Chapter 12

11 1 1
                                    

Nag lalakad ako ngayon papuntang juniors park dahil kakatapos lang ng morning class ko at si Callie naman ay di pumasok dahil pumunta silang pacific high para mang capture ng player.
  
  
Naabutan ko si Ichiro at Cj kaya dahan dahan akong nag lakad papunta sakanila para gulatin sila tutal naka talikod sila sa gawi ko.
  
 
"Pero pre pano pag naging sila?" Tanong ni Ichiro. Napatigil ako at nakinig sakanila.
   
  
"Edi sila. Pakasal pa sila" sambit ni Cj na nag pakunot ng noo ko.
  
 
Sino kayang pinag uusapan nila?
  
  
"Mukang naunahan ka hahahha" natatawang sambit ni Ichiro
  
  
"Edi naunahan na" walang kwentang sagot ni Cj. Kahit kailan walang kwentang kausap to
  
  
"Kung matuturuan ko lang tong puso ko kung sinong pipiliin niya, siguro matagal ko ng nagawa" muling sabi ni Cj
 
  
"Wah!" sigaw ko at tinulak sila.
  
 
"N-Nicole?!" Turo ni Ichiro at nag tinginan sila na parang nakakita ng multo. Natatawa akong umupo sa harapan nila.
  
 
"Hi Nicole" maayos na bati ni Ichiro
  
  
"Nang gulat ang corny naman" Inirapan ko si Cj sa sinabi niya at nakita kong kumakain sila ng Piattos tapos may milk shake na isa.
  
  
"Sinong pinag uusapan niyo?" tanong ko at nilapag ang bag sa table.
  
  
"Etong si Cj kas-"
  
  
Hindi natuloy ni Ichiro ang sinasabi niya dahil binatukan siya sa ulo ni Cj
  
  
"Aray!"
  
  
"Ang sama mo!" turo ko kay Cj pero dinedma niya lang to
  
  
"Chismoso ka" sambit ni Cj kay Ichiro. Pero tumatawa lang si Ichiro tyaka ako nilingon
 
  
"Eto kasi may nililigawan kaso naunahan" pag papatuloy ni Ichiro tyaka ule siya binatukan at sinuntok sa braso ni Cj
  
  
"Nakikita mo to?" Pinakita ni Cj ang water bottle na walang laman.
  
  
"Oo" sambit ni Ichiro at nakahawak sa ulo. Mukang papaluin siya ni Cj sa ulo ng water bottle
  
  
"Oh, lagyan mo tubig. Umalis ka dito" Bigay sakanya ni Cj at nagulat naman si Ichiro at napatawa naman akong tinuturo itsura ni Ichiro
  
  
"Hahahha! Muntik kana dun Ichiro ah!"
  
  
"Pinapaalis ako Nicole oh!" pag tuturo ni Ichiro kay Cj habang hawak ang water bottle
  
  
"Sabi ko lagyan mo tubig yan sa canteen, bro" Utos ni Cj. Natatawang tumayo naman si Ichiro at muling nag salita
  
  
"Solo solo Cj. Yiiie" Pang aasar ni Ichiro
  
  
Yumuko naman si Cj para kumuha ng bato tyaka nag umpisang tumakbo palayo si Ichiro.
  
  
Natatawa akong humarap kay Cj na ngayon ay nakatingin sakin ng nakakunot ang noo
  
  
"Hindi kapa aalis?" tanong niya
   
  
"Bat ako aalis?" Tanong ko at napatitig  sa milk shake niya.
  
  
Nakita ko namang tinaas niya yun at sinundan ko ng tingin tyaka ko siya nilingon.
  
  
"Gusto mo?" Tanong niya. Bago pa yung milk shake at dipa naiinuman
  
  
Mabilis ako tumango habang nakangiti at nakangiti din silang nilapag ang milk shake tyaka nilagay ang straw.
  
 
Aabutin ko na sana pero ininum niya sa harap ko. Napakunot ang noo ko dahil nakangiti pa siya at sa huli tumatawa
   
  
"Hahahha! asa ka namang ibibigay ko sayo. Bumili ka may pera ka naman" Pang aasar niya. Kumunot ang noo ko at inirapan ko nalang siya
  
  
"Nag lunch kana?"
  
  
"Nope" sagot ko habang nakatingin sa phone ko. Mag lulunch kami ngayon ni Az sa mall dahil mag papasama ako sakanyang bumili ng material para sa gagawin kong scrap book.
  
  
"Gusto mo mag lunch with me?"
  
  
"Wow malinaw na ah" natatawang sabi ko at nilingon ko siya habang nakangiti
  
 
Umiwas siya ng tingin at uminom sa milk shake gamit ang straw niya.
 
 
"Wag mo nga kong ngitian. Dimo bagay." sambit niya at kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Yan! yan ang muka mo pag ako kaharap mo. Pangiti ngiti kapa" Bulong niya
 
  
"Piling ka! nakangiti ako dahil kausap ko si Az"
  
  
Napatigil siya at umiwas siya. Ang piling niya! akala ba niya nginingitian ko siya?
  
 
Nakita ko namang ngumingiti din siya  habang nag pphone pero nakita ko wala naman siyang kausap at nag lalaro lang.
  
  
"Nginingiti mo dyan?" tanong ko
  
 
Napaharap siya sakin at tinago ang phone niya.
 
  
"Yung nililigawan ko kasi. Nag text na"
  
 
Niligawan? sino naman kaya yon? Si Aster?
  
  
"Si Aster no?" sabit ko at nagulat siya
  
 
"Ha! huli ka! hahahah. Nililigawan mo siya?" tanong ko.
  
  
"Ah oo" nahihiyang sabi niya at uminom ule ng milk shake.
  
  
So tama nga ang hinala ko na si Aster nga? nag kakamabutihan sila? Psh.
  
  
Kaya pala ganon nalang silaag bulungan sa skyline nung nag punta kami dun kasama sila.
  
  
"Nag lunch naba kayo?" pag iiba ko ng usapan. Umiling siya habang humihigop siya sa straw..  
  
 
"Mag lulunch ako kasama si Az. Gusto mo sumabay kana?"
  
  
Naubo siya at binaba niya ang milk shake niya dahil nasamid eto. Binigay ko naman sakanya ang panyo ko pero umilinh nalang siya at pinag tyatyagaan ang tissue
  
 
"Bago lang to diko pa nagagamit" sambit ko at kinuha naman niya "Ang arte kasi" bulong ko pero narinig niya
  
  
"Oo na, labag pa sa kalooban mo" bulong din niya.
  
  
Nakita ko namang nag text si Az sakin na nasa harapan nadaw siya ng Land High. Susunduin niya ako ngayon dahil hindi ako naka kotse. Sinundo lang ako ni Ichiro
  
  
"Alis nako, nandyan na si Az" sambit ko at tumayo na. Hindi palang ako nakakalayo ay tinawag nako ni Cj
  
 
"Nicole"
  
  
"Oh?" nag tatakang tanong ko.
  
 
"Pwede bakong sumabay? sa mall kasi kami mag kikita ni Aster"
  
 
Napa irap ako dahil may kotse naman siya sasabay pa siya? anong magagawa ko pinsan naman niya yung driver? baka mag sumbong pato kay Az
  
 
"Halikana!" inis na sabi ko at agad naman siyang tumayo bitbit ang basura nila ni Ichiro tyaka tinapon sa gilid kung saan may trash can.
  
  
"Siya ba'yong nililigawan mo? yung naunahan ka?"
  
  
"Interesado ka?" malokong tanong niya. Nilagpasan ko lang siya dahil wala talagang kwenta mga sagot niya
  
 
Nag tatanong lang! interesado na agad? di pwedeng nakikichismis lang?
  
 
Natanaw ko si Az na nakasandal sa Montero niya na naka park sa labas ng school. Friday ngayon kaya Half day lang kami
  
  
"Hi Beautiful" bati sakin ni Az pero pinalo ko lang siya sa dibdib niya
 
 
Yay ang tigas non ha! first time ko yun!
  
 
Tumawa naman siya tyaka nilingon ang likod ko.
 
 
"Cj? mag kasama kayo?" nag tatakang tanong ni Az
  
  
"Sasabay daw siya mag kikita sila ng nililigawan niya sa mall" sambit ko.
  
  
"Bakit? bawal ba Az?" tanong ni Cj. Ang lamig niya kay Az. Akala ko ba fav siya ni Az?
 
  
"No pre. Syempre pwedeng pwede" sambit ni Az tyaka pinag buksan ako ng pinto ni Az
  
  
Sasakay na sana ako sa passenger seat ng biglang umupo dun si Cj
 
 
"Thanks bro! sweet mo naman" sambit niya tyaka siya na nag sarado ng pinto.
  
  
Napairap ako kay Cj
  
  
"Woah! ang sungit nun ah. Ngayon ko lang nakita yan" manghang sambit ni Az. Nahiya naman ako sakanya pero napalingon ako kay Cj na nakikinig samin at naka patong pa ang dalawang kamay sa window ng car
  
  
"Transformer yan pag kasama ka" pamamahiya sakin ni Cj kay Az. Nginitian ko si Az at hinila nalang siya at muli kong inirapan si Cj habang di nakatingin si Az.
  
  
Sumakay nalang ako sa back seat at pinag buksan naman ako ni Az. Umikot si Az papunta sa driver seat
  
  
"May kamay ka naman bat si Az pa nag bubukas ng pinto"
 
 
"Cj? alam mo ba yung word na Gentleman? dimo alam yun!" sigaw ko tapos biglag pumasok si Az
  
  
"Nicole? are you okay? bakit ka sumisigaw?"
  
  
"Kumakanta yan bro. Dimo ba alam na Singer yan" turo sakin ni Cj. Nag start na sa pag drive si Az tyaka ako nilingon saglit
  
  
"Singer? talaga?" Masiglang sambit ni Az tyaka napalingon kay Cj "Close kayo?"
  
 
"Singer sa patay" pahabol pa niya at tumatawa.
  
  
Naiinis nako dito kay Cj ha! mamaya pakantahin ako ni Az! nakakahiya di naman ako singer!
 
 
"Close na close pre! alam mo sobrang bait niyan nanlilibre nga eh" Masiglang kwento ni Cj kay Az.
 
  
Kelan ko pa siya nilibre?!
 
  
"Tapos pre-"
 
 
"Ah wag kang makikinig sa pinsan mong to. Diba bully to?" Nakangiting sabi ko at nilingon ako ni Cj.
  
 
"Hahahhaa! bully ka pala pre"
 
 
"Hoy Kelan kita binully?"
 
 
"Ngayon! hindi ba halata? tyaka anong pinag sasabi mong singer!" sigaw ko
 
 
"Singer ka naman! singer sa patay!" pag uulit niya. Nakakabwisit talaga tong lalakeng to!
  
 
Nag tawanan silang dalawa at padabog akong sumandal sa upuan at napatingin nalang sa kalsada
  
  
"Alam mo Cj, You look good together"
  
 
"Az nahihibang ka?" tanong ko
 
 
"No Hahah! tayo yung bagay" Masayang sabi niya
  
  
"Yeah Az tyaka hayaan mo nga yang pinsan mo" Sambit ko at natahimik naman si Cj. Nag cecellphone na siya ngayon. Siguro katext na niya si Aster sinasabing malapit na siya sa mall.
  
  
Natahimik sa loob ng kotse simula nung matahimik nadin si Cj. Halatang siya lang nag iingay dito
  
  
pag dating namin sa car park ay bumaba nako hindi ko na hinintay si Az para mag bukas ng pinto dahil si Cj ay Cj
  
  
Tiyak na mang aasar nanaman yan na kesyo may kamay naman daw ko. Psh!
  
  
"San kayo?" tanong ni Cj ng makababa kaming tatlo. Inakbayan ako ni Az at humarap sakanya. Napatingin naman siya sa kamay ni Az na nakaakbay sakin
  
 
"Tinitingin mo dyan?" pag tataray ko sakanya at nagulat naman siya dun. Pilit siyang tumawa at tinuro ang kamay ni Az sa balikat ko
  
 
"Ang liit mo. Napag kamalan ka tuloy sandalan ng kamay"
 
 
Sa sobrang inis ko at nag lakad ako palapit sakanya pero umiwas siya tyaka tumakbo papasok ng mall
  
 
"Cj! bwisit ka!!" sambit ko
  
 
"Nicole?"
  
  
Omyghad! nakalimutan kong kasama ko pala si Az! nakakahiya!
  
  
Dahan dahan akong humarap sakanya at kita ko sa itsura niya ang pagka gulat niya
  
  
"Ang tagal na nating mag kakilala pero ngayon lang kita nakitang sumigaw ng ganon kalakas. Wow!" manghang sabi niya
  
  
Hindi ako nakapag salita tyaka yumuko sa hiya.
 
 
"Lets go. Im hungry" pag aaya niya at hinawakan ang kamay ko. Mag kaholding hands kami habang nag lalakad papasok ng mall.
  
  
Pinag titinginan pa si Az ng mga studyante dito pero etong si Az naman todo kung ngumiti. Para bang nangangampanya tatakbong senado.
  
  
Well hindi naman nako mag tataka dahil gwapo nga si Az at bumagay pa sakanya ang uniform nilang puti at may light yellow.
  
  
"San mo gusto kumain" tanong niya sakin.
  
 
Napalingon lingon ako at nakita ko si Cj papasok ng Korean Foods. Eh dun ko din gusto!
  
  
"Pwede sa korean foods?" Napatingin din siya dun
 
 
"Hindi ako mahilig sa korean foods" Sambit niya at nahiya ako.
  
 
"Okay, san tayo?" muling tanong ko. Siya nalang tanungin ko tutal siya naman parating nag babayad at ayaw niyang ilibre ko siya.
  
 
Napalingon lingon siya sa mga kainan sa paligid tyaka tinuro ang Tokyo Tokyo.
 
 
Kumain nga kami sa tokyo at habang kumakain kami ay nag kwentuhan kaming dalawa ng kung ano ano.
  
  
Kelangan din pala niyang bumili ng card board dahil project daw niya yun kasi absent daw siya nung kailan dahil sa training.
  
 
"Ayan absent absent pa kasi" Panenermon ko.
  
  
"Ball is life" sambit niya at tumawa. Maya maya ay mag tumawag sakanya.
  
  
"Nandito na? where are you?" sambit niya at uminom ng tubig
 
 
"Wait Nics, may kukunin lang ako" Tumango ako tyaka niya ko kinindatan. Naiwan ako mag isa at nag phone nalang ako.
  
  
Nag twitter ako at nakita kong finollow ako ni Cj kaninang umaga lang.
  
  
Nag alanganin pakong ifollow back siya pero dahil sa hindi naman ako snober ay finollow back ko nalang siya.
  
  
Habang nag ttwitter ako ay biglang may nag lapag ng flower sa table. Napatinga ako at nakangiti si Az na bitbit ang flower.
  
  
"For you" sambit niya tyaka ako hinalikan sa noo
  
 
Hindi ko alam ang iaasta ko kaya ngumiti nalang ako tyaka inamoy ang bulaklak. Hindi ako mahilig sa bulaklak.
  
  
"Thank you Az" Sambit ko at umupo siya.
  
 
"No Nics. Thank you"   
  
  
"Why?" sambit ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
  
  
"For being here" Sambit niya
  
  
"Can I court you?"
  
  
Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya.
  
 
Hindi ko alam ang irereact ko sakanya.
  
 
Ano ba siya sakin? diba crush ko naman siya?
  
  
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko tyaka ngumiti
  
 
"You're not ready, right?" Malungkot na sabi niya. Umiling ako
 
  
"Yes Az" sambit ko
  
  
Nagulat siya sakin at napatayo siya.
 
 
"Is that true?!" Sigaw niya. Napalingon lingon ako at nag tama ang paningin namin ni Cj sa labas ng Tokyo Tokyo
  
  
Mukang may hinihintay siya
  
  
"Yes!" sigaw ni Az at napakingon ako sakanya. Tumayo ako para sana ayain si Cj dito pero niyakap ako ni Az
  
  
"Yes! yes! Im so Happy Nicole!" masiglang sabi ni Az at nakita ko namang nag papalakpakan ang mga tao sa Tokyo.
  
  
"A-Az" tawag ko dahil nahihiya ako sa mga tao.
  
  
"You don't know how much I love you Nicole" Sambit niya at hinalikan ako sa pisnge.
  
  
Hindi ko alam kung matutuwa ako
  
  
Siguro nga dahil wala pakong karanasan sa ganto kaya ganto nalang kung mag react ako.
  
  

  
********
Im sorry sa corny update! hihi. Gagalingan ko na sa susunod promise! huhuhu.
  

Afraid to fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon