Chapter 3

21 1 0
                                    

Nasa mall ako ngayon kasama si Ichiro dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga teacher kaya halfday kami ngayon

"Gusto kaya to ni Callie?" Pinakita sakin ni Ichiro ang Shoes na adi na color white "Pero madami na siyang white shoes' Binalik niya sa lagayan ang shoes na 'yon tyaka humarap sakin

Nag hahanap kami ngayon ng ireregalo kay Callie bukas dahil bukas na ang birthday niya.

"Tingin ko color pencil nalang ang ibigay ko sakanya. Parati naman kasi siyang nanghihiram ng color pencil ko halos siya na mga nakaubos" Sambit ko

"Tulungan mo naman ako"

"Ichiro alam mo ang dami mong reklamo sa mga sinasuggest ko kanina tapos ngayon mag papatulong ka?"

Kanina pa kasi ako suggest nang suggest sakanya. Nasabi ko na ngadin na gustong gusto ni Callie ang book pero sabi niya ay kakabigay niya lang kay Callie ng book galing japan.

"Baka nakakalinutan mo, may utang kapa saaking food" Sambit ko

Bago kami mag kita kanina sa school ay inambunan ko siya ng sapak sa braso dahil hindi ko padin nakakalimutan 'yong pag kuha ng litrato sakin kasama 'yong Cj na'yon

"Oo na oo na basta ba samahan mo ako. Kasi mamaya andito na si Callie" Sambit niya

Umalis si Callie dahil nakita niya ang mommy niya dito at nag paalam na sasamahan muna niya ang Mommy niya mamili ng mga decor para bukas

Pumunta kami sa Art shop dito sa mall at pinili ko ang isang set na Color Pencil

Mahilig siya sa Arts.

Sinamahan ko si Ichiro mamili ng ireregalo pagkatapos ko mag bayad at nakawrap nadin iyon dahil wala nakong time para mag wrap mamaya sa bahay

Kahapon umalis sila Mommy kaya ang tanging kasama ko nalang sa bahay ay ang aso naming si Rockyy

Omg

"What if Dog nalang iregalo mo? diba gusto niya ng puppy?" Masiglang sabi ko kay Ichiro at napahinto naman siya sa pag lakad at humarap sakin ng nakangiti

"Ayon! mabuti nakaisip ka gumana utak mo Nicole!" Masayang sabi niya tyaka ako niyakap

"Anong yakapan naman 'yan?"

Napahiwalay si Ichiro sakin at nakita namin si Cj na nakakunot ang noo nasa gilid at may hawak na Ice Cream.

"Cj! tamang tama samahan mo kami bumili ng aso" Inakbayan niya si Cj

"So may kasama kana kaya mauna nako"

"Hep! dito kalang. Ikaw mamimili ng aso" Inakbayan naman ako ni Ichiro sa kabilang braso niya kaya wala akong nagawa

"Bakit ba ako pipili?" Sambit ko at pilit na kumakawala sa pag aakbay niya pero parang mas hinihigpitan pa niya "Sasakalin mo bako Ichiro?"

"Ay sorry sorry hahaha" Sambit niya at binitawan ako

"Bahala ka nga!" Sambit ko pero di palang ako nakakalayo ay agad nanaman niya akong hinila kaya sa inis napwersa kong hilain ang kamay ko at tumama kay Cj
 
 
Natapon yung Ice cream!!!
  

"Omy! sorry sorry sorry!!" sambit ko at pilit na pinupunasan ang damit niya gamit ang panyo ko pero napahinto ako ng biglang may nag flash
  

"May flash pala?" Sambit ni Ichiro tyaka pinakita ang phone niya at picture na pinupunasan ko si Cj sa damit niya
  

"Hayop ka Ichiro!!!" Sigaw ko at akmang kukunin ang phone niya pero tinaas niya lang ang kamay niya.
  
   
"Idelete mo yan nakakainis ka!" Sambit ko muli at pilit na inaabot ang phone niya
 
 
"Wag ano ba maganda naman tyaka diko ikakalat" Sambit niya
  
 
"Nice yan bro" rinig kong sabi ni Cj kaya napaharap ako kay Cj na busy naman na pinupunasan ang damit gamit ang maliit na tissue
   
  

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now