Chapter 18

5 0 0
                                    

Kasalukuyang nag tetraining kami dito sa court. Malapit na kasi ang PSC kaya naman puspusang pag eensayo ang ginagawa namin. Minsan ay inaabot kami ng gabi at minsan naman ay pumapasok kami ng napakaaga.
 
  
Ilang araw nadin simula nung naging busy kami ni Ichiro kaya naman hindi ko nakakasama si Nicole.
  
  
Pinag break time kami ni coach after ng matagal na training namin.
 
  
"Tara kila Callie para malapitan mo din si Nicole" Aya ni Ichiro. Napalingon ako sa gawi ni Nicole at busy siyang nakatingin lamang sa cellphone niya. Ilang araw ko nading napapansin na panay nalang ang tingin niya sa phone niya. Sabi ni Ichiro na may nakakausap daw na iba si Nicole
  
  
Nag punta kami sa gawi nila Callie at tinabihan ko nga si Nicole. Sa sobrang pagod ko kaninang nag training, lahat ng iyon nawala dahil wala eh nandito yung pahinga ko nandito yung lakas ko.
  
  
Upang makausap siya ay nag bitaw ako ng palabirong salita.
  
  
"Pinapanood mo ako? cheer mo naman ako" Nakangiting sambit ko pero nawala ang mga ngiting iyon ng sabihing si Ichiro nga ang pinunta niya dito at inirapan pa nga ako. Natawa nalang ako sa isip isip ko kaya naman hinayaan ko nalaman siya.
  
  
Okay nako sa katabi ko siya, okay nako sa nakakausap ko siya at okay nadin ako sa iniirapan at sinusungitan niya ako.
  
  
Mabilis lang lumipas ang oras kaya naman nag kaayaan kami na kumain sa jungle at syempre ako ang manlilibre.
 
 
Si Nicole naman kanina ay may tumawag sakanya. Tinanong ko pa kay Ichiro kung sino iyon pero mukang di niya kilala at tanging Az lamang ang binabangit niya.
  
  
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapalingon kay Nicole na panay ang ngiti sa harap ng cellphone niya. Nakakainis lamang dahil akala ko makakabangayan ko siya pero mukang busy siya sa katext o kachat man niya.
  
  
Pero dibale na. May dinner naman kami mamaya at panigurado maya maya makakausap ko siya. Gusto ko na nga sana siyang tanungin kung pwede naba ko pumorma sakanya pero tangina hindi ko talaga kaya at hindi ko alam kung papano.
  
  
After ng training nag tungo ako sa hospital para sana mag paalam kay mommy na mag didinner ako sa labas kasama si Ichiro at iba pang kasama. Pero mas nagulat ako ng si Az ang bumungad sakin. Tamang tama nandito siya pwede ako humingi ng moves sakanya
  
  
"Cj? kauuwi lang ni Tita" Sambit niya at naupo ako sa visitor's sit kaharap siya sa table ng mommy niya.
  
 
"Pre alam mo ba kanina" Panimula ko "Si Nicole kasi parang may ibang pumoporma sakanya" Napalingon siya sakin at napatigil sa pag tingin sa cellphone niya.
 
 
Napapansin ko kay Az panay din ang pag cecellphone niya. Ako nalang ba ang walang ka text o kachat manlang?
  
  
"Bagal mo kasi pre" Sambit niya at napasandal sa upuan "Sabi baka maunahan ka, ayan naunahan ka nga" Sambit niya. "May papakilala ako sayo mamaya" Sambit pa muli niya habang pilit ang ngiti
 
 
"Hindi ako pwede, may dinner kami nila Ichiro" Sambit ko
  
 
"Sayang naman" Sambit niya tyaka nakangiting nakatingin sa cellphone niya.
  
  
"Mukang wala nakong pag-asa dun" Sambit ko "Hahah naunahan na yata ako" Sambit ko muli. Ramdam siguro niya na malungkot ako kaya naman muli siyang nag salita.
  
  
"Don't worry bro, I will help you" Sambit niya habang nakangiti.
  
  
"Salamat Az ah. Maasahan ka talaga" Sambit ko tyaka tumayo. "Una nako ingat kayo nila Tita"
 
 
"Ah sige sige bro ingat din" Sambit niya habang nakatingin padin sa phone niya.
  
 
Nag lakad nako palabas ng hospital tyaka dumeretso sa car park. Mag drive ako pauwi at nandito na nga pala si Mommy.
  
 
Nag paalam ako na mag didinner ako sa labas kasama ang mga kaibigan ko at agad namang pumayag si Mom.
  
 
Nakatanggap ako ng text kay Ichiro habang nag bibihis ako kaya naman agad kong kinuha ang phone ko para tignan iyon
  
 
Ichiro: Cj, Ikaw nalang muna mag sundo kay Nicole para makausap mo yun ng matagal. Bagalan mo nalang pag ddrive mo
 
 
Napailing ako sa text ni Ichiro. Nag paasalamat ako kay Ichiro dahil sinosuportahan din niya ako kay Nicole kaso sadyang mahirap lang talaga mapalapit kay Nicole.
  
 
Pag katapos ko mag bihis, dumeretso nako palabas at nag drive. Inayos ko pa ang buhok ko sa loob ng kotse at nag maneho na.
  
  
Habang nag mamaneho ako ay hindi ko maiwasang kabahan dahil baka mamaya kapag nakasakay na si Nicole dito sa kotse ay panay nalang ang text niya sa Az niya.
 
  
"Bagal mo naman kasi" Bulong ko sa sarili ko.
  
 
Pag dating ko sa bahay nila ay nakita kong naka on ang ilaw sa lahat ng parte ng bahay nila. Hindi ba siya nababahala na mag isa lang siya dito?
  
 
Pinaingay ko ang busena ko kaya namab nag si patayan ang ilaw sa loob ng bahay nila. Nakita kong nakasuot siya ng napakaikling short.
  
 
Bakit ganyan ang suot niya?
  
  
Pag labas niya ng Gate ay nag taka siya na nakita niya ako.
 
 
"Nicole" tawag ko muli sakanya. Pero dina siya nakasagot dahil may may paparating na sasakyan.   
  
  
Naisarado ko ang kamao ko ng biglang lumabas si Az sa Montero niya. Ang pinsan ko.
  
 
Pinsan kong Az yung laging kausap ni Nicole? hayop ka.
  
 
"You look good" Sambit niya kay Nicole. Kita kong nagulat siya ng mapansing andito ako. Tangina malamang andito ako!
  
 
"Cj?" Maang maangang sambit niya "What are you doing here?" Talk to my ass Az.
  
  
"Mag kakilala kayo?" Tanong ni Nicole kaya naman agad na nag salita si Az. Hindi nako nakapag salita dahil pakiramdam ko ano mang minuto o oras masusuntok ko ang muka ni Az.
  
 
"Yes Nicole, siya yung sinasabi kong pinsan ko na ipapakala ko sayo" Sambit ni Az tyaka ako nginitian. Gago ka
  
 
Marami pang sinabi si Az kaya naman bago mandilim ang paningin ko ay umalis nako dun. Sa sobrang inis ko ay napahampas ako ng malakas sa manubela ko dahilan para bumusena ang kotse ko.
  
 
Tanginang akin yon eh!
 
 
Bakit sa dinami saming lalake, pinsan ko pa? bakit ikaw pa Az?
  
  
Tinext ko si Ichiro na hindi ako makakasama ng dinner. Si Nicole lang naman ang ipupunta ko sa dinner at dahil sa sinundo siya ni Az mukang may lakad nga sila.
  
 
Ilang beses ko pa dinabog ang kamay ko sa manobela kaya naman ilang beses din tong bumusena.
  
 
Hindi ko alam pero tangina! ang sakit lang na trinaydor ako ng taong pinag kakatiwalaan ko.
  
  
Kaya ba panay ang pasabi niya na 'Baka maunahan ako ng iba' dahil nauna na siya? eto ba ang sinasabi niyang pag tulong sakin? tulong para mapalayo lalo kay Nicole? 
  
 
Fuck you Az!
  
  
********
  
  
"Ang pangit ng laro nila!" Reklamo ko sa Coach namin. Kasalukuyang nasa Pacific High kami ngayon at pinapanood bawat galaw ng mga basketball player dito.
 
  
Kung di lang kasi nag kulang sa playee eh hindi nako kukuha dito sa school nato.
  
 
"Chill kalang Cj mamaya lalabas din yung tunay na laro nila" Sambit sakin ni Coach habang naka cross arm siya at pinapanood ang laro ng mga basketball players ng PH.
  
  
Habang pinapanood namin ang galaw nila ay di maiiwasan ang mga ibang studyante na lumapit samin at makipag papicture.
 
 
"Kuya pwede po mag selfie tayo?" Tanong sakin ng babaeng maputi.
  
 
Tumango ako kaya naman tumabi ako sakanya at itinaas niya ang cellphone niya para makapag selfie kaming dalawa.
  
 

Afraid to fall in loveWhere stories live. Discover now