Chapter 14

8 1 0
                                    

CJ's Pov
  
 
Nakahubad lang ako ngayon habang nakatingin sa malaking salamin na nakadikit sa wall netong Cr dito sa Beach Resort ng Tita ko.
  
 
Tinitigan ko ang itura ko pati ang abs ko. Ang gwapo ko talaga shit!
  
  
"Ikaw ba ko?" turo ko sa sarili ko sa salamin tyaka umiling iling "Gwapo natin pre" sambit ko.
 
 
"Kuya"
 
 
Napalingon ako kay Jasper na nasa pintuan ng Cr may hawak na twalya at toothbrush. Mukang gagamit to ng CR
  
  
"Bakit? anong kelangan mo?" sambit ko sakanya. Nag lakad siya at tinignan din ang sarili sa salamin
 
  
"Pogi din bako kuya? Oo pogi ako"
  
  
Oo nalang. Tanong niya sagot niya
 
 
"Labas na nga ko! umutot kapa" sambit ko at lumabas
  
 
"Hindi ako kuya!" sigaw niya pero diko nalang siya pinakingan. Syempre wala naman talagang umutot samin eh
  
  
Nag bihis ako dahil pauwi na kami dahil hapon na babyahe pa kami.
  
  
Kasama namin si Tita Angel ang kapatid ng mom ko. Kasama din namin si Az ang anak ni Tita Angel pati din ang batang kapatid ni Az na si Azrael.
  
 
Ang mga magulang namin ni Jasper ay nag tatrabaho sa kanilang mga trabaho.
  
  
Syempre joke lang ule!
 
  
Tawa kayo
  
 
Yung Mom ko nasa hospital at wala siyang sakit. Nasa Hospital siya kasi Doctor siya.
  
 
Yung Dad ko naman diver lang.
   
  
Driver ng Eroplano
   
  
"Bro"
 
  
Napalingon ako kay Az na nasa pintuan ng kwarto namin ni Jasper.
  
 
"Kain muna daw bago tayo uuwi"
  
  
"Diet ako Az. Kayo nalang"
 
  
Binato niya ako ng twalya niya dahil sa kasinungalingan ko. Kanina kasi naubos ko yung buong palabok na nakaserve samin.
 
  
Akala ko kasi pang sakin lang yun kasi sakin nakatapat kaya yun lang kinain ko at nag mamaktol si Azrael dahil hindi ko siya tinirhan kaya nag order muli si Tita
  
  
"Loko Cj" Sambit niya ng ibato ko pabalik sakanya ang towel niya "Sunod nalang kayo maya" At umalis na nga siya.
  
  
Siya si Az ang pinaka close ko sa lahat ng pinsan ko. Halos mag kapatid nga ang turing namin sa isa't isa dahil parehas lagi ang laruan namin dati pati nga underwear namin parehas.
  
  
Pag katapos ko mag bihis ay inaya ko na si Jasper lumabas bitbit ang bag namin at dumeretso sa kainan.
  
  
Matatanaw mo ang beach habang kumakain ka kaya napakaganda ng venue nato dahil sa maraming ring coconut tree.
  
  
"Nag enjoy ba kayo boys?" tanong ni Tita Mella at umupo ako sa tabi ni Az
  
  
"Enjoy na enjoy baka nga tita mag paiwan nako" pan jojoke ko
 
  
Nag tawanan kami at nag kwentuhan pa bago nag sidatingan ang mga pagkain. Binilin din sakin muli ni tita na pang lahatan ang sinerve nilang pasta
  
  
Habang kumakain kami at napapatingin ako sa beach. Pinakagusto ko talagang lugar ay beach, siguro kapag yumaman ako bibili ako ng sarili kong beach!
  
 
Habang pinapanood ko ang alon ay may napansin akong babae na nag lakad papunta sa dagat. May hawak siyang kahoy
  
  
Nag lakad siya malapit sa dagat at parang nag susulat sa buhangin
  
  
Naka sando siya ng kulay black at naka maikling short din ng kulay gray. Naka sideview siya sa gawi namin, naka messy bun siya kaya naman kita ang kaputian ng muka at leeg niya
  
  
"Si kuya Cj po may extra shirt"
  
  
Ang ganda niya at napakasimple niya manamit pero ang lakas ng dating sakin.
  
  
Tatayo sana ako para lumapit ng konti sakanya at matanaw siya pero kinalabit ako ni Jasper kaya napalingon ako sakanya.
  
  
"Ano yon?" tanong ko
  
 
"Pahiram daw ng extra shirt sabi ni Tita"
  
  
"Ah shirt? teka" Kinuha ko ang bag ko sa baba ng upuan tyaka humugot dun ng damit. Inamoy ko pa kung bago yun ay amoy bago nga
  
  
Napalingon ule ako sa dagat pero wala na 'yong babae dun.
  
  
Nasan na kaya siya?
 
 
Nag palingon lingon pako baka sakaling mahanap ko siya pero nadismaya ako dahil hindi ko na muli siya makita pa.
  
  
Wala sa sariling tumayo ako at tumungo sa dagat. Busy naman sila Tita na kumakain kaya hindi nila napansin na umalis ako
  
  
Nag lakad ako nakapamulsa sa short ko. Naka sando ako kaya ramdam ko ang hangin na pumapalo sa katawan ko
  
  
Nag lakad lakad ako hanggang sa mahanap ko yung babae na nasa tapat ng magandang cottage. Mukang nakuha nila ang private cottage dito.
  
  
Nakita ko siyang nakabalot ng twalya
 
  
Ayan ganyan nga! wag mong ibalandra yang katawan mo dito baka matusok ko pa mata ng mga lalaking titingin sayo.
  
  
Lumapit ako ng konti at nag kunwaring tinitignan ang mga puno. Wala akong pake kung muka akong tangang nakatingala sa puno ng coconut na wala namang bunga.
  
  
"Yes dad thank you po"
  
  
Shit! ang ganda ng boses niya! ang anghel! tangina nasa heaven na yata ako!
  
  
"Haha yes po dad I will!" Masayang sambit niya tyaka may lumabas na babae sa cottage
  
  
"Nicole tawag ka ng ate Lory mo. Mag lalaro daw kayo" Sambit ng babae
 
    
Nicole
  
 
"Okay mom" sagot niya tyaka pumasok sa loob ng Cottage
 
 
Gago! ang ganda talaga ng boses niya ang sarap pakingan! promise nakakalambot ng puso!
  
  
Nag lakad nako habang nakangiti at sinisipa sipa pa ang buhangin sa tuwa.
  
  
Nicole pangalan! astig di ko na kelangan mag tanong. Mommy na niya mismo nag sabi!
  
  
"Anong ngiti yan?"
  
 
Nagulat ako kay Az at napahinto sa pag iimagine tungkol kay Nicole.
 
  
"Wala kana dun" Nakangiting sabi ko at napakunot siya ng noo tyaka umiling.
  
  
Nag lakad ako pabalik sa upuan at tapos na nga pala sila kumain
  
  
Ibig sabihin ba niyan uuwi na kami? nakakalungkot naman
 
  
Gusto ko sana mag paalam sakanya pero ang kapal naman ng muka ko kapag gagawin ko sakanya yon
  
  
"Pre may nakita kabang maganda dun?"
  
  
"Pano mo nalaman?!" sambit ko kay Az tyaka ako humigop ng buko juice gamit ang straw
  
  
"Ngiti mo palang gago! hahahah. Asan na?" Tanong niya at napailing muli.
  
  
"Wala na, nasa loob na ng Cottage nila" sambit ko at inopen ang phone ko at nag seach ng Nicole sa facebook pero pucha naman oh ang daming Nicole! iisa lang yung Nicole na gusto ko!
  
  
Pambihirang facebook naman to! bulok!
 
 
"Nicole pangalan niya pre?"
 
  
Napatingin ako kay Az na nakatingin sa phone ko at agad ko namang binalik ang tingin sa phone ko saka muling nag scroll at nag tingin ng Nicole
  
  
"Ayun tinawag sakanya" Matamlay kong sagot pagkatapos ko iclick ang last nicole sa list na naseach ko at hindi siya yun
  
  
"Ituro mo sakin tanungin natin fullname"
 
 
"Az nakakahiya ka naman"
  
  
"Bobo ka hina mo padin!"
  
  
"Gago ka ah! baka nakakalimutan mo ako yung habulin ng babae hindi ako yung nag hahabol sakanila" pag mamayabang ko.
  
  
"Sige mag hanap ka ng Nicole dyan"
  
  
"Nicole beach naka gray sando kaya isearch ko?"
  
  
"HAHAHAHA TANGINA KA TALAGA BATAK KA" malakas na tawa ni Az at napalingon naman si Tita samin at ngumiti nalang kami
  
  
"Tara na nga tignan ule natin baka tawagin siya sa full name niya" pag aaya ko sakanya at sumunod naman siya.
 
  
Nag tungo kami malapit sa Cottage nila at nakita ko agad si Nicole
  
 
Puchang gala naman! mas kita dibdib niya sa suot niyang fit na sando ngayon eh!
  
  
"Saan ba dyan?" Tanong ni Az at pahalata siyang tumitingin dun kaya hinila ko siya at tinuro muli ang coconut tree na walang bunga
  
 
"Bro ayun oh ang ganda" Sambit ko "Bro wag ka namang pahalata na dun ka nakatingin, kunyare naman may tinitignan tayo tapos kunyare namamangha tayo sa mga puno dito" bulong ko sakanya
 
  
"Copy bro, pero saan nga siya dun"
  
  
Nilingon ko si Nicole at kumakain siya ngayon ng orange
  
  
"Yung naka black tapos gray yung short naka messy bun din"
  
  
Dahan dahan na lumingon si Az at kinabahan naman ako ng biglang lumingon si Nicole dito kaya nag maang maangan nalang akong nahulog ang phone ko kaya napayuko ako. Si Az naman umikot kunyareng tinatanaw ang dagat
  
  
Tangina naman mahuhuli pa yata kami dito! nakakahiya hindi ko kayang mapahiya sa harapan niya!
  
  
"Bro lapitan mo na kaya?" bulong sakin ni Az habang nakatingin sa dagat "Maganda siya" sambit niya pa muli
  
  
"Kasama niya Dad niya nakakahiya naman di pako ready sa meet the parents"
 
  
"Daddy niya yon? bat ang bata?"
 
 
"Tinawag niyang dad kanina narinig ko" sambit ko kay Az at mabilis na nilingon si Nicole na nakikipag tawanan sa dad niya
  
  
"Baka sugar dad naman niya yon"
  
  
Binatukan ko sa ulo si Az
 
  
"Aray!" sigaw niya kaya napalingon samin lahat ng tao kasali nadun si Nicole!
   
  
Inakbayan ko si Az tyaka hinila paalis sa Cottage nayon. Sabi na ngaba mapapahamak pako kapag kasama tong si Az
  
  
Bumalik kami kila Tita at nag kaayaan na ngang umuwi.
  
  
Sayang naman diko na makikita si Nicole
 
  
Dapat kasi tinanong ko na pangalan niya hanggang apelyedo!
  
  
Tanga kasi ni Az napaka ingay!
  
  
*******
   
  
Nasa bahay kami ni Pako ang mabait kong kaibigan
  
  
Birthday kasi niya kaya nag pa house party siya at kami kami lang na mga tropa niya ang nandito at syempre hindi mawawala ang mga girls
  
  
"Hi Anika" Bati ko at tumabi sakanya sa upuan. Nag lalaro eto ng Uno Cards kasama sila Kiro
  
  
"Hi Cj, long time no see ah" Bati naman niya ng mailapag niya lahat ng Cards niya
    
  
"Panalo ka nanaman?! madaya to!" Turo sakanya ni Callie na di makapaniwalang naunang nakaubos si Anika ng Card
  
  
Nginitian lang sila ni Anike tyaka nilabas ang dila para mang asar.
  
  
Si Anika ang ex girlfriend ko. Pero tropa na kami neto tyaka puppy love lang naman dati yon
  
  
"Kamusta?" Bati niya nong biglang humarap na siya akin
  
  
"Eto, gwapo padin" sambit ko at natawa naman siya
  
  
"Walang pinag bago"
  
 
"Gwapo padin?" Tanong ko
 
 
"Joker padin"
  
  
Nag tawanan kami dito at napakamot naman ako sa batok ko.
  
  
Nilabas ni Pako ang mga alak at pati ang jug kung saan pag hahalo haluin ni Pako ang mga alak.
  
  
Magaling siya mag timpla ng mga alak kaya naman gustong gusto namin kapag nag aaya siyang umino. Hindi nakakalasing ang alak na timpla niya para ngalang etong juice kung iinumin mo siya.
  
  
"Tawag dito pre tsunami" Sambit ni Pako habang hinahalo ang alak sa pineapple juice at nag halo pa siya ng ibang mga alak.
  
  
Next naman ay nag lagay siya ng lemon sa jug kaya naman kung titignan ay nakakauhaw
  
  
Nilagay niya din ang Soda na sprite kaya naman naiwan ang kulay yellow sa bandang baba ng jug at sa top naman ay kulay ng sprite
  
  
"Cj haluin mo" sambit ni Callie "Pako tawag ka ng Dad mo"
  
  
Napalingon si Pako sa bahay nila at tinawag ako para haluin iyon. Nasa garder kami ng bahay nila at may long table na nakalagay dito.
  
  
Para sa harap harapang inuman kasama ang tropa.
  
  
Hinawakan ko ang mahabang kutsara na nakasawsaw sa jug tyaka iyon hinalo halo para mag mix ang kulay ng sprite tyaka pineapple.
  
  
"Makinig kayo!" sigaw ko ng may naisip nanaman akong kalokohan
  
  
"Ano nanaman yan bro?" Pag uusisa ni Kiro habang sinisindihan ang yosi niya.
  
  
"Tawag dito tornado" sambit ko.
  
  
Hinawakan ko ang kutsara tyaka ko giniling paikot ang bewang ko na para akong may hola hop sa katawan.
  
  
Nag tawanan kami at binato nila ako ng kung ano ano at pati ang lighter ni Kiro hindi pinatawad dahil binato na sakin to.
  
  
"Hindi kapa nakakainom ganyan kana! Hahahha!" malakas na tawa ni Anika
  
  
"Kutsara ang iikot hindi ikaw amp! AHAHAHH" malakas na tawa ni Callie.
  
  
Natatawa namang inagaw ni Kiro ang kutsara sa kamay ko at siya na ang nag halo, baka kasi traydor na ang alak kapag ako pa ang nag halo.
  
  
Pagka balik ni Pako dito sa Garden nila ay nag kwentuhan na kami at nag inuman.
  
  
Nasa likod lang namin ang malaking speaker nila Pako kaya naman para kaming nasa Bar kapag napalakas ang volume
  
  
Nakita ko si Pako na inaakbayan si Kyla at hinugot ko namana ng wallet ko na may lamang Condom tyaka eto hinagis sakanya
  
  
"HAPPY BIRTHDAY BRO!" sigaw ko at hinanap naman niya yung binato ko sakanya
  
  
Nag tawanan sila at medyo namula si Kyla at lumayo ng konti kay Pako
  
 
"Cj gago ka talaga!" Singhal niya sakin at nag tawanan naman kaming lahat
  
  
"Bro be ready baka maulan ulan maya maya at least may kapote ka" Sambit naman ni Kiro at humithit ng sigarilyo niya.
  
   
"Tangina niyo talaga!" Sigaw ni Pako at nag inuman na muli kami. Marami pang nangyari tulad ng pang jojoke namin ni Kiro at tawang tawa naman si Callie
  
  
Habang nag iinuman kami ay nag excuse si Callie dahil may tumatawag sakanya. Malapit siya sa gawi ko kaya rinig ko ang boses niya
  
  
"Ano Nicole? hindi kita marinig!"
  
  
Nicole? siya kaya yon? sos imposible
  
  
"Ahh oo nga pala shit!" stress na sambit ni Callie at napapalo pa sa ulo niya.
 
 
"Gusto mo ba ichat ko nalang si Amara para isent yung notes sayo?"
  
  
Baka naman kasi si Nicole yon?
  
  
"Osige kita nalang tayo bukas! I Miss you!!"
  
  
May tama na si Callie.
  
 
Nag lakad siya at napansin niyang nakatitig ako sakanya kaya ngumiti siya at pinakita ang phone niya.
  
  
"Tumawag friend ko" sambit niya at naupo na sa pwesto niya.
  
  
Nag inuman na muli kami at inabot nga kami ng madaling araw pero hindi naman ako nalasing sa alak nayon.
  
  
Mas nalasing nga ako nung narinig ko ang pangalang Nicole. Sakanya lang kasi ako tinatamaan e
  
  

  

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now