Chapter 2

26 2 0
                                    

Tulala ako habang pinapanood si Callie sa ginagawa niyang project niya sa arts namin.

Kahapon naman tinapos ko ang project ko kaya hayahay nalang ang buhay ko ngayon pero pano magiging hayahay kung hanggang ngayon hindi ko maiwasang isipin ang pang yayari sa jungle kanina

"Alam mo kasi Nicole ganto lang yan kapag si CJ kaharap mo at kinausap ka ang haba na ng hair mo non"

"Ha? wow ha?" Sambit ko sakanya


Pero totoo, gwapo naman siya pero nakakairita.

"Ang gwapo kaya ni CJ tyaka ang bait pa nakakatuwa kasama, at nakasama ko na one time sa inuman 'yon" Pag mamayabang ni Callie "Pero bully yun" Pahabol pa niya na parang nasayangan

"Hoy gago! bakla ka no? suntukin ko yang muka mo!"

Sabay kaming napalingon ni Callie sa lalaking nag sisisigaw

"Hindi po kuya, hindi po inutusan lang po ako ni Ate Ivy para ibigay sayo 'to" Sambit ng lalaki na may hawak ba paperbag

"Ivy? ahh yung dancer? sabihin mo ayaw ko" Sambit ni CJ

"Tyaka bakla ka no?" Sambit muli ni Cj at akmang itutulak na sana niya yung lalaki ng bigla akong nag salita

"Stop!" Sambit ko at tumayo. Eto ang ayaw na ayaw ko ang mga bully

"Ano ba? wala kabang matinong gawain?!" Nagulat si Cj sa sinabi ko sakanya at humarap ako sa lalaki

"Ikaw naman wag kang papayag payag na uutus utusan kalang" Sambit ko sa lalaki at tumango siya

"Sige na umalis kana at lumayo ka sa lalaking 'to ha?" Tinuro ko si Cj at hanggang ngayon ay di parin makapaniwala na nasaharapan niya ako

"Opo salamat po" Sambit ng lalaki at umalis na. Nag si tayuan naman ang mga lalaking nasa likod ni Cj at nag simula nakong matakot dahil parang sasaktan ako ng mga to

"Nicole ano ba halika nga. Cj pasensya kana sa kaibigan ko ha" Hinila ako ni Callie pabalik sa table namin at nililingon pa sila Cj

"Baliw kana ba? kayang kaya mo bang patulan mga 'yon? jusko pati babae sasaktan nila kaya lumayo layo ka nga kung ayaw mo ng gulo"

"Okay chill!" Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko "Inis kana eh tumulong lang naman ako"

"Gago yung mga kasami ni Cj kaya umiwas ka nalang" Sambit ni Callie tyaka pinag patuloy ang ginagawa niya.

Dahan dahan akong napalingon sa gawi nila Cj pero nahuli ko siyang nakatingin sakin at agad etong umiwas ng tingin

Ang wirdo talaga netong lalaking 'to

*******

Maaga akong nakauwi sa bahay dahil sinundo ako ni Daddy. May Family Dinner kami mamaya

"Nicole pag alis namin pwede mo na uling gamitin ang kotse" Sambit ni Daddy.

Nasa sala kami ngayon at si Mommy naman ay naliligo

Tumango ako bilang sagot at nag facebook nalang muli sa laptop ko.

Habang nag titingin ako ng memes ay biglang may nag add sakin.

Carl Justine, Santiago sent you a friend request.


Si Cj 'to ah.

Seriously? kilala niya talaga ako?

Hindi ko siya inaccept at pinatay nalang ang laptop ko. Wala naman akong balak kilalanin o kaibiganin 'yon.

Nakabihis na kami ni dad at si mommy nalang ang hinihintay namin.

Nasabi din ni daddy na papunta na sila lola at lolo sa resto kung saan kami mag didinner

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now