Chapter 15

6 0 0
                                    

Nag lalakad kami kasama ko sila Kiro, Pako, James, Ken at si Ted. Galing kami sa Canteen at dun kumain ng lunch
  
  
Nauuna akong mag lakad kesa sakanila dahil ako lang naman ang sinusundan nila. Ako boss nila dahil ako yung leader sa project namin at syempre ako lang naman gumagawa
  
  
"Hi kuya Cj" Bati ng babae at nginitian ko nalang.
  
  
Sanay nako sa mga studyante dito na bumabati sakin dahil nga pogi ako. Osige na nga gwapo nalang.
  
 
Habang nag lalakad ako napansin ko ang isang babaeng maganda. Naka lugay siya at kausap niya si Callie
  
  
Tinitigan ko lang siya hanggang sa madaanan at malagpasan niya ko. Nilingon ko pa siya at napakunot ang noo ko
  
  
Si Nicole yon ah
  
  
"Hi!" sigaw ko pero di ako pinansin
 
  
Muli pang nag side view yung babae at napagtanto kong si Nicole yon! yung babaeng nakita ko sa beach! Siya yun! gago siya yon!
  
  
"Cj!"
  
  
Napalingon ako kila Kiro na nakatingin sakin at inaaya nila akong lumapit na sakanila
  
  
Pero muli kong binalik ang tingin kay Nicole. Palabas na siya ng school at iniwan niya yung ID niya sa Guard
 
 
ID?! kelangan ko makita yon! para malaman pangalan niya!
  
  
"Huy ayos kalang?"
  
  
"Hindi" wala sa sariling sagot ko "Pakiramdam ko nakita ko na siya" Sambit ko muli at naguluhan naman sila. Lahat pala sila nilapitan nako
  
  
"Sino?" Tanong naman ni Kiro
  
  
"Yung babaeng nakita ko sa Beach yung kinwento ko sayo sa chat" Sambit ko. Dahil kinwento ko nga kinagabihan nun si Nicole kay Kiro
  
  
"Talaga? baka naman namamalikmata kalang?"
  
  
"Hindi pre! siya talaga yon! nag side view pa nga" Paninigurado ko
  
 
"Tara na nga baka maunahan tayo sa court" Sambit ni Ted at nag simula na silang mag lakad pero hinabol ko sila at hinarahang
 
  
"Bro mga tol samahan niyo naman ako" Pag mamakaawa ko "Sundan natin sige na"
  
  
"Lol Cj, panandalian lang yan"
  
  
"Tangina mo naman Kiro" sambit ko "Sige na tara na libre ko!" Sambit ko at mas nauna nga silang mag lakad palabas ng school kesa sakin
   
  
Magic word ang ' Libre ko'
 
  
Nung nasa guard house ako ay hinanap ko ang ID niya sa mga nakasabi dun at nakita ko nga. Tinaas ko yun at tinignan ang harap pati ang likod
 
  
"Oy gago yan ba yon?" agaw ni James sa ID ni Nicole "Maldita to eh!" Sambit niya
  
  
"lah? ang anghel kaya ng boses kaya panigurado anghel din ugali neto" Inagaw ko ang ID nayon at pinicturan gamit ang Phone ko para maisave na siya sa life ko este files.
  
  
"Tara na tara na! ayon sila oh kasama si Callie" Sambit ni Pako "Mapapadali pala pag lapit natin sakanya kasi mukang close sila ni Callie"
  
  
Mapapadali nga ba? pero tangina nakakahiya talaga, nahihiya ako!
  
  
Nag lakad kami at naramdaman ko namang pinag papawisan ako kaya tinanggal ko ang uniform polo ko at sinabit yun sa balikat ko
   
  
"Tangina kasi kakakain lang natin kakain nanaman" Pag rereklamo ni Ted. Napaka arte talaga tong lalaking to. Konti nalang iisipin kong bakla to
  
  
"Papasok sila ng Jungle oh sakto gusto ko ng pizza nila dyan" Sambit ni Pako at excited na pumasok sa jungle
  
  
Tangina naman eto nanaman baka mapahamak ako neto tapos mapansin niya ko.
  
  
Nag lakad ako ng dahan dahan at nilibot ang tingin baka kasi mamaya nasa tabi ko na pala siya
  
  
"San tayo uupo pre?"
  
  
"Sa taas nalang para makita kaagad kapag dudungaw" Sagot ko at nag tungo na kami sa counter.
  
  
Habang nag oorder sila ay nahulog yung isang plastik na tissue. Dahil sa mabait ako na kaibigan at sinisipon si Pako ay binuksan ko ang bag niya at pinulot ang napakaraming tissue tyaka nilagay sa bag niya.
  
  
"Gago" Bulong ni Kiro sakin ng mahuli niya ako pero sinabihan ko nalang na wag siyang maingay
  
  
"350 daw pre"
 
  
Humugot ako ng 500 sa wallet ko at bilang bayad sa tissue ay binigay ko nalang din sakanila ang sukli.
  
  
Habang paakyat kami sa taas, diko mapigilang mapalingon lingon. Nandito sila eh nakita kong pumasok sila dito
  
  
"Bro kain ka muna"
 
 
"Sige lang" sambit ko kay James at patuloy padin sa pag dungaw sa baba.
  
 
Tangina schoolmate ko pala siya. Ano kayang year niya? pero kilala niya si Callie. Baka naman mag kaklase sila? same year pa yata kami, pero mabuti nayon
  
  
"Mali yata na nandito tayo. Paakyat si Callie kasama si Nicole" Bulong sakin ni Ken
  
  
Sa kakaratanta ko nahila ko ang bag ni Pako at diko alam na nakabukas pala to at diko nasarado kanina kaya yung tissue ay kumalat sa baba
  
  
"Mga batang to mag kakalat pa"
  
  
Napalingon ako sa babaeng naka brown
  
  
"Ate ate sorry" sambit ko at humarap kay Pako
  
 
"Taena mo sabi ni Kiro, nilagay mo daw yan sa bag ko kaya ikaw mag pulot dyan tutal dika naman kakain"
  
  
Nag tawanan sila at wala na nga akong nagawa dahil yumuko nako at pinag pupulot ang mga tissue tyaka ko tinutupi ng mas maliliit
  
  
"Pre wag kang lilingon, dito naka harap si Nicole mo"
 
  
"Nicole mo amp, tangina kinikilig ako wag ka nga"
  
 
"Bakla ampota to" sambit ni Ken tyaka kumagat sa pizza niya
  
  
"Boy ano yan? pera?" tinuro ni Ted ang tissue na tinutupi ko at pinag hihiwalay ko ang madumi at malinis
  
  
"Concern lang ako kay Pako. Kanina pa kasi sinisipon kaya nilagyan ko na tissue"
   
  
"Ano yan Cj? each a frog ba? o Each a prank?" Natatawang sambit ni Kiro at nag tawanan naman ang lahat. Tangina naman. Ingay nila! mamaya mapalingon si Nicole dito
 
  
"Ahm kuya!"
 
 
Agad akong napakingon ng marinig ang boses niya at nagulat ako ng sakin siya nakatingin. Tinignan ko pa muli si Pako na mas malapit sakin
  
  
"Tawag ka kuya" pang aasar niya mahina ang boses pero sakto lang para kami kami ang makarinig.
  
  
Hindi ko alam dahil nag kusa ang paa kong mag lakad papunta dun sakanila habang hawak ko ang tissue.
  
  
"Kuya pwede bang humingi ng tissue? nakalimutan kasi naming kumuha kanina sa baba"
  
  
Shit? oy tangina puso ko hingiin mo! wag tong tissue! Tyaka bakit kuya? Babe yon! babe!
     
  
"Bago kalang ba dito? ngayon lang kasi kita nakita"
  
  
Napatulala ako sa ganda niya pero nag iba ang expresyon ko ng sabihin niya yon
  
  
"Aray! Callie ano ba?!" Sigaw niya at binalik ang tingin sakin.
  
  
Nakakatakot ka naman babe
  
  
Nag madali akong inikot ikot ang tissue habang busy siyang nakatitig sakin at iniwas ko naman ang tingin ko tyaka ko sinilip ang tissue
 
  
Pano naging rose yon?! gumaganyan na pala tong kamay ko! May pa rose!
 
  
Baka mainip na si Nicole!
  
  
"Ah yes bago ako dito miss" sambit ko "At eto napo ang tissue ninyo" Nagulat ako dahil ang naibigay ko sakanya ay yung rose na nagawa ko
  
  
Tangina kang Cj ka!
  
 
Nginitian niya ako at inabot iyon pero nagulat siya sa itsura nun
  
  
Isip Cj! mag salita ka! wag kang mang mang dyan!
  
  
Nag isip ako ng sasabihin at muli akong nag salita
  
  
"Sana ay mapasaya ka ng tissue nayan"
 
  
Pucha! ang corny ko!
  
  
Para makaiwas ay nag madali akong bumalik kila Kiro at natatawa naman silang sinalubong ako.
  
  
Umupo ako sa tabi ni Pako para hindi ko siya makaharap
  
  
"Pre ayos ah" Sambit ni Ken at binato ko sakanya ang tissue tyaka kinuha ang uniform ko
  
  
"Nakakahiya pucha" sambit ko
  
  
"Namumula ka pre"
 
 
Tinapon ko ang uniform ko kay Kiro dahil sa sinabi niya pero agad din niyang binalik ang uniform ko.
  
  
"Pre mag pakilala ka kaya? para di ka makalimutan nun" sambit ni Ted
  
  
"Nahihiya ako"
 
  
"Hiya ka edi tara na! baka maunahan tayo sa court!" Sambit ni Pako at tumayo na nga kami. Sinuot ko ang polo ko kaya nahuli ako at nauna sila
  
  
Napadaan ako sa table nila pero hindi ko alam dahil nag kusa akong umupo sa tabi ni Callie
  
  
Nagulat si Nicole at mukang hindi napansin ni Callie na nandito ako dahil busy siya sa phone niya
  
 
"Hi" Panimula ko "Im Carl Justine" Pag papakilala ko pero parang walang kwenta sakanya
  
  
Hindi naman yata siya mag sasalita. Nalungkot ako sa sumagi sa isip ko
  
  
Tangina naman mapapahiya pa yata ako, Ayaw nako pansinin!
  
  
Kaninang trabahador ako pinapansin mo'ko pero ngayong studyante nako halos ayaw mo mag salita
 
  
"Excuse me" Panimula niya na kinagulat ko naman "Anong gusto mong gawin ko? mag pakilala din ako?" Pag tataray niya
 
  
Shit? narinig niya? nasabi ko ba? gago!
  
  
"hmm" wala akong maisip "Hindi na kailangan dahil kilala naman kita" Sambit ko nalang. Totoo naman kilala ko na siya. Siya si Nicole
 
  
Tumayo ako para umalis na pero nilingon ko siya at muling nag salita
  
  
"Mag aapply ako bilang tauhan dito para araw araw mokong tawagin kahit kuya pa"
  
  
Pero mas maganda pag babe. Hehe
  
  
Nag lakad nako at bumaba sa jungle. Hindi ko alam pero ang ganda ng mood ko ngayon wag niyo akong bolahin baka manlibre ule ako
  
  
Sa sobrang tuwa ko tinawagan ko si Az para ibalita na nakita ko na si Nicole.
  
  
"Op pre? nasa Leng Food kami" -Az
  
  
"Bro nahanap ko na si Nicole! tangina dito lang pala sa school makakahanap ng forever"
  
 
"Swerte mo pre! pag patuloy mo yan. Mag kakilala naba kayo?"
  
  
"Nag pakilala ako AHAHAHHA" Sambit ko at muntik nakong mahagip ng kotse sa sobrang tuwa
 
  
"Gago yun ah muntik nako! baka mamatay ako dito. Patayin ko na call Az" Sambit ko at binulsa ule ang cellphone ko
  
  
Tumungo ako sa court kung saan nandun sila Kiro pero mukang naunahan nga kami ng mga ibang studyante sa court nato kaya nasa gilid nalang sila nanonood ng nag babasketball na mga grade 9
  
  
Umupo ako sa bench at tabi ni Ted
  
  
"Naunahan tayo"
  
  
"Alam ko nakikita ko may mata ako" Sambit ko at hindi na siya muling nag salita pa.
  
  
Habang nanonood ay hindi mawala sa isip ko yung katarayan ni Nicole. Hindi ko inaakala na sa anghel na boses niya ay may tinatago pala siyang pagka amazona.
  
  
Habang nanonod kami at natamaan ako ng bola sa paa at hindi ko pinulot yon
  
  
"Cj takot lumapit yung mga yon dito kaya ibato mo nalang sakanila" Bulong ni Ted sakin at nailang naman ako sa pagbulong niya dahil napahalpos pa siya sa braso ko
  
  
"Hindi ako utusan. Kunin nila dito to" Sambit ko at tinapaka ang bola
  
  
"Kyle kunin mo na yung bola!" Rinig kong sigaw ng lalaki sa gilid at napatingin naman ako sa kyle na sinasabi niya
  
  
Nag lakad siya papalapit at halatang natatakot siya at sa bola lang siya nakatingin
  
  
"Ibigay mo sakin yan" natatakot na sambit niya pero pinipilit maging matapang
  
  
"Ano?" Boring na tanong ko
  
  
"Sabi ko ibigay mo sakin yan" May halong pag babanta yung pananalita. niya kaya naman pinulot ko ang bola tyaka malakas na binato sakanya ayon sapok sa tyan niya
  
  
"Kyle!!"
  
  
"Kyle omg! tawagin niyo si Sir Bon!" sigaw ng babae habang turo ang lalaking nakahiga at hawak hawak ang tyan niya.
  
  
"Wag na kaya ko" pilit siyang tumayo at iika ika kung mag lakad papalayo. Lumingon siya sakin pero nag middle finger nalang ako sakanya at tumatawa naman sila Kiro.
  
******
  
  
"Pre diba si Callie yung nakainuman natin?"
  
  
"Oo bakit? type mo?" Pag uusisa ko kay Kiro at binitawan ang papel na hawak ko.
  
 
"Hindi pero yung kasama niya. Type mo" Sambit niya at napatingin ako sa paligid kung saan nakatitig si Kiro.
  
  
Si Callie at si Nicole nandito din sa park at mukang gumagawa din sila ng project nila. Baka gusto ni Nicole ng tulong? tulungan ko kaya? para good shot. Nakakahiya yung kanina
  
  
"Kuya" Napakingon ako sa lalaking naka salamin at may bitbit na paperbag na kulay pink.
  
  
"Kuya tangapin niyo po ito. Pinapabigay sainyo" Inabot niya sakin ang paperbag pero umiling ako.
  
  
"Sige na kuya malalagot ako kapag di niyo to kinuha" Sambit niya tyaka ako hinawakan sa balikat
  
  
"Hoy gago! bakla ka no?" Sambit ko pero mukang natatakot na siya at nilalabanan lang niya
  
  
"Hindi po kuya, hindi po. Inutusan lang po ako ni ate Ivy"
  
  
Ivy? tsk. Siya yung mahilig mamigay sakin ng kung ano ano.
  
  
"Ivy? Ahh yung dancer? sabihin mo ayaw ko"
 
 
Muli akong napalingon sakanya at napansin kong naluluha na siya.
  
  
"Tyaka bakla ka no?" pang aasar ko at itutulak ko sana siya pero
  
  
"Stop!"
 
  
Napalingon ako sa gawi ni Nicole dahil boses niya yun at sigurado akong siya iyon.
  
  
"Ano ba?! wala kabang matinong gawain?"
  
  
Shit bakit kahit mag tataray siya ang ganda padin niya?
  
  
"Ikaw naman wag kang papayag payag na uutus utusan kalang" Paulit ulit niyang sambit sa lalaki "Sige na umalis kana at lumayo ka sa lalaking to ha?" Turo niya sakin
  
  
Lah! bat ako! hindi naman ako!
  
  
Naramdaman ko namang nag sitayuan sila Kiro sa likod ko.
  
  
Shit wag naman sana nilang patulan si Nicole.
  
  
"Nicole ano ba halika nga." Hinila ni Callie si Nicole palayo "Cj pasensya kana sa kaibigan ko ha" sambit neto
  
  
Salamat Callie niligtas mo bebe ko
  
  
Pero tangina bad shot nanaman ako sakanya!   
  
  

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now