowa ko sayo"




"Ano daw?! diko gets teh!" Sagot ni Callie. Napalakas ang boses niya kaya pati ang mga ibang kumakain dito sa canteen ay napalingon sakanya




"Alam mo, kumain ka nalang dyan baka maunahan kapa ng mga langgam dyan, Ayan na oh!" Turo ni Amara sa langam na kumakain ng banana ni Callie




Agad niya etong hinampas ng palad niya napalakas kaya agad nanamang napalingon ang mga tao



"May halong galit yata yon? hahaha" Natatawang sambit ko at nagulat naman si Callie dun



"Wala ah! bat naman ako magagalit? sige nga!"





"Oh eh bat ka nga galit ngayon?" Pinandilatan ko siya habang tumatawa kaya naman inirapan lang niya ako at dahil sa palaban ako ay umirap ako habang sumubo ng Salad.




Nag karoon pa kami ng kwentuhan tungkol sa nangyare nung gabing nag beach kami. Inaasar pa nila ako dahil parati ko daw sinusungitan si Cj at baka daw mafall ako.




Tsk! Pwede ba yon? As if naman!, hindi ba? Asa naman kasi kung ma fafall naman ako sakanya. Hmm shit wag naman oy!




Nag lakad na kami nila Callie patungo sa room namin. Masyado kaming maaga kaya naman nakinood nalang kami ng movie dito sa room. Nakadikit sa wall ang TV para iyon sa mga presentation at movie lesson pero dahil nga wala pang teacher ay kami muna ang gagamit. Pwede naman dahil binanayaran namin yan



“Excuse me”



Agad kaming napalingon sa nag bukas na pintuan. Si Ichiro pala iyon at nakangiti lamang



“Hi Ichiro!” Bati ng mga kaklase naming babae. Kumaway siya at agad na lumingon samin



“Bakit?” Tanong ko. Pinlay na ule nila ang movie kaya naman busy na ang mga kaklase ko.



Tinuro niya si Callie kaya naman napalingon ako sakanya na busy nanonood sa TV. Kinalabit ko siya at nag taka naman siya dun. Hindi ba niya napansin na andito si Ichiro?


“Tawag ka oh” Tinuro ko si Ichiro at agad naman siyang nagulat. Lumingon pa siya sakin bago niya ule nilingon si Ichiro



Tumayo siya at lumabas. Nag paalam naman si Ichiro sakin kaya tumango nalang ako tyaka ngumiti bago sila umalis.




Habang nanonood naman kami ay diko maiwasang icheck ang phone ko. Kahit walang nag tetext o nag chachat, lagi ko pading sinisilip. Ewan ba parang may hinihintay ako




Pumasok na ang teacher namin at dumating narin si Callie. Mag hapon naman kaming nakinig at nag sulat



“Class don’t forget yung mga books niyo tomorrow kelangan ko ng icheck at yung bagong scrap book bukas ko nalang ieexplain”




Lumabas na si ma’am at nag si ayusan nadin kami dahil nga uwian na. Wala akong natutunan ngayon pero marami naman akong naisulat. Irereview ko nalang siguro yon



Nag paalam nako kila Callie na deretso uwi nako dahil kelangan ko pang mag grocery. 4pm palang naman ay 7pm nag sasarado ang mga mall


Nag drive nako pauwi at saglitang namahinga sa sala. Nahiga ako sa sofa habang naka uniform pa.



Habang nag fafacebook ako ay biglang nag text si Cj



Ilang araw ko din siyang hindi nakita at nung gabing iyon ay lagi kaming nag iiwasan. Ano kayang kelangan neto?



(Cj: Hi)


Tsk. Hi tapos ano?



Nicole: Hello!



Nag Instagram nalang ako at hinintay nalang ang reply niya. Nakita ko ang bagong post ni Ichiro na nasa café siya at nasa table ang mga camera niya at nakacaption ang


(Happiness)



Kamusta kaya siya? Kamusta sila ng fiancé niya? Sa lahat ng tweet niya at post ay puro good vibes kaya siguro ayos lang siya.



Muling nag reply si Cj kaya naman napadapa ako sa sofa upang basahin iyon



(Cj: Kamusta ka?)



Wala naman akong sakit bakit niya ako kinakamusta? Adik yata tong si Cj.



Nicole: I’m fine. You?



Binaba ko ang phone ko at nilagay sa lamesa. Umakyat ako sa kwarto para mag bihis dahil nga kelangan kong mag grocery. Wala nakong stock! Ayoko naman magutom



Nag suot ako ng Adidas shirt at Jacket na color black. Makulimlim kasi at panigurado malamig sa mall ng ganitong oras. Nag short nalang ako ng pang labas. Nag slipper nalang din ako suot ang regalo ni mom sakin



Bumaba ako at kinuha ang phone, wallet and keys



Sumakay ako sa kotse ko tyaka chineck ule ang phone ko para tignan sa list ang mga kelangan kong bilhin.



Habang binabasa ko ang mga kelangan ko ay nag text nanaman si Cj kaya binack ko at agad na binasa ang text niya




(Cj: Ayos naman haha :) san ka?)



Inistart ko ang car ko tyaka nag type.



Nicole: I’m going to grocery store. Buy some foods



Nag drive ako at mabuti nalang hindi masyadong traffic sa town. Nakakainip pa naman tumambay sa loob ng kotse kapag traffic




Nag park ako sa gilid ng mall at kinuha ang phone and wallet ko. Sinabit ko sa short ko ang keys ko para hindi nako mahirapan bitbitin pa dahil flat wallet ang dala ko.



Nag vibrate ang phone ko kaya inopen ko habang nag lalakad patungo sa grocery. May nadaanan pakong cute dog kaya kumaway ako.




(Cj: Sama ako)



Pft. Hindi ko napigilan tumawa kaya napailing ako at nag type



Nicole: Come here :)



Kumuha ako ng push cart at tinulak iyon papasok sa store. Nag tungo ako sa mga meat and vegetable. Kumuha ako tyaka iyon nilagay sa cart



Nag tungo muli ako sa noodle at ginilid ang cart tyaka nag lakad patungo sa mga noodle.



Hindi naman ako mahilig sa noodles pero kasi meron yung time na bigla bigla nalang ako mag cracrave sa noodle lalo na ang seafood flavor.



Naramdaman ko namang nag vibrate ang phone ko kaya agad kong nilagay ang mga cup noodle sa cart ko at tinignang ang phone ko.


Its Cj again. Bored ba siya kaya nang gugulo?



(Cj: Otw)



Gosh. Sineryoso talaga niyang sasama siya? Well okay lang pero bahala siya dahil wala akong time mag libot sa mall at grocery lang pakay ko dito


Bat kaba nag iisip ng ganyan? Sinabi ba niyang mag dadate kayo kaya nasabi mong lilibot kayo ng mall? Myghad Nicole!




Tinulak ko nalang ang push cart ko at nag lagay ng maraming milk. Hindi naman to masisira kahit na marami dahil halos gawin ko ng water ang milk



Kumuha din ako ng cereal in case na tamadin ako mag cook ng breakfast. Kumuha nadin ako ng oat meal at powdered milk para kay Rocky. Gusto ko kasi kapag nag mimilk ako ay kasama ko siya



“Hi”



“Ay milk!” napasigaw ako sa gulat kay Cj kaya naman napatawa siya at tinuturo ako



“Ahahah! Gulat ka? Pogi ba?”



“In your face”



“Oo nga In my face, pogi my face”




“Alam mo habang tumatagal pahangin ka ng pahangin”



Iniwan ko siya dun at tinulak ang push cart. Agad naman niyang inagaw at siya na yong nag tulak. Hinayaan ko nalang siya dahil mabigat nadin naman ang mga yon, hindi na kaya ng powers ko mag tulak kaya mabuting andito pala siya may silbi kahit papano



“Grabe sa payat mong yan ang dami mong kinukuha”



“Can you please stop talking? Iniisip ko kung bibili paba ko ng bigas pero diko mabuhat”



Marami pa naman akong bigas pero kasi ayoko naman maubusan. Hindi pa kasi nakakabigay sila lola ng bigas ko kaya ako nalang muna bibili tutal pera din naman nila ang gagamitin ko. Argh! Saka na ngalang!



“Andito naman ako” Sambit ni Cj at pinakita sakin ang braso niyang malaki. Edi siya na



“Langgam lang mabubuhat niyan” Sambit ko at tumawa. Nag lakad nako at sumunod naman siya. Kumuha ako ng dog food and dog shampoo at tumungo ako kabila para sa mga sabon and shampoo ko din.


“Eto mabango” Kinuha niya ang color pink na shampoo at binigay sakin. Shampoo ko to



“Yeah I know, ginagamit ko to”



“Oo ang bango naaamoy ko” Sambit niya kaya napairap ako at nilagay iyon sa cart. Kumuha pako ng pang laundry at sa huli ay kunuha ako ng mga snacks



Kelangan ko kasi mg snacks kapag nag rereview lalo na kapag maraming readings.



“Puro ka junk food, hindi yan healthy! Eto dapat” Kinuha niya ang skyflakes at nilagay sa cart kaya naman agad kong kinuha at binalik



“I don’t want that” Sambit ko at kinuha ang Nova at Piattos



“Alam mo eto dapat eh” Kinuha niya ang potato chips na malaki. “Mas healthy to kesa dyan” Sambit niya




“Okay”




Nag tungo nako sa cashier at nagulat naman ako dahil halos mapuno na ang malaking push cart. Alam ko namang fresh milk ang nag parami dun



“Kinuha mo yata yung isang box ng milk”



“Hindi ah!” Tanggi ko at kinuha ang isang fresh milk. “Next year pa naman mag eexpired kaya okay lang na marami to” Sambit ko at nginitian siya at kinuha ang card mula sa wallet



“Cute”



Lumingon ako sakanya at nginitian siya



“What did you say?” Nakangiting sabi ko. Alam ko namang ‘cute yung sinabi niya at alam kong ako yun dahil ramdam kong sakin siya nakatingin




“Sabi ko noted”



Umiling iling ako tyaka binigay ang card sa cashier. Pinabox ko lahat at pinalagay din sa push cart para naman maitulak nalang palabas ng mall patungo sa parking area



“Ang bibigat naman ng mga to, buti nalang sumama ako, natulungan pa kita”



“Yeah thanks” Sambit ko at kinuha ang keys ko sa short. “Pano? Una nako?” sambit ko. Sabi naman kasi eh wala ko balak mag libot ng mall. Panigurado naboring to



“Hindi ako kasama?” Sambit niya at naka pout siya. Nakaharang nanaman ang mga buhok niya sa mata niya kaya ginilid ko yun at nag tip toe pako.



“Wala akong kotse” sambit muli niya.



“And?” Sambit ko at binuksan ang pinto ng drivers seat “May taxi dyan” Pahabol ko pa pero agad ngang umambon at sobrang lakas nadin ng hangin



“Sige ingat” Sambit niya. Hindi ko alam kung ayos lang siya o hindi daw sa boses niya ngayon ay pinipilit niya lang maging masaya



“Drive my car” Hinagis ko sakanya ang susi tyaka umikot patungo sa passenger seat. Naupo ako at pumasok nadin siya “Pag binangga mo, basag yang bunggo mo” pahabol ko pa



“Puso ko basag”



“Huh? Why?”



Nag simula na siyang mag drive at ang lakas na nga ng ulan. Bakit wala siyang kotse? Ihahatid ko pa tuloy siya




“Sinaktan mo”



“You’re being weird, Cj” Natatawang sambit ko at inabot ang isang chips sa likod. Binuksan ko yon at kumain



“Ang ganda idrive ng kotse mo” Lumingon ako sakanya at chill lang siyang nag dridrive. “Pero mas maganda ka” Natatawang sambit niya.



Para manahimik siya ay sinubuan ko siya ng chips kaya napatawa siya at napatawa ako.



“Crush mo bako?”



“Peeep!!” agad na nag ingay ang nasa gilid namin kaya nilingon ko si Cj



“Cj! Watch out! Ano ba! Sabing babasagin ko bunggo mo pag binangga moto! Arg!”


“Gago kasi yan oh! Wrong way siya” Agad na depensa ni Cj. Sisihin pa niya tong katabi namin eh nakita kong napabilis ng drive si Cj. Argh!




“Maninisi kapa eh! Ayoko pa mamatay mahal ko pa buhay ko”



“Ako din mahal kita” Sambit niya “Mahal kita self”



Napasandal nalang muli ako at napatingin sa labas ng kotse. Hindi ba siya nilalamig? Naka sando lang siya at ang lakas ng AC dito sa car ko tapos maulan pa.



Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay ay panay ang ubo niya. Tinatakpan naman niya gamit ang panyo niya.



Umaambon padin hanggang sa makauwi kami. Nag pasya siyang buksan ang gate kaya kahit umaambon ay lumabas siya ng kotse para buksan ang gate




Bumalik din siya agad at pinunasan ang sarili.



“Sorry nabasa ko upuan”



“No Its okay!” sambit ko “Sorry I don’t have umbrella kasi” Sambit ko pa.



Bumaba kami pagka park niya sa loob kaya naman ako na nag lock ng gate at tumungo sa main door para buksan.



Nilingon ko siya at nagulat ako ng bitbit niya sa mag kabilang kamay ang dalawang box. Agad kong binuksan ang pinto pars makapasok na siya



“Cj Thank you” Sambit ko ng maibaba niya ang dalawang box sa gilid ng sofa



“Thank you lang?”



“Huh?” Sinundan ko siya ng tingin ng lumabas ule at bit bit na niya ngayon ang tatlong plastik tyaka nilapag sa kitchen table



“Wala bang meryenda?” sambit niya



“Ah yes! Meron! Nasa ref gumawa ako ng Ice candy”


“Anong flavor?”


“Milk” Nahihiyang sambit ko at napailing naman siya. Tyaka binuksan ang ref at kumuha ng ice candy.




Inayos ko ang mga pinamili ko. Medyo padilim na pero andito padin si Cj


“Hindi kaba hinahanap sainyo?”




“Wala sila mommy”



Mommy. Cute




“Kaya ba andito ka?” Sambit ko at nilagay ang milk sa ref




“Siguro hahahha ayaw mo ba? Damot mo naman”




Nilingon ko siya at inirapan siya pero agad muli siyang nag salita



“Pangit naman lasa netong Ice Candy! Parang panis”



Tumayo ako at hinila siya palabas ng bahay tyaka sinarado. Tumatawa naman siyang kinakatok ang pinto




“Oy hahhaa sorry! Joke lang naman!”



“Nicole! Nilalamig ako ang lakas ng ulan”


“Nicole please! Sorry na pabili po Ice candy!”



“Go home!” Sigaw ko habang nakangiti. Ewan ko ba ang cute niya.




Hinayaan ko nalang siya hanggang sa makita kong nag lalakad na siya palayo. Nasa taas nako ay nakadungaw sa bintana ng kwarto ko at nakita ko naman siyang naliligo na ng ulan


Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita kong tinatadyakan niya ang mga batong nalalagpasan niya at tinataas ang kamay na parang nasa music video.


“He’s so cute”













Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now