Chapter 9

16 1 1
                                    

Nag iinuman kami nila Callie habang nag kkwentuhan ng kung ano anong mga bagay bagay.


Parami nadin ang parami ang nag sasayawan sa baba. Maya maya pupunta na si Ichiro sa Dj's Booth


"Guys!" Napalingon kami kay Ichiro na nakatayo at may babaeng nasa tabi niya


"Si Jade pala, Friend ko from Mercedes High" Pag papakilala ni Ichiro sa babae at ngumiti eto


Familliar siya at diko alam kung san ko na siya nakita pero basta familliar siya sakin.


"Gosh! siya ba 'yong captain ng basketball girls sa Mercedes High?" Tanong bigla ni Callie at tinuro si Jade. Oo nga siya yung captain dun


"Yung nag champion last year?" Napalingon kami kay Amara at sabay na tumango tango.


"Oo!! siya yon! ang galing niyo po grabe! nanood kami nung game niyo! nilampaso niyo yung Pacific High" Masayang sambit ni Callie kay Jade.


"Thank you!" masayang sabi ni Jade


May dalawa pa siyang kasamang babae at pinaupo sila ni Ichiro sa tabi namin. Panay naman ang pag interview ni Callie sakanila. Nakipag papicture pa nga si Callie dahil hindi siya makapaniwala na kasama namin ang captain ng Mercedes High


Magaling sila sa basketball lalo na sa girls. Pati din syempre ang volleyball players.


Halos marami na kaming nainom pero nasa katinuang isip pa naman ako at alam ko pa ang ginagawa ko di tulad ni Amara na nasa kabila na nakikitable sa mga boys.


Napasulyap sulyap ako dahil feel ko may nakatitig sakin. Napalingon ako sa likod sa gilid at ng mapatingin ako sa harap ko at napakuno ang noo ko ng mahuling nakatitig sakin si Cj pero agad din niyang iniwas iyon.


Nag paalam na si Ichiro para bumaba dahil pinapatawag na siya ng manager ng bar.


"Asan si Amara?" nag tatakang tanong ni Callie


"Ayon oh nakabingwit ng lalaki" Turo ko sa kabilang table.


"Aba nag solo ang gaga!" Sambit niya at nag tawanan kami. "May paparating pa daw silang kateam"


"Talaga? sino daw?"


Naalala ko na nag aaral din pala si ate lory sa Mercedes High. Kilala kaya nila?


Hindi nako nasagot ni Callie dahil hinila siya nung Pj na kaibigan ni Jade para mag picture.


Naisip ko tuloy yung lalaking katabi ko sa jeep kanina. San na kaya siya? hindi ko manlang nalaman pangalan niya


"Tulala ka dyan"


Tumabi sakin si Cj hawak ang braha at nilalaro iyon sa kamay niya. Napansin kong hindi siya umiinom ng madami. Baka hindi niya trip?


"May naalala lang ako" Sambit ko. Nilapag niya ang braha sa table tyaka nag salin ng alak sa baso.


"Ano naman?"


Sasabihin ko ba sakanya? pero di naman kami close. Bahala na, di naman niya ako maaasar dahil hindi ko na makikita yung lalaking 'yon


"May nakatabi kasi ako sa jeep kanina." Panimula ko "Tapos wala akong pera kanina, wala akong pamasahe. Gusto nung manong ibaba nako sa danger road"


"Gagong loko 'yon ah! mamaya napano ka dun!"


"Teka kasi!" pag pipigil ko sakanya. "Nilibre ako nung lalake na katabi ko" Nahihiyang kwento ko sakanya


"Problema mo ngayon kung pano mo siya babayaran? hala ka! baka ipa kidnap ka nun!"


Wala talagang kwenta si Cj! Napainom ako ng alak tyaka muling lumingon sakanya.


"Hindi! crush ko kasi 'yon" nakangusong sambit ko at medyo nahiya pa.


Nakita ko siyang bumuntong hininga. Feel ko naaawa siya sakin dahil nagka crush ako sa diko naman kilala.


Ininom niya ng deretso yung alak na nasa baso niya tyaka ako nilingon.


"Cr lang ako. Balik ako mamaya" Paalam niya tyaka tumayo.


Nag paalam naman si Jade at iniwan si Pj at Hailey samin. May susunduin daw kasi siyang kaibigan niya. Sana naman lalake at gwapo no? para may bagong crush!


Argh! di naman ako ganto dati! nakakainis kasi si Mr.black guy!


Nag play na ng chill music si Ichiro. At natatanaw namin siya mula dito sa taas. Maganda pala tong table na nakuha niya. kahit dina kami bumaba eh kitang kita namin siya


"Guys! makinig kayo" Napalingon kami kay Kuya Jude na hawak ang phone ni kuya louis ang kaklase niya.


"Kilala niyo to?" Tanong niya at hinarap samin ang phone ni Kuya Louis.


"IS THAT IVY?! HAHAHHAA WTF!" sigaw ni Callie. Tumawa din ako dahil sa picture nayon yung muka ni Ivy na lasing tapos naka patong siya kay Kuya Louis


"Woah!!! louis ano to! gago ka ah AHAHAHHA" Sambit ni Kuya Jude


"Inaaway ako niyan gagong babae pala!" Sigaw ko tyaka uminom ng alak. Hindi makarelate yung dalawang kasama namin pero pinaliwanag na ni Callie kung sino si Ivy


Di nag tagal ay dumating na si Jade may kasamang babae. Siya yung Captain sa Pacific High last year!


Siya si Aster!


"Guys this is Aster. Bago lang siya sa team" Pakilala ni Jade.


Sabi na siya si Aster. Maganda siya at ang angas kung pumorma. Basta maganda siya at isa din siya sa pinaka magaling mag basketball na kilala ko.


Pero di yata niya ako kilala. May fans club din yata to gaya ni Cj?


Dumating nadin si Cj at inaasahan kong tatabi siya sakin pero tumabi siya sa tabi ni Aster at nagulat naman si Aster dun.


Kala ko ba babalik siya?


Pero di naman sinabing babalik siya sa tabi ko diba? hay nako self!


Nakipag inuman nadin samin yung Aster. Mukang mahiyain siya pero sa huli nakikipag usap nadin naman.


Napansin kong pabalik na si Amara samin at nakangiti siya. Ano nanaman kayang ginawa ng babaeng to?


"May Crush ako dun!!" Tili niya ng maka upo siya sa gitna namin ni Callie.


"Asan asan?! masarap ba?!" Napapakingon si Callie habang kinakausap si Amara.


"Nicole alam mo ba trip ka nila dun! gusto nila tawagin kita dun"


"Ano kaba Amara! wag nga si Nicole! ako nalang kasi!" Pag mamaktol ni Callie at tumaw kami ni Amara "Ayaw ni Nicole ng bebe! pero ako gusto!"


May tama na si Callie dahil napaka clingy na niya. At napapayakap nadin siya sa braso ni Amara.


"Kayo nalang dito nalang ako" Sambit ko at nginitian sila. Wala naman akong kilala dun at hindi ako interesado!


Tumayo silang dalawa tyaka pumunta sa kabilang table ule. Napansin ko ding nag lalaro sila Jade ng kung anong Dice nayon at si Cj naman nakikipag tawanan


Napansin ko ding umalis si Kuya Jude kasama si Louis kaya kami kami nalang ang nandito


"Nicole! sali ka" tawag sakin ni Jade. napalingon sakin si Cj at agad naman akong umiwas ng tingin tyaka nginitian si Jade at umiling.


Nakakainis naman kasi si Cj! imbis na may kausap ako eh!


Bumalik na si Callie at Amara. Mabuti naman para di ako mulang loner dito sa sulok!


"Ang gwapo ni Az no?! nakakainis! ang snober! hirap landiin!"


"Who's Az?" tanong ko kay Amara. At uminom ako ng alak


"Az! yung nasa kabilang table! ang gwapo kaso snober! ang seryoso masyado" Sagot ni Callie "Dalawa na kaming lumalandi pero ayaw padin!" pag mamaktol niya


Napatawa ako dahil para silang nga batang naagawan ng candy at umiyak.


Napaharap ako kay Aster na ngayon ay nakikipag usap kay Cj at mukang close na close sila.


"Aster, anong year mo na?" Biglang tanong ko sakanya.

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now