Chapter 13

9 0 0
                                    

Ilang oras ko ng pinipilit matulog pero 11 Pm na gising na gising padin ako! Argh!

Sa sobrang boring ay umupo ako sa kama ko at nilingon ang laptop ko sa side table ko. Inabot ko iyon at binuksan. Sumandal ako sa headbed ko

"Okay Nicole! manonood tayo ng mukbang!"

Inopen ko ang laptop ko at nag tungo sa youtube. Ganito ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog tapos maya maya gugutumin nako. Hays!

Habang nanonod ako ay patingin tingin ako sa phone ko kung nag text ba si Az.

Pero wala! argh!

Nasabi kasi niya sakin na pupunta daw sila ni Jacer sa party. Sa birthday ng kaibigan nila pero hanggang ngayon wala padin siyang text sakin

Baka napano nayon!

Nag Ig nalang ako at nag tingin ng mga Ig story. Nakita ko sa Ig story ni Jacer

Nasa party sila at feel ko debut party to dahil puno ng pink ang venue tapos sa next video naman ay yung nag iinuman sila. Nakita ko pang patawa tawa si Az habang umiinom at nag lalaro ng braha

Nag type ako ng irereply sa stort ni Jacer.

NLopez: Can you tell Az na mag text sakin? any update guys

Sinent ko iyon at agad namang naseen ni Jacer. Nag tatype na siya ngayon kaya hinintay ko nalang at nakaopen ang convo namin.

Jacer: Tulog na si Az nasa guest room. Don't worry Nics, ako bahala kay Az dito"

What? natulog siya? ng di ako tinitext? myghad!
  
  
Hindi ba ng nanliligaw, laging nag uupdate? argh!!
  
  
Tinapon ko ang phone ko sa gilid ng kama ko at nanood nalang sa youtube habang nakakunot ang noo.
  
  
"Naboboring ako" sambit ko at napatingin sa wallclock ko na naksabit sa gilid ng pintuan.
  
  
11:30?! seriously? ang bagal ng oras!! arghhhh
  
  
Habang nanonod ako biglang tumunog ang phone ko at dalidaling kinuha yun baka tumawag na si Az sakin pero nadismaya ako
  
 
Unknown number.
  
  
Sino kaya to? sasagutin ko ba? baka fake call? or baka inportante?
  
  
Sinagot ko ang tawag at niloud speaker ko. Pinause ko ang pinapanod ko at nakatakam naman ako sa chicken dun sa Asmr
  
  
"Hello? Who is this?" Sagot ko at medyo mingay sa kabilang linya. Baka si Az to?
  
  
"Hello? Si Nicole ba 'to?" Rinig kong boses babae at familliar pero nahihirapan akong alamin dahil boses lasing.
 
 
"Ako nga, sino to?" Muling tanong ko
  
  
"Nicoleeeee, si Aster to" Mahabang sambit niya at lasing nga. Si Aster nga
  
 
Napairap ako tyaka siya sinagot muli
  
 
"Yes Aster?" Malambing na sagot ko. Ayoko namang ipahalata sakanya na naiinis ako.
  
  
"Feeling ko umiirap ka ngayon" What? how did she know?! nandito ba siya?
  
  
Napalingon ako sa bintana pero nakasarado ang kurtina.
  
  
"Pero kailangan ko kashi ng tulong mo kashe ganto yan" Tumigil siya pero muling nag salita "Shi Cj kashi, lashing na lashing, hehe pwede mo ba kaming shunduin?"
  
 
Omg mag kasama sila hanggang ngayon? diba nililigawan ni Cj to? bat naman to mag papakalasing kung kasama niya tong nililigawan niya?
  
  
"Why me? driver niyo bako?" Pataray na sambit ko tyaka sumandal muli sa head bed ko.
  
 
"Hindi Nicole pero kasi, lasheng nadin ako" Omg sa tono ng boses niya lasing talaga siya! baka mapano sila!
  
  
"HOY ASTER ANDAYA MO BAKET DIKA UMIINOM"  Rining kong sigaw ni Cj. Nag panic nako kasi lasing siya! Siya bayon?!
  
  
"Omg is that Cj?! Where are you guys ba?" 
  
 
"Nasa Skyline kami Nicole pleaseee" Mahabang pakiusap niya. Argh! nakakainis bakit kasi ako?
  
  
"Okay, wait me there and please! don't do anything stupid"
  
  
Pinatay ko ang tawag at dali daling nag suot ng jacket at nag madaling lumabas ng bahay at nag drive papunta sa Skyline.
  
  
Hindi ko alam pero kinakabahan ako para sakanila! what if mapaaway sila dun? tapos mag karon ng aksidente tapos ako yung huling tinawagan ni Aster?
 
  
Omg!! hindi ko mapapatawad sarili ko kapag nangyare yun!!
  
  
Binilisan ko pa mag drive hanggang sa makarating ako sa Skyline. Mabuti nalang hindi traffic ngayong gabi kundi mas lalong madadagdagan inis ko sa dalawang yon
  
  
Dumeretso ako sa car park at agad na bumaba. Sinugurado kong naka lock ang kotse ko at nadaanan ko naman ang kotse ni Cj.
  
  
"Arg! problema ko pa kung sino mag ddrive sa car niya!"
 
  
Tawagan ko kaya si Ichiro? pero panigurado tulog nayon! Bahala na nga!
  
  
Pumasok ako sa skyline nung una ayaw ako papasukin pero sinabi kong may susunduin lang ako dahil nga bihis pambahay ako at naka jacket lang.
  
  
Pag pasok ko sa loob, muli kong tinawagan si Aster at agad naman siyang sumagot
  
  
"Where are you?" Walang ganang tanong ko kay Aster. Napapatakip ako ng ilong dahil malapit lang ako sa mga nag vavape
 
 
Napatingala ako sa taas at nakita ko siyang kumakaway. Binaba ko ang phone ko tyaka nag madaling umakyat papunta sakanila.
  
  
Pag dating ko sakanila nagulat ako dahil si Cj bagsak na! ang dami nilang bote ng alak pero dadalawa lang sila! Nakita ko din ang Dice na nilalaro nila. Tulog na si Cj pano namin to ibababa? Argh!!! bwisit!
  
  
Nag patulong ako kay Aster na akayin si Cj pababa dahil lahat nadin ng tao dito may tama na. Bakit kaninang katawag ko tong si Aster ay lasing? ngayon naman ayos siya ah?
  
  
Di kaya niloko ako neto?
 
 
Dina mahalaga yun basta ang importante maibaba namin si Cj at maisakay sa kotse ko. Pinalabas kami sa side door malapit sa car park para dina kami mahirapan.
  
  
Sinakay ko si Cj sa passenger seat at nakiusap naman si Aster na ihatid ko siya dahil sinundo lang siya kanina ni Cj papuntang skyline.
  
  
Nag drive ako at habang nag ddrive ako ay narinig kong sumusubok sumuka si Cj. Omg!
  
  
"Please Cj! wag sa car ko!" sigaw ko at napalingon naman siya sakin at nag tataka.
  
  
"Car mo? Sinundo kita kanina! lol to" natatawang sabi niya at umiiling iling pa.
  
 
Pinag kamalan pakong Aster!
 
  
"Stupid! Im not Aster!" sigaw ko at tumawa naman si Aster sa likod ko. Ano namang tinatawa tawa niya dyan? hindi ba siya na tuturn off dahil ganito manliligaw niya?
  
  
"Ah! Callie? woah! I saw you kanina! Wahahaha!" Tawa ni Cj tyaka ako tinuro. Bullshit lasing talaga siya! di niya ko makilalal o baka dahil madilim sa kotse?
  
  
Inon ko ang ilaw sa loob para makita niya ako at tumatawa lang siya. Ganon din si Aster. Nakadrugs batong mga to?
  
  
"Alam mo kasi Callie, yung kaibigan mo! sinaktan ako dito" Turo niya sa dibdib niya.
  
  
Wait what? who?!
 
 
"What do you mean Cj" sambit ko habang nag mamaneho.
  
  
"Your friend! You know? puso ko sakit!" sigaw ni Cj tyaka napahawak sa ulo.
  
  
"Ah Nicole ibig sabihin ni Cj, yung nasapak ko siya kanina hehe nasaktan ko siya" Sambit ni Aster sa likod at sinilip pa si Cj kung mag sasalita paba o hindi na.
 
  
"So friends kayo ni Callie?" Sambit ko kay Aster tyaka nilingon siya at binalik din ang tingin sa kalsada.
  
  
Andun pala si Callie? bakit hindi si Callie tong tinawagan nila?
  
  
"Oo, medyo? paranga siguro?" Alanganing sagot ni Aster. Parehas sila ni Cj kung sumagot. Walang kwenta bagay nga sila!
  
  
Muling natahimik si Cj pero etong si Aster naman ay di matigil kakatawa sa likod.
  
 
"Bakit ba kasi iinom inon kayo di niyo naman kaya?" Naiinis na sambit ko
  
  
"Ako naman kaya ko! ewan ko ba tong si Cj" natatawang sabi ni Aster
 
 
"Bakit di nalang ikaw mag drive sa car ni Cj?" Nakakunot noo kong tanong habang tinitignan siya sa mirror
  
  
"Kasi di naman ako marunong mag drive"
 
  
"Stupid Aster" Sambit ko "I saw you driving your fancy car sa mga parties" Sambit ko
 
  
Natahimik siya sa sinabi ko at napasandal nalang.
  
 
"Kalalaking tao nalalasing ng ganto!argh!" inis na sambit ko
  
  
"Hoy ang sama mo Callie! Bad yan wag gayahin si Nicole" Sambit ni Cj habang papikit pikit
  
  
So anong ibig sabihin niya? na bad ako at wag akong gagayahin ni Callie?
  
  
"Wala akong kasalanan dyan ha" sambit ni Aster at napairap naman ako.
  
 
"Nobody said it was your fault" Mataray na sambit ko pero muling nag salita si Cj
  
  
"Callie nako! nahahawa kana kay Nicooole! thats bad!" Lasing na pagkakasabi niya
  
  
"Cj! isa pa! Sasampalin na kita ng mahimasmasan ka dyan eh! sigaw ko sakanya.
  
  
Naiinis nako dito sa dalawang to! bat ba kasi pinuntahan ko pa sila?!
  
  
"Paano yung sampal?"
  
  
Hininto ko ang car sa gilid ng kalsada tyaka ko siya tinignan. Ang bwisit niya talaga kahit kailan!
  
  
"What did you just say?!" sigaw ko.
 
 
"Mag drive kana ngalang dyan dami mo pang daldal" Sambit niya na nakapag painis sakin lalo

  
 
"Bwisit!!" sigaw ko tyaka ako ng drive ng mabilis. Mabuti nalang walang mga sasakyan dito
  
  
"Nicole oh hinahamon ka. Sampalin mo nga"
  
  
"Aster can you please shut up? kasalanan mo to eh!" sigaw ko sakanya.
 
 
"Luh! sabi ko nga diko kasalanan eh tapos sabi mo pa nga na wala namang nag sabi na kasalanan ko"
  
  
Wala akong nagets sa sinabi niya basta diko nalang siya pinansin at muling nag salita si Cj
  
  
"Callie hindi niya kasalanan. Its all mg fault" Sambit ni Cj habang tinuturo ang sarili niya.
  
  
Oo kasalanan mo talaga! kung hindi ka sana nag pakalasing edi tulog nako ngayon!
  
  
Napansin kong patawa tawa si Aster sa likod. Sarap buhay ha? sipain ko kaya to palabas ng kotse ko?
  
  
"Parehas kayo ng bebe Aster mo. Nababaliw na" sambit ko kay Cj at nagulat naman si Aster tyaka tumawa. Sayang saya pa ha?
  
  
"Bebe Aster? lol! Master ko yan!" sambit niya tyaka nilingon si Aster sa likod " Apir nga dyan Aster" Sambit ni Cj at nag apir naman silang dalawa.
  
 
"Stupid!" sambit ko nalang
  
  
"Yes namern boss!" sambit ni Aster kay Cj
 
 
Seriously? Boss and master? yuck!
  
  
"Ang corny niyo, ewan ko ba bat sinundo ko pa kayo" sambit ko. Nakalma nako dahil medyo nahimasmasan na si Cj
  
  
"Grabe ka naman Callie parang di naman tayo friends!"
  
  
Hindi pa pala siya nahimasmasan dahil Callie padin ang tingin niya sakin.
  
  
"Im not Callie! ahh!! nakakainis na ha!" sigaw ko
  
  
"Nicole ka? weh? nicole ka nga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Cj tyaka ako nilalapitan at tinitignan. Etong si Aster naman kanina pa patawa tawa sa likod
  
  
"Konti nalang talaga sisipain ko kayo palabas ng kotse ko!" sigaw ko.
 
 
"Oy bat nadamay ako? si Cj lang naman kaaway mo" pag papaawa ni Aster. Hindi niya bagay
  
  
"Well mag kasama kayo kaya damay ka! siguro nilasing mo 'to?" Pag uusisa ko. Umiling iling naman siya habang pinapanod ko siya sa mirror
  
  
"Hindi ah. Gutom na gutom daw kaya nakailang bucket siya"
  
  
"Wow? so beer is the new food huh?" Napapatango tango kong sabi tyaka ko siya inirapan.
  
  
"Daya nga niyan eh. Naka ilang bucket tapos ako tatlong beer lang. Ako pa nga nag bayad" Pag mamayabang niya. So sinusumbat niya yung libre niya kay Cj?
  
  
"Gusto mo ba bayaran ko sayo? doble ibabayad ko sayo kung gusto mo" mayabang na sabi ko
  
  
"Ay wag na. Sabi ni Cj wala kang pera"
 
 
Hinayaan ko ang isang kamay ko mag kontrol sa manobela habang ang isang kamay ko ay napapahimas sa noo ko. Kinakalma ang sarili dahil konting konti nalang pasensya ko!
  
  
"Babayaran mo ako ng Card? nako wala din naman akong card swiper eh kaya wag nalang" pahabol niya. Hininto ko ule ang sasakyan
  
  
"Aster can you please get out of my car?!" inis na sabi ko. Agad naman siyang natakot at halos mahiga na siya sa back seat sa pag tatago niya sakin
 
  
"Lah! hatid natin si Master" mahinang sabi ni Cj
  
  
"Aster not Master. Okay?" pag tatama ko kay Cj tyaka muling nag drive ng mabilis kaya naman nataranta si Aster kung sa siya hahawak.
  
  
"Callie slow lang!" sigaw ni Cj
 
  
"Isang Callie pa sisipain kita palabas!" Sambit ko sakanya
  
  
"Callie?" malokong sabi niya
  
 
"Argh!" napapalo ako sa manubela at napabilis ang pag papaandar ng sasakyan
  
  
"Road to heaven bato?" Sambit ni Cj habang tinititigan ang kalsanang punong puno ng ilaw sa gilid
  
  
"Tanga! di ka invited dun" sambit naman ni Aster
  
 
Napatawa ako sa isip ko dahil totoo nga naman ang sinabi ni Aster.
  
  
"Oy Nicole bagalan mo naman gusto ko pang mabuhay" pag mamakaawa ni Aster habang kinakalabit ako.
 
  
"Nakakainis ang layo naman kasi ng bahay mo!" sambit ko at napatingin tingin sa kalsada. Asan naba kami?!
  
 
"Gago baka naman lumagpas na tayo?!" natatarantang sambit ni Aster
 
  
"I don't know! wala kang binigay na Address!" sigaw ko sakanya at dahan dahan akong nag park sa isang convenience store tyaka siya nilingon.
  
  
"Teka may manong dun mag tanong tayo kung saang lugar naba to" sambit ni Aster tyaka binaba ang window sa back seat
  
  
"Manong! pwede ho ba mag tanong"
  
  
Lumapit yung matandang nag bebenta ng balot at chicharon.
  
  
"Saang lugar ho ba ito?" Tanong ni Aster.
 
 
"Eto? nako nasa Batangas tayo mga iha"
  
  
"BATANGAS?! WTF?! ASTER!!"
  
 
"HALA MALAY KO DIKO KASALANAN TO NICOLE!"
 
  
"ARE YOU LOST YOUR MIND?! NASA BATANGAS NA TAYO!" sigaw ko sakanya
 
 
"Batangas? Nice! tara sa Tagaytay"
 
 
"Nicole wag kang makinig kay Cj. Ibalik mo! ibalik mo sa manila! may Training pako bukas Nicole naman!"
 
  
What?! bat parang kasalanan ko pa?! ganon bako katagal mag drive? omyghad!!
  
  
"I Like You, Nicole!!"
  
 
Nilingon ko si Cj na sumisigaw pero tinakpan lang ni Aster ang bunganga niya ay sinabing lasing na lasing talaga si Cj
  
  
Wala nakong nagawa kundi mag drive muli pabalik.
  
 
Yung gas ko! argh!!!
  
  

 

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now