Chapter 19

10 0 0
                                    

Nicole's POV.
 
  
Pag dating ko sa school ay dumeretso ako kaagad sa canteen to buy some water and gatorade para kay Callie dahil first day of PSC ngayon. Baka mag karoon siya agad ng game mamaya
  
  
Hindi ko makakasama si Callie and Ichiro ngayon dahil mga varsity sila at panigurado mag reready na sila para sa parade mamaya.
  
  
Pagka kuha ko ng water sa canteen ay dumeretso nako sa field at ang dami na ngang tao dito mga taga ibang school.
 
 
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ate lory. Nag usap kasi kami kagabi na sakin siya sasama kasi ang mga kaibigan niya ay player.
 
 
Nakakailang ring palang ay sinagot na niya. Kaya naman nag lakad nako papunta sa bleacher kung saan nakaupo ang mga school mates ko. Nakipag ngitian pako sa mga classmates ko kaya naman nakiupo nalang ako sa tabi nila.
  
  
"Ate Lory where are you na?"
 
  
"Nasa parking, dederetso muna ako kay Jayvi. Bibigyan ko lang ng good luck kiss"
 
 
"Aww so sweet ate! by the way nasa bleacher nako. Kita kits nalang dito may nakareserve ng upuan mo"
 
 
Binaba ko ang phone ko tyaka naman napalingon lingon sa gilid kung san naka pila ang mga player nag reready para sa parade. Mabuti nalang maaga ako mauumpisahan ko pa pala tong parade nato.
  
  
Im wearing University Sport Shirt at nakapatong ang old jersey ni Az para daw mabilis niya akong mahanap. Napalingon ako sa mga katabi ko, pakiramdam ko naligaw lang ako dito dahil sa lahat ng nandito ako lamang ang naiiba ng suot. Traydor naba ako non?
  
  
Ang Univ Sport shirt namin ay color black tapos naka sulat sa harapan ang LHU means Land High University. White ang color ng mga letters at sa likod naman pinag halong Black white and blue logo.
  
  
"Marquez? diba jersey ni Az yan last year?" Tanong sakin ni Tricia ang kaklase ko.
 
 
"Ahm yes? I guess?" Alanganing sagot ko. Hindi ko kasi alam kung jersey ba niya to last year dahil nalate ako sa parade nun and hindi ako nakakanood ng basketball game dahil natutugma ang game ko sa game nila. Dati kasi akong Billiards player and I got silver medal last year.

 
"Omyghad! don't tell me may something sainyo ni Aziel?" Napahawak siya sa bibig niya habang nag pipigil ng ngiti
 
 
"Actually nililigawan palang niya ako" Sambit ko at ngumiti din pabalik sakanya.
 
 
"Magandang araw sainyong lahat kapwa ko studyante!"
 
 
Hindi na muli naka sagot si Tricia dahil nag ingayan na ang ibang studyante sa bati ni Ate Diana na nakahawak ng mic at nasa stage.
 
 
May mini stage sa harap at may malaking tent para hindi sila maluto sa arawan hanggang mamaya. Sa field kasi gaganapin ang parade and after ng parade ibibigay ang schedule ng game at sa gym na tutungo ang mga court games. Volley and Basketball
  
 
"Nicole!"
 
 
Napalingon ako sa gilid at nakita ko si ate lory na naka suot ng maroon shirt ang univ sport shirt nila.
 
 
"Here!" Turo ko sa tabi ko kaya naman nag lakad na muli siya papunta sakin bitbit ang snacks niya with drinks "Ate are you going to watch a movie or a parade?"
 
 
"Hindi ako nag breakfast at eto lang nakuha ko sa condo" Sambit niya kaya naman tumango tango nalang ako "Nice jersey huh" Pang aasar niya kaya naman napangiti nalang ako sakanya.
  
  
"Nagagalak akong makita kayong masaya mga kapwa ko studyante!"
 
 
Muling nag ingay ang ibang studyante habang winawagayway ang mga baloons nila.
 
 
"Si Diana yan ha" Tumango ako kay Ate Lory "Classmate ko siya nung elementary and infairness hindi na siya shy type naturingang MC pa" Natatawang sambit niya habang kumakain.
  
  
"Una sa lahat ay gusto kong pasalamatan ang mga dumalo upang sumoporta sa unang araw ng Private School Sports Compitetion nato. Alam ko marami sainyo ay naiinip na dahil sa sabik na makita o mapanood ang mga sinusuportahan nating mga Kaibigan, kaklase, kuya o ate at mga Ka! Ibigan!"
 
 
Nag tawanan ang mga studyante at agad naman akong tinusok ni Ate Lory sa tagiliran dahilan para mapatili ako sa gulat.
  
 
"Ano ba ate!" Reklamo ko habang nakangiti dahil sa kiliting inabot ko kanina sa pag tusok niya sa tagiliran ko.
 
 
"Oy nangiti!! keleg keleg ka dyan ha!" Nag roll eyes nalang ako dahil sa pang aasar ni Ate Lory. Hindi naman ako naaapektuhan dahil wala lang sakin ang supportahan si Az dahil kada training niya nandun ako.
  
  
"At eto na nga! wag na nating patagalin! wala ng paligoy ligoy pa! lady's and gentlemen! please welcome! Mercedes High University!"
 
 
"Woahhh!!!!"
 
 
"Mercedes babies!!"
 
 
"Go Mercedes High! Go Mercedes High Go! Go! Go!"
 
 
Napakahyper nga naman ni Ate Lory dahil kinanta pa niya ang cheer ng Mercedes High at halos isigaw na niya ang pinaka malakas na boses niya. Nag simula nga mag ingayan ang studyante lalo na ang side ng Mercedes High ng biglang nag silakaran na ang mga player ng MH.
 
 
May hawak na flag ang nasa gitna nila na matangkad na Lalake. I think Captain sa Basketball. Ang Flag nila ay Kulay Maroon at naka ukit sa flag ang kanilang Logo.
  
 
Nakita ko pa si Aster kasama ang mga kaibigan at ka teammates niya na nag uusap usap habang nakangiti. May hinahap siya sa paligid.
 
 
Baka hinahanap niya si Cj? hindi ba sila nag kita sa likod ng Stage? aish.
 
 
Ilang araw nadin simula nung maihatid ko sila galing sa skyline at halos sukaan nako ni Cj maihatid ko lamang siya sa kwarto niya.
  
 
Ilang araw nadin siyang umiiwas sakin at kada kakausapin ko siya ay tanging tango lang at iling ang sagot niya. Naging bully nadin siya tulad ng dati sabi ni Callie
  
  
"Jaguar High University!!!" Sigaw muli ni Ate Diana kaya naman mas nag ingay ang mga studyante at may pa confetti pa sa side nila.
  
 
"Aziel ko!!!" Sigaw ng nasa likod ko at halos mapaos na siya sa boses niya kaya naman napatawa nalang kami ni Ate Lory
 
 
Nakita kong si Aziel ang may hawak ng yellow flag nila at nakasuot na siya ng Jersey na color black and yellow. Habang nag lalakad sila ay hindi maiwasan ng ibang studyante ang hilain si Aziel pati nadin si Jacer kaya naman natatawa akong kinuha ang phone ko para ivideo sila para may ipakita ako mamaya sakanya.
  
 
"The last! is Land High University!!!"
  
 
Nag tunugan ang mga drums pati nadin ang hiyawan ng mga studyante. Pati yata studyante sa Mh at Jh ay nakihiyaw nadin.
 
 
Nakita ko si Cj na lumabas hawak ang Flag namin na kulay black at logo na color white and blue. May mga paint sila sa muka nila na color black and white
 
 
"Para silang batang may laban" Sambit ni ate lory kaya naman nag tawanan kaming dalawa ta nakipag tawanan din ang mga nakarinig sa likuran namin.
 
 
"Go Land High!"
 
 
"Cj ko!!!! papa Cj ko!"
   
  
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Jepoy ang baklang kaklase nila Ichiro. Napakunot naman ang noo ko sa sigaw niya nabingi kasi ako ang lakas ng boses niya kaya naman napairap ako at muling nanood ng parade nila Cj
  
 
Nakita ko siyang tumatawa na pinapaikot ang Flag na para bang kasali sita sa Drum and Lyre at siya yung Flag dun na nag iikot ikot ng flag tyaka ihahagis sa itaas tyaka sasaluhin. Napairap ako at napatawa sa ginawa ni Cj.
 
 
"Oh diba si Cj yung nasa labas ng house mo? yung dati? sa Ig Story mo?" Tumango ako kay Ate lory at ng matapos ang ikot nila Cj sa field ay napalingon ako kay ate Lory "Bakit ka nakangiti siya? crush mo siya no?"
 
 
"Ha? no ate duh! as if naman eh lagi akong iniinis niyan"
 
 
"Weh? lagi ba?" Sambit niya at napalingon kay Cj na ngayon ay nag tatawanan kasama si Jude at Ichiro pati nadin ang ibang player galing sa Pacific High
 
 
Yes, dati pero ngayon hindi na"
  
 
Napalingon siya sakin at napakunot ang noo
 
 
"Eh bakit parang nalungkot ka?" Pag uusisa niya kaya naman mabilis akong umiling tyaka tumawa "Tigilan moko Nicole! mapag panggap ka-
 
 
Naputol ang sinasabi niya dahil agad niyang sinagot ang tawag ni Jayvi sakanya. Kaya naman nakinig nalang ako sa annoncement na sinasabi ni Ate Diana.
 
 
Nakita ko si Az at ang dami nakikipicture sakanya at si Jacer naman todo tawa at tinuturo si Az habang nakangiti
  
  
Nakita ko si Callie na nakikipag tawanan kila Amara at todo palo naman si Amara kay Callie na para bang gwapong lalaki ang pinag uusapan nila.
 
 
"Yes bi, Goodluck! mwa"
 
 
Napalingon ako kay Ate Lory na tinago ang kanyang phone sa mini bag niya. Napalingon naman siya sa hawak kong Gatorade and Water.
 
 
"Wow ha may Gatorade ka pero hindi ka naman player"
 
 
"Hindi naman sakin yan" Sambit ko
 
 
"Kay Aziel? omo! sweet ha!"
 
 
"No" nahihiya kong sabi at napakingon sa mga drinks. "This is for my bestfriend Callie"
 
 
"What?! kay Aziel wala? hina mo naman!"
 
 
"What do you mean?"
 
 
"Ganto, si Jayvi Basketball player. Sa lahat ng training niya ako yung nag bibigay ng water, and sports drinks" Sambit at nag salita muli "Tapos lagi ko ding Pinupunasan ang pawis niya kata break time or Time out nila"
 
 
Inisip ko ang mga ginagawa ko sa tuwing nanonood ng training ni Az. Lagi lang ako naka upo sa gilid at siya nadin mismo nag pupunas ng sarili niya because wala akong dala na towel at hindi naman kaya ng panyo ko ang pawis niya. Tapos lagi naman siyang may dala na water at malaking gatorade.
 
 
"Huy!"
 
 
Nagulat ako sa tawag sakin ni Ate Lory kaya naman pumikit pikit ako tyaka tinignan siya ng patanong look
 
 
"Nakikinig kaba o nag iimagine kana dyan ng kung ano ano?"
 
 
"Nakikinig" sagot ko
 
 
"Oh ano nga ule yung sinabi ko?"
 
 
"I forgot" Nahiya akong ngumiti kaya naman napakamot nalang siya ng ilang beses sa ulo niya "Hey stop scratching your head" Biro ko sakanya.
 
 
"Basta alam mo nayon tyaka dipa naman kayo siguro kapag kayo na magiging girlfriend material kadin"
 
 
Hindi ko naintindihan ang huling sinabi ni Ate Lory. Nanood nalang kami ng mga nag sasayawan sa harapan. Mga cheerdance
  
 
Habang nanonod kami ay napansin ko si Az na papalapit sa gawi namin kaya naman pinanood ko siyang mag lakad at umakyat palapit sakin
 
 
"Hi" Bati niya. Napatayo ako at nagulat ako ng yakapin niya ako kaya naman para hindi niya mahalata na nagulat ako ay niyakap ko nalang din siya pabalik.
 
 
"Ay girl ang taray ni Ate may pa yakap sa boyfriend" Rinig kong bulong ng bakla sa likod ko pero diko nalang pinansin at humiwalay na sa yakap ni Az.
 
 
"Kamusta? namiss kita"
 
 
"Stop! mag kasama lang tayo kagabi ikaw pa nag hatid sakin" Natatawang sabi ko. Inayos niya ang buhok ko habang nakangiti siya
 
 
"Lagi naman kitang namimiss" Mahina lang ang boses niya kaya naman kaming dalawa lang ang nakarinig nun.
 
 
Naramdaman kong panay ang kalabit ni Ate Lory sakin kaya naman nilingon ko siya at nagets ko ang tingin niya. Napatawa akong nilingon muli si Az at tinuro si Ate Lory
 
 
"This is Lory, my counsin" Pag papakilala ko. Nag kamayan silang dalawa kaya naman napatayo din si Ate Lory
 
 
"Merdes High pero nasa Land High team" Pang aasar ni Az kay Lory
 
 
"Si Nicole din. Land High pero suot Jaguar High"
 
 
Natawa ako at pati si Patricia natawa kaya naman napalingon ako sakanila.
 
 
"May game kami mamaya 1Pm. Makakalaro namin ang Mercedes High"
 
 
"Manonod kami ni Nicole" Sambit ni Lory tyaka ako inakbayan
 
 
"Syempre Ichecheer pako neto" Ginulo ni Az ang buhok ko kaya naman napasimangot ako at agad din. iyang inayos iyon. "Sige na kita ule tayo mamaya baka hanapin nako dun" paalam ni Az kaya naman bago siya umalis ay yumakap muna siya sakin at todo nanaman ang tusok ni Ate Lory sa tagiliran ko.
 
 
Nag kaayaan kami ni Ate Lory after ng opening kaya naman nag sabay sabay ang studyante na lumabas sa field. Mag lulunch kami dito sa Canteen ng school dahil alam kong puno ang tao sa Jungle
 
 
"Itetext ko lang si Jayvi na sa Canteen na kami mag kita para mag Lunch"
 
 
Nag lakad na kami patungo sa canteen at mabuti nalang may bakante pa. Kaya naman hinintay muna namin si Jayvi para umorder ng Lunch
 
 
"Asan na si Az?" Tanong ni Ate Lory
 
 
"Sabay sabay sila mag lunch kasama niya ang teammates niya"
 
 
"What?! bakit daw?"
 
 
"Wala naman sinabi" Sambit ko at napansin ko namang papalapit si Cj kasama si Ichiro dito sa canteen at nasa gilid kasi ako ng bintana naya naman kitang kita ko ang mga nag sisidatingan.
 
 
"Ang weird niyo mag ligawan" Napalingon ako kay Ate Lory "Wala manlang kayong kaeffort effort sa relasyon niyo" Inip na sambit ni ate lory
  
 
"Callie!" Tawag ko kay Callie sa bintana kaya naman nag madali siyang pumasok sa Canteen at iniwan sila Amara
 
 
"Nicole! Ow" Napahinto siya ng makita ang suot ko "Nakakatampo ha. Jaguar high na pala sinusuportahan mo ngayon" Niyakap ko siya tyaka napairap
 
 
"Ano kaba kahit naman ganto suot ko susuportahan ko padin kayo" sambit ko tyaka inabot sakanta ang water at gatorade. "Im sorry hindi na kasi malamig"
 
 
"Its okay! may cooler kaming dala ipapalamig ko dun and may game ako mamaya 3Pm"
 
 
"Goodluck! sino palang kasabay mo mag lunch?" tanong ko at nakita ko namang nakapwesto na sila Cj sa malayo
 
 
"Sila Amara pero pwede bako maki join nalang dito? nakakasawa pag mumuka nila eh" Pang jojoke ni Callie tyaka napansin niya si ate Lory "Hi ate Lory! long time no see ha!"
 
 
Naupo si Callie kaya naman nag usap na sila ni Ate Lory. Nakita kong papalapit si Ichiro at nakasunod lang si Cj sakanya at sakto ding dunating si Jayvi at naupo sa tabi ni Ate Lory.
 
 
"Hi Callie, Hi Nicole or Hi Jayvi pre!" Nakipag kamayan si Ichiro kay Jayvi "Hi ate Lory"
   
 
"Stop calling me ate. Ang pangit naman mas matangkad ka sakit tapos ate ang tawag mo?" natatawang sabi ni Ate Lory kaya namang inulit ni Ichiro ang pag bati niya
 
 
"Hi Lory, oh okay naba?" Malokong sabi ni Ichiro kaya nag rolleyes nalang si ate Lory.
 
 
Napansin ko din na panay ang pindot ni Cj sa kanyang phone ha ang hawak ang towel niya na nakasabit sa balikat niya.
 
 
"Sayang wala nang space dito. Makiki table sana kami, Diba pre?" Inakbayan ni Ichiro si Cj at umiling naman si Cj
 
 
"May table ako dun. Ikaw nalang dito" Sambit niya at natawa naman si Ichiro tyaka siya nilayasan ni Cj patungo sa counter.
 
 
Nag paalam nadin si Ichiro kaya naman sinundan ko sila hanggang sa makaorder sila ng pagkain nila at bumalik sila sa upuan nila.
 
 
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam ang nangyayare sakin, siguro dahil lang to sa gutom.
 
 

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now