Chapter 29: Unknown

180 27 3
                                    

TRIST

Thursday na ngayon, pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong mga sinabi sa 'kin ng father ni Fauze no'ng Martes.

I admit, I was afraid, but that was before because my principle is still on my sleeves and I'm not usually an obedient person, so I'm not going to listen to him.

"Three thousands and fifty-eight pesos, ma'am," sabi ng babaeng cashier. Inabot ko sa kaniya 'yong credit card ko.

Nasa mall ako ngayon, naggo-grocery. Pinlano ko kasi na mag-grocey muna ako para sa condo ko bago ako uuwi sa bahay. Gusto ko lang kumustahin si mommy. Nababahala kasi ako sa sinabi ng father ni Fauze about sa company.

Gustong sumama ni Fauze na mag-grocey, pero hindi niya maiwanan 'yong grandparents niya sa side ng mommy niya na kauuwi lang daw galing Macau.

Inabot na sa 'kin ng cashier 'yong card ko at kinuha ko na rin 'yong mga pinamili ko saka ako lumabas.

"Ate, Belle!" Rinig kong sigaw sa likod ko. Lumingon ako. "Kanina pa kita hinihintay rito, ate," sabi ng isang babae. Patakbo siyang lumapit sa 'kin. Pamilyar ang mukha niya, pero hindi ko kilala. Para siyang nagluluksa sa suot niya. Lahat kasi itim.

"Uhh, kilala ba kita? Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" taka kong tanong sa kaniya. Mga nasa edad 14-15 siya.

"I'm Kuya Zach's sister, ate. You've seen me once," paalala niya sa 'kin.

"Ah. Ikaw pala. Bakit ka narito? Kasama mo ba 'yong kuya mo?" tanong ko.

Umiling siya. "Ate, mag-iingat ka po, ah," biglang sabi niya.

"Uh, bakit naman?"

"Basta po ate, mag-iingat ka palagi."

"O-Okay?" taka kong tanong. "Ikaw rin mag-iingat ka. May kasama ka bang uuwi? Ihahatid na kita," prisinta ko.

"Hindi na po, ate. Dala ko naman po 'yong motor ko," nakangiti niyang sabi.

Bahagya akong nagulat. "Nagmo-motor ka?" 'di ko makapaniwalang tanong.

"Opo, ate. Siya nga po pala. I'm Elara. Alis na po ako. Mag-iingat ka palagi, ate," muling paalala niya saka siya tumakbo paalis.

Nawi-wierduhan ako sa inasta niya, pero nagkibit-balikat lang ako at umuwi na rin ako agad dahil gusto kong matulog. Napuyat ako kagabi karereview sa mga subjects ko dahil nga exam na namin sa Monday, idagdag mo pa 'yong mga sinabi ng father ni Fauze.

Nang makarating ako sa condo ko ay, inayos ko lang 'yong mga pinamili ko bago ako pumasok sa kwarto. Maaga pa naman at mamayang hapon pa 'ko uuwi sa bahay. Mabilis akong natulog dahil na rin siguro sa antok.

*****

"Hmmm..." I moan.

Nakaramdam ako ng mainit na hininga sa batok ko at ang sarap no'n sa pakiramdaman. I even felt an arm wrapped around my waist and hugging me so tight.

Wait...something's odd. Hot breaths and an arm around my waist?

Agad akong napamulat ng mata at umupo. Gulat akong tumingin sa lalaking mahimbing na natutulog sa kama ko.

"What the hell is he doing here?" gulat kong tanong habang nakatingin sa natutulog na si Fauze. Sinundot ko 'yong mukha niya, "Huiy, gising," sabi ko, pero hindi man lang siya gumalaw. "Gumising ka sabi, eh," niyugyog ko 'yong balikat at nagising nga siya.

Tumingin sa 'kin ang mapupungay niyang mga mata, "I'm still sleepy, Bits," inaantok niyang sabi.

Natigilan ako nang niyakap niya 'ko sa tiyan at siniksik 'yong mukha niya sa tagiliran ko.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now