Chapter 4

13 1 0
                                    

Naka upo kami ngayon malapit sa pool nila Callie.

Im wearing Open shoulder black floral dress.


Kasama ko si Ichiro at Kuya Jude ang senior high school na kaibigan namin.


"Tingin mo pre, makakailang chix ako?"


Napatingin ako kay kuya Jude. Naka black hawaiian shirt siya at naka short, may hawak din siyang beer


"Jude alam mo mga chix dito sakin dederetso" Sambit ni Ichiro. Naparoll eyes nalang ako sa kahanginan ni Ichiro at napansin naman 'yon ni Kuya Jude


"Hahaha mukang may kontra sa pagka mahangin mo pre" Singhal ni Kuya Jude "Ayan si Nicole inirapan kapa"


"Kontra talaga yan kahit kelan hayaan mo mamaya hindi nako ang iirapan niya"


Nag tawanan sila at may pa apir pa. Ano naman kayang sinasabi ng lalaking to?


Simula ng dumating kami naging busy na si Callie. Inaasikaso niya ang mga ibang friends niya pati nadin ang mga batang pinsan niya


Nakasuot si Callie ng White hawaiian above the knee dress.


Sinundo ako ni Ichiro kanina sa bahay dahil wala padin akong car at matatagalan padaw si Tito sa Pangasinan


Habang nag uusap usap ang mga tao ay nakwento sakin ni Ichiro na umorder siya ng husky dog at bukas na bukas ay idedeliver sa bahay nila


"Look at this photo, Nicole" Pinakita niya sakin ang cellphone niya at nakita ko ang picture na aso. Color black and white husky.


"Ang cute" Napatingala ako at parang nawalan ako ng gana sa nakita ko


Yes, Its Cj again


"Cj! nice andito kana" Sambit ni Ichiro. "Upo ka dito" Umusog si Ichiro palapit sakin. Mabuti naman, hindi niya ako tinabi sa lalaking to


"Bro ang cute ng aso pwedeng sakin nalang?"


"Ang kapal"


"Ano Nicole?" Lumingon ako kay Cj at umiling iling


"Wala" sambit ko tyaka uminom ng Juice


Maya maya siguro ay makikiinom nadin ako pero chill lang dahil ayoko namang umuwi ng wasak. Wala akong kasama sa bahay


Di nag tagal ay dumating sa table namin si Callie bitbit ang alak nakasunod din sakaniya si Joy, kaklase namin.


"So guys thank you sa pag punta. Si Kuya Jude makikitable dito tyaka si Amara papunta na " Kaklase namin si Amara.


Marami kaming mga kaklase dito kapag nag kikita kita kami ay nag kakabatihan at nag kkwentuhan.


Maluwang ang bahay nila Callie. May isang pool at may court para sa kuya niya pero wala ang kuya niya ngayon


"Nicole" Lumingon ako kay Cj, may hawak na beer tyaka inabot sakin


"Thanks" sambit ko at kinuha 'yon. Kasama na nga namin ang mga seniors dito sa table. Katabi ko ngayon si Amara


"Nakakainis si Ivy kahit kailan" Sambit ni Amara "Pinahiya ba naman yung kapatid ko dun, mabuti nalang andun ako kaya naipag tanggol ko"


"Who's Ivy?" Uminon ako ng beer tyaka humarap sakanya.


"Ivy?! yung bwisit na babae" Sambit niya tyaka uminom


Di nag tagal ay nag paalam na si Ichiro. Mag pplay kasi siya ng song.


Nag ddj si Ichiro lalo na sa mga bar na pinupuntahan namin. Dumeretso siya sa Dj's booth


Nag umpisa siyang mag play ng music sa sobrang ingay ay napainon nalang ako ng alak at medyo madilim nadin at tanginang party lights nalang ang nakikita


Wala akong pake kung tubig, juice o alak na ang iniinom ko basta pakiramdam ko uhaw na uhaw ako.


'Birthday mo, birthday mo bi bibibirthday mo! " kanta ng mga tao

(HBD by Donnalyn Bartolome)

Medyo maingay na nga kaya tumayo kami ni Amara para makiparty sa mga tao


"Nicole are you drunk?" Sambit ni Cj. Ininom ko ang alak na nasa baso ko tyaka kumuha ng lemon sa table nila Hannah. kaklase ko


"What?! I cant hear you!" Sigaw ko at sumasayaw na nga sa sobrang ganda ng song


Hinila ako ni Amara. Inaya niya kong mag bihis para makaligo kami sa pool.


"Nicole? are you okay?" Sambit ni Callie. "Amara baka lasing nato" Sambit niya pero umiling iling ako.


"No Callie im not hungry!" Sambit ko tyaka pumasok sa Cr kasama si Amara.


Nag tawanan silang dalawa at sumunod sakin si Amara.


Hinubad ko ang dress ko at nakasuot nga ako ng Two piece swimsuit color black.


"Wow ang sexy"



Tumawa ako "Thanks Amara" Sambit ko at hinila siya palabas. naka swimsuit din siya


Lumabas kami at wala akong pake na nag lakad papunta sa pool habang hawak ko ang kamay ni Amara


"Nicole!"


Tumalon ako pero parang nanghina ako at hindi ko maabot ang floor ng pool


Taena dapat pala nag heels ako para abot ko


Biglang may tumalon sa pool kaya naalog ako at naramdaman kong may bumuhat sakin


"Oh my g! si Nicole! kuya si Nicole" rinig kong sigaw ni Amara


Bago ko pa makita yung muka ng bumuhat sakin ay biglang nanlabo nalang paningin ko at nawalan nako ng malay



*******

Nagising ako sa liwanag ng bintana at nakita ko ang lalaking nakatayo sa gilid ko. Naka white sando at pajama siya


"Bumangon kana alasdose na di kapa ba babangon?"


"Dad 5 minutes! wala naman pong pasok" Sambit ko tyaka nag talukbong ng unan pero napansin kong hindi eto ang unan ko


At hindi ganto katigas ang kama ko tapos hindi ganon kalaki ang bintana namin.


"Sino ka?!" Sambit ko sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama na tinulugan ko. Tinignan ko ang suot ko


Nakadamit ako ng Yellow tshirt at pajama masyadong malaki pa mukang lalaki ang may ari neto


"ANONG GINAWA MO SAKIN?!" sigaw ko at tumayo


"Relax, Wala akong ginawa sayo" Sambit niya tyaka nilapag ang tray sa side table


"Kuya!!" Sigaw niya "Hindi mo ko daddy" Sambit pa niya. Nahiya ako sakanya pero wala akong pake.


Hinanap ko ang bag ko at ang phone ko "ASAN YONG BAG KO?!" sigaw ko at pilit na hinahanap sa kama. "KATABI BA KITA?!" sambit ko


Hindi ko talaga siya kilala! tangina ano bang nangyare kagabi?


Pilit kong inaalala ang nangyare kagabi. Napahawak pako sa ulo ko sa sobrang sakit.


Ang alam ko nag iinuman kami dahil birthday ni Callie tapos nag swimming kami at nag dive pako


Nakipag laro pako ng beer pong kila Ichiro at kuya jude pati kay mark kakampi ko si Amara at Callie


"Kuya nag wawala oh parang baliw"


Napalingon ako sa lalake at kay


"CJ?!" Gulat na sigaw ko ng makita si Cj sa pintuan. "Anong ginagawa mo dito?" Sambit ko


"Kuya ko siya bakit?" Sambit naman ng lalaki


"Hindi ikaw ang kausap ko kaya shut up!' Sambit ko. Umiwas ng tingin si Cj ng humarap ako sakanya. Napakamot sa ulo yung lalake tyaka lumabas sa kwartong to


Don't tell me siya ang nag uwi sakin kagabi tapos pinag samantalahan niya ko tapos tapos


"Tapos kana ba tumunganga? ilang oras nako pabalik balik dito pero ang himbing ng tulog mo"


"Tell me what happened last night"


Inantay ko siyang mag salita.


"Lasing ka tapos tumalon ka sa pool tapos niligtas kita" Tumigil siya at umupo sa kama habang ako nakatayo "Wala pang thank you 'yon pero binugahan moko ng napakaraming tubig"


"DID YOU KISSED ME?!"


Wtf! first kiss ko yon! sana hindi!


Ngumiti siya tyaka lumapit sakin at agad naman akong nag lakad patalikod "Wag kang lalapit" Banta ko sakanya pero mukang hindi niya ako pinakingan at patuloy padin sa pag lapit at may malokong ngiti


"Hindi. Hindi ako yung humalik" Sambit niya "Yung guard nila Callie"


"WHAT?! NO NO NO!! THAT WAS MY FIRST KISS! BAKIT KAYO PUMAYAG?!"


"Mamamatay kana maarte kapa din"


Ano ba?! first kiss ko yun tapos sa guard pa?!


Umupo siya muli sa kama at humarap sakin "Pag katapos mong bumuga ng tubig sakin nag aya ka ng beer pong tapos natalo kayo kaya inubos niyo yung isang bote ng alak"


Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong maalala!


"Tapos nung uwian na sabi ni Ichiro ihatid ka niya pero sabi mo yung humalik sayo ang pwedeng mag hatid sayo" Sambit niya "Pero hindi pwede yung Guard nila Callie"


"Sinong nag hatid sakin?" Sambit ko


"Ako, ako nalang kasi matino dun. Ihahatid sana kita kaso" Umiwas siya ng tingin


"Kaso? ano? sabihin mo!"


"May tao sa bahay mo. Sabi mo iuwi kita kasi nandun lola at lolo mo kaya inuwi kita at"


"At?!"


"Dito ka natulog. Si manang yung nag bihis sayo, yung yaya namin"



"Walang nangyare. Dito ka sa Guest room natulog pero oras oras kitang sinisilip kagabi"


"Manyak ka!"


Umiling siya ng napakabilis "Hindi! nakakumot ka at kita mo nga nakapajama ka"


"Thank you" Sambit ko at nag madaling hanapin ang bag ko


"Yung bag mo nasa kotse tapos yung phone mo nag chacharge sa kwarto ko"


"Uuwi nako" Sambit ko "Akin na yung Phone ko at pahiram nalang tong suot ko babayaran ko nalang"


"Ayaw mo ibalik? gusto mo sayo na?"


"Ibabalik ko at babayaran kita"


"Lah hindi ako bayaran Nicole" Niyakap niya ang katawan niya at lumayo sakin


"Baliw tong lalaking to"


Lumabas ako sa room at nagulat ako sa nakita ko.


Ang lawak ng hallway nila.


Bumalik ako sa loob at kita ko si Cj na nag taka sa itsura ko "Asan ako?"


"Bahay ko"


"Stupid! saang lugar?"


"Santiago Village"


Malapit lang ang Village nato sa Village namin.


Ang lawak ng hallway nila. Wood ang floor at ang paligid naman punong puno ng ilaw. Kita ang view sa labas dahil sa glass wall


Napatingin din ako sa mga picture frame na dalawang lalaki at nasa likod nila si mickey mouse.


"Disney land"


"Si Jasper yan. Yung kaninang kausap mo. kapatid ko"


Napatingin pako sa family picture yata nila to


"Mom and dad ko yan"


Buhat ng Mommy niya ang batang lalake habang naka upo naman si Cj sa upuan na pang Prinsipe, 5 years old siguro siya dito. Ang dad naman niya ay nasa likod ng upuan kasama ang mommy niya


Napansin kong puro picture nila ng kapatid niya ang andito at iisa lang picture ng mom at dad niya


"Where's your Mom?"


Nagulat siya sa tanong ko


"Nasa hospital"


Napalingon ako sakanya. Ano kayang sakit ng Mommy niya? Tatanungin ko ba?


"Kamusta na siya?" Tanong ko at nagulat ule siya


"Ayos naman bakit? pinapunta nga ako kanina dun may pinakuha siya"


"Anong sakit niya?" Malungkot na tanong ko pero ngayon napansin kong nag pipigil ng tawa si Cj


"She's a Doctor kaya nasa hospital siya"


Tumawa siya


"Hahahhaa sorry ah diko napigilan"


Inirapan ko siya at nag lakad nalang paalis dun. Sinundan niya ko tyaka hinila


"Dito yung daan palabas" Hinila niya ko sa pababang tatlong hagdan.


Nakita ko ang malaking TV nila sa sala at napansin kong naka on ang aircon kaya malamig


"Nako gising na pala si ganda" Sumalubong ang medyo matandang babae na naka maid uniform.


"Oo nga naunahan pa siya gumising ng may ari"

"Ikaw talaga Cj napaka loko" Sermon ng matanda " Halika nag luto ako kumain ka" Hinila ako ng matanda at inirapan ko nalang si Cj


Dinala ako ng matandang babae sa napakalawak na kitchen. Long table with 10 seater


"Nako pasensya kana kay Cj may pagka loko loko talaga 'yon" Pinaupo niya ako at hinandaan ng pagkain


Sinigang na baboy at may seafoods at may fish na hindi ko alam pero nakakairita ang amoy


"Manang naman parang ayaw mo nako pag silbihan niyan" Umupo si Cj sa harap ko at humuha din ng pagkain. Kumuka din siya ng isda na nakakairita ang amoy


"Oh gusto mo?" Alok niya sakin pero umiling ako


"What's that?" Tanong ko. Nag tinginan silang dalawa ng matanda


"Nako ganda. Tuyo yan paborito ng mag kapatid yan. Hindi kapa ba nakakain niyan?"


Umiling ako bilang sagot


"Kawawa ka naman. Napakayaman mo pero di kapa nakakatikim ng tuyo"


"Im sorry hindi lang talaga ako napakain ng ganyan"


"Nako wag mo na ngang pansinin yang si Cj. Sige na kumain ka at baka mangayayat ka niyan" Sambit niya at wala nakong nagawa kundi kumain


Masarap ang sinigang na luto kaya naparami ang kain ko.


"Ihahatid kita mayamaya"


Tumango ako tyaka uminon ng tubig. Tapos nakong kumain at mas nauna pako kay Cj.


Nag kakamay siyang kumakain habang sinasawsaw ang isda sa suka. Sarap na sarap siya sa kinakain niya. Napalingon ako sa paligid at mag mini bar sila


"Dad's bar" Sambit niya ng mapansing nakatitig ako sa mini bar. Maraming alak


"Asan ang dad mo?"


Uminom siya ng tubig tyaka humarap sakin. "Lumipad na"


Lumipad? meaning nasa heaven?


"Kelan pa?" tanong ko


"Kahapon lang" Sagot niya "Interesado ka sa family ko no? gusto mo ba mag paampon?"


"No!" tanggi ko "Masama bang nag tanong? tyaka anong kahapon?"


"Kahapon oo kahapon. Piloto ang Daddy ko kaya nasa Japan siya ngayon."


"Ahhh"


"Iniisip mo na lumipad sa heaven?"


Umiling ako "Hindi ah bakit ko naman iisipin 'yon!'


"Im Carl Justine"


"I know" Tipid na sagot ko


"Ayaw mo ba mag pakilala?"


"Diba kilala mo nako?"


Tumango siya "Pero mas maganda kung mag papakilala ka talaga"


Ngumiti siya tyaka uminom ng tubig habang nakatitig sakin. Ako yung nalulunod sa titig niya


"Nicole"


"Nice meeting you, Nicole"

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now