Chapter 16

6 1 1
                                    

Kasama ko si Az dito sa kwarto ko at busy nga ako hinahanap ang facebook account ni Nicole.
  
  
"Patingin nga ule ng ID niya" sambit ni Az at binigay ko naman sakanta ang cellphone ko dahil nandub nga ang picture ng ID ni Nicole
  
  
"Nicole G. Lopez" Basa niya sa ID "She's pretty"
 
  
Inagaw ko ang Cellphone ko sakanya at sinamaan siya ng tingin. Agad naman siyang napatawa at humarap nalang din sa laptop ko.
  
  
Inopen ko ang last Nicole Lopez sa list at halos masapak ko si Az dahil sa tuwa
  
  
"NAHANAP KO NA!" sigaw mo at tinignan ang mga picture niya.
  
  
Ang ganda ganda niya talaga
 
  
"Pre ang sexy"
 
 
"Az wag ka nga magulo tyaka wag mong pinupuri to" Sambit ko at tinuro ang picture ni Nicole sa laptop.
  
  
Sinave ko ang mga picture niya at ginawang wallpaper sa laptop ko
 
  
"Crush na crush mo?" Tanong ni Az sakin
  
  
"Crush na crush na crush" Sambit ko at napatawa naman siya "Bakit?"
  
  
"Corny mo" Sambit niya
  
  
Binalewala ko si Az at nag tingin pa ng picture niya. Meron siyang picture na nasa beach siya at may heart na nakaukit sa buhangit at umupo siya dun sa mismong harap ng heart.
  
  
Profile Picture niya din ang naka uniform siya hawak ang phone niya at mukang mahihiya siyang nag papicture pero nakangiti siya. Napakaganda ng ngiti niya pati ang mata niya
  
  
"Add mo?" Tanong niya
 
  
"Hindi" Matamlay na sagot ko
  
  
"Bakit naman? ang ganda niya oh"
  
  
"Baka di ako pansinin" Sambit ko at nag scroll pa sa mga pictures niya. Mahilig siya sa milk shake o kahit na anong milk. Kasi lahat ng pic niya may hawak siyang milk or milk shake
  
  
"Ako mag add" Sambit niya at biglang pinindot ang add friend at nagulat naman ako dun
  
  
"Gago! tanga mo! pinapahamak mo nanaman ako!" Inis na sigaw ko sakanya pero tumatawa tawa lang siya.
  
  
Kinakabahan akong nag hihintay kung iaaccept ba niya ako o hindi
  
 
"Tangina mo talaga Az" Singhal ko at patulog na nag iscroll
  
  
"Hina mo kasi" Sambit niya "Baka maunahan kapa dyan, Ang ganda niya oh" Turo niya ule
  
  
"Hindi ako inaaccept" Sambit ko at humarap ako sakanya. Tanginang Az kasi to napaka pahamak
  
  
"Hintayin mo bro malay mo hindi yan online kaya hindi niya agad nakita" Pag dadahilan ni Az pero patuloy pading tunatawa ng may halong pang aasar.
  
  
"Tangina mo" Singhal ko muli pero ilang minuto na wala pading accept kaya pinatay ko nalang ang laptop ko tyaka nilagay sa gilid ng kama ko
 
  
"Umalis ka nga dito! tangina ka" Sambit ko
  
  
"Easy pre! hahah!. Baka nga kasi maunahan ka ng iba" Pag uulit niya
  
  
"Alis!" sambit ko nalang at saktong nag bukas naman ang pinto ng kwarto ko
  
  
"Nandito pala si Az"
  
  
"Good evening po Tito" Bati ni Az sa dad ko.
  
  
"Good evening Az, By the way Cj? may nagawa ka nanaman ba sa school niyo?"
 
  
Nag isip ako kung may nagawa bako pero wala naman ah?
 
 
"Wala po dad. Why?"
  
  
"Tumawag tung principal niyo. May binato kadaw na studyante kanina sa court"
  
 
Ahh oo si Kyle bayon?
 
 
"Kamusta nadaw?" sambit ko at napasandal sa kama ko.
 
 
"He's fine but, takot na pumasok dahil sayo"
 
  
"Kakausapin ko nalang bukas"
  
  
Hindi na sumagot si dad at lumabas na sa kwarto ko. Tinitigan naman ako ni Az
 
 
"Bullying" sambit niya. Kinuha ko ang unan na pahaba at pinakita sakanya
  
 
"Nakikita mo to?"
 
 
"Malamang, di naman ko bulag" sambit niya at hinagis ko sakanya iyon at sapol sa muka niya.
  
  
"Fuck you Cj" Singhal niya
  
  
"Hatid mo nalang ako sa bahay" Sambit niya habang inaayos ang buhok niyang natamaan ng unan kanina
  
  
"Asan sasakyan mo?"
  
  
"Butas yung gulong. Nag jeep ako" Sambit niya at tinawanan ko naman siya
  
 
Lumabas na kami sa bahay at sumakay sa kotse ko. Siya na pinag drive ko dahil ayoko nadin mag drive tyaka gusto ko tumingin tingin sa paligid baka mamaya mahagip ng mata ko si Nicole
  
  
Hindi ko alam pero nung una kong nakita si Nicole ay parang nakita ko nadin ang tipo ko sa isang babae.
  
 
Ang simple lang ng ganda niya tapos halatang malambot ang puso niya. Halata ding may pagka maldita
  
  
"Bro si Nicole yata yan" Tinuro ni Az ang sasakyan na nasa gilid namin.
  
  
Si Nicole nga.
  
  
Nakatingin lang siya sa cellphone niya at sinundan ko ang sasakyan nila paalis at dinaanan kami
 
  
"Sundan mo!" Sambit ko habang turo ang sasakyan
  
  
"Pre seryoso ka?"
  
  
"Muka bakong nag loloko?" Sambit ko at tumawa naman siya tyaka sinundan ang sasakyan nila Nicole
  
  
Susundan din naman pala eh.
 
  
Papunta sila sa isang restaurant at medyo malapit lang pala kaya hindi na kami nahirapang sundan sila.
  
  
Muka naba akong tanga? hahaha
  
  
"Anong gagawin natin? kakain yata sila"
  
 
"Teka lang Az nag iisip ako" Sambit ko at pinanood si Nicole na bumaba sa sasakyan.
  
  
Habang nasa car park kami ay panay ang tanong at reklamo ni Az dahil sa ilang minuto na kaming nandito.
  
  
Dahil hindi ko matiis ay pumasok nalang ako basta sa resto at tinawag pako ni Az pero diko nalang siya pinansin.
  
 
Pag pasok ko ay hindi ko siya makita pero kita ko ang dad at mom niya sa isang long table.
  
  
Napansin ko namang papunta sa Cr si Ichiro. Dahil sa excite na makita si Ichiro ay sinundan ko siya
  
  
Tinext ko pa si Az na mauna na siya sa bahay nila dahil mag papasundo nalang ako mamaya kung kanino
  
  
Naabutan ko si Ichiro at may hawak nanaman siyang camera
  
  
Nagka batian kami at lastweek padaw siya nakauwi dahil sinundo lang naman daw niya ang kapatid niya sa Japan. Si Naomi
  
  
Laking gulat ko ng si Nicole pala ang katabi ko kanina. Hindi ko eto napansin dahil nakatalikod siya pero agad naman siyang tinanong ni Ichiro kung sino bang mga kasama niya
  
 
Napansin ko ding hindi niya ako nililingon ay siguro hindi niya ako nakilala
  
  
Nagulat pako ng itabi si Nicole sakin at sabing kukuhanan niya kami ng litrato
  
  
Nakatitig lang ako kay Nicole habang siya naman ay nakakunot ang noo. Nginitian ko siya para sana mag salita pero agad na nag flash ang camera ni Ichiro.
  
  
Nung gabing iyon ay hindi ako nakatulog dahil sa picture naming dalawa. Kung pwede lang palakihin iyon ay nagawa ko na.
  
  
Nakwento ko din kay Ichiro na crush ko si Nicole at kung pwede tulungan niya ako pero mukang malabo daw dahil hirap ligawan si Nicole
  
  
Wala namang mahirap kapag gusto mo talaga yung tao eh
  
  
Kinabukasan ay tanghali ako nagising at sinermonan nanaman ako ni Dad dahil sa pag papahiram kay Az ng Kotse ko.
  
 
Mabuti nalang daw ay naihatid ng driver nila kundi wala akong gagamitin dahil lahat ng kotse namin ay pinapaayos.
  
  
Ayos lang pala na tanghali ang gising ko dahil nag karoon ng emergency meeting ang mga teacher
  
  
Tinext lang ako ni Ichiro kaya ko nalaman at nasa mall nga daw siya kasama si Nicole.
  
  
Ilang minuto ko pa bago mag pasya na pumunta sa mall dahil hindi pa ako kumakain ng lunch.
  
  
Nag drive ako papunta sa Mall at maswerte naman dahil may bakante pa para sa kotse ko.
  
  
Pag pasok ko sa mall ay agad akong kumain. Napansin ko pa ang batang umiiyak sa tabi ko dahil sa gustong kumain ng Ice cream
  
  
Pag katapos kong kumain sinundan ko ang batang umiiyak habang kumakain ng Ice cream kaya naman panay nalang ang iyak niya at panay ang patahan sakanya ng magulang niya.
  
  
Habang nag lalakad ako ay natanaw ko si Nicole at Ichiro na nag lalakad
  
  
Habang palapit ako sakanila ay napahinto sila kaya naman binilisan ko.
  
  
Nagulat pako ng yakapin ni Ichiro tong si Nicole
  
  
"Anong yakapan naman yan" Tanong ko at hindi ako sinagot ni Ichiro. Bagkus ay inakbayan pako at nag papasalamat na andito ako dahil sa bibili daw siya ng aso at sasamahan ko siya. Siya ba o sila?
  
  
"So may kasama kana kaya mauna nako"
  
  
Ayaw bakong kasama ni Nicole? dahil tuwing nag kikita kami ay laging nakakunot ang noo niya. Panay din ang irap niya sakin.
  
  
Nag lakad na nga kami at napansin kong pinipilit ni Nicole makawala kay Ichiro.
  
 
Nainis pa nga siya kay Ichiro dahil sa pang aasar neto kaya naman nag walk out siya at hinila siya ni Ichiro at natabig niya ang Ice Cream ko.
  
  
Panay ang sorry niya kaya naman todo punas siya sa damit ko gamit ang pink na panyo niya.
  
  
Tinititigan ko lang siya at ang liit pala niya. Napansin ko namang may nag flash nanaman kaya napalingon ako kay Ichiro at ngumiti sakanya. Mabuti nalang mahilig to mag litrato, may bago nanaman kaming picture ni Nicole ko.
  
  
Sa di inaasahan ay hinila niya ko sa pinakamalapit na bilihan ng damit tyaka binitawan ang kamay ko at nag alcohol pa siya
  
 
Hahahahha
 
 
Hindi ko maiwasang matuwa sa mga inaasta niya para bang lahat ng galaw niya maganda para sakin.
  
  
Tumanggi ako sa alok niyang bibilhan niya ako ng damit. Pero pinilit niya ako at ayaw daw niyang mag karoon ng utang na loob sakin. Hindi din pala siya mahilig sa cash money dahil nakita ko ang wallet niya na puro cards lang ang laman
 
  
Nainis siya sa tagal ko pumili kaya naman nag walk out siya pero agad kong hinarangan tyaka dumampot ng damit sa gilid
  
 
Nang mapansin ko ang itsura nayon ay nag sisi ako dahil iyon ang damit na pinaka ayaw ko sa adidas pero mukang magugustuhan ko na ngayon dahil si Nicole ang bibili neto para sakin.
  
  
Pag katapos naman ay lumabas na kami sa store nayon at siya naman todo palayas sakin kahit wala naman akong ginawaga sakanya.
  
 
Nasabi ko nalang na bibili kami ng Aso ni Ichiro at nag taka naman ako dahil parang nag iba ang aura neto.
 
 
Sa huli ay umalis si Ichiro at Callie. Etong si Nicole naman nilayasan ako at nag derederetso.
  
  
Tumungo naman ako sa bagong bukas na drink shop at nag order ng maiinom. Lumabas nadin ako sa Mall para sana pumunta kila lola pero naabutan kong nasa harap si Nicole katawag si Ichiro
  
  
Mukang hindi siya maihahatid ni Ichiro dahil nag lakad na siya palayo ng makita ako at hindi manlang niya pinansin ang simpleng bati ko sakanya.
  
  
Sinundan ko naman siya at nag hintay siya ng masasakyan sa may terminal. Napansin ko ding kausap niya ang batang nag bebenta ng tubig at mukang bibili eto.
  
 
Lumapit ako ng konti at napansin kong nag iisip si Nicole kung kukunin. ba niya ang tubig pero naalala ko wala nga palang cash si Nicole at di naman tumatangap ng card tong batang to.
  
 
Lumapit ako tyaka inabutan ng pera ang bata. Kinuha ko ang tubig at iinumin ko sana sa harap ni Nicole kaso hindi ko siya matiis kaya naman inabot ko sakanya ang tubig pero laking gulat ko ng hindi niya eto pansinin.
  
 
Lumayo naman siya at iniwan ko nalang sa tabi niya ang tubig na iyon. Dumeretso ako sa Kotse ko para umuwi na pero inaalala ko siya
  
  
Wala siyang pamasahe at mukang busy si Ichiro
  
  
Tinawagan ko si Ichiro at sinabi niya saking ako nadaw mag hatid kay Nicole pero tumanggi ako dahil ayaw naman sakin ng babaeng yon
 
  
Pero sa huli ay sinubukan ko padin.
  
 
"Sakay" Kinakabahang sabi ko at nag dalawang isip pa siya. Pero mukang ayaw yata kaya naman nag kunwari akong aandar na pero tumayo na siya sa kinauupuan niya.
  
  
Balak pa niyang sumakay sa backseat pero dito ko na siya pinaupo sa tabi ko para naman mag katabi kami.
  
  
Tahimik lang akong nag ddrive dahil pakiramdam ko bawat salita ko maiinis siya at ayaw ko namang masanay siya sa inis sakin.
  
  
Malapit lang pala ang bahay nila sa bahay namin at mapapadali nga naman siguro ang pag lapit ko sakanya.
  
  
Nang maihatid ko siya ay bumaba na siya pero bago payon ay nag thank you na siya.
  
  
Sa di inaasahan ay nag Good Night ako sakanya at sa sobrang hiya, nag maneho nako paalis sakanila
  
  

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now