Chapter 10: Wondering

211 54 61
                                    

TRIST

Maaga akong nagising dahil nagbake ako ng cupcakes. Just a thanksgiving. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya'ng flavor kaya nagmix na lang ako ng iba't ibang mga flavor. Twelve flavors nga ang ginawa ko, eh.

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang tinitignan ang repleks'yon ko. Suot ko na 'yong uniform namin at bumagay naman sa 'kin kaso maiksi talaga.

Stripes blue 'yong skirt, 'yong coat naman ay blue at puti ang lining, then sa loob plain white at may kulay pulang necktie na nakakorteng laso.

Para akong teenager. Well, 18 pa lang ako.

Nakabun ang buhok ko at may nakalaylay na ilang hibla. Ito palagi ang style ng buhok ko. Hindi ako madalas maglugay dahil mabigat. Ang haba pa naman saka ayaw ko ring ipagupit. Asset ko nga 'to, eh.

Nang makuntento na 'ko sa hitsura ko ay bumaba na 'ko. 7:20 na at ang sabi ng mayor ay dapat before 8 ako papasok.

"You missed me, baby?" kausap ko sa kotse ko. "I will ride you with pleasure," ngisi ko at in-start na ang engine.

Mabilis lang ako nakarating sa school. Nang nasa tapat ako ng guard house ay huminto ako at binaba 'yong bintana ng kotse ko.

"Good morning, Samson!" bati ko sa kan'ya. Kinunutan niya naman ako ng noo. Siguro dahil sa huling sinabi ko. Hindi ko naman kasi alam ang pangalan niya, eh.

"You're ID."

Agad ko namang inabot sa kan'ya 'yong ID ko. In-scan niya 'yon sa scanner at lumabas 'yong picture ko sa monitor pati 'yong pangalan ko.

"Thank you," sabi ko nang binalik niya'yong ID ko. Tinanguan niya lang ako.

Pumunta na 'ko sa parkingan ng eskwelahang 'to at nakita ko si Fauze sa 'di kalayuan habang nakasandal sa hood ng kotse niya at nakatingin sa baba na parang ang lalim ng iniisip.

Nagpark ako sa tabi ng kotse niya. Hindi man lang siya lumingon. Nalunod na ata ang isip. Psh.

Pinindot ko 'yong busina at napatalon siya sa gulat. "Pfft. Parang tanga," tawa ko.

Hindi niya ata napansing kotse ko 'to dahil ang sama ng tingin niya. Parang naghahamon ng suntukan.

Lokong 'to. Kayang-kaya kong makipagbugbugan, 'wag ka!

Lumabas ako ng kotse nang nakataas ang isang kilay. Unti-unti namang lumaki ang mata niya nang makita ako.

"Bits?" gulat n'yang sabi.

"Ako nga," taas noo kong sabi. Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "Nakatingin ka ba sa hita ko, ha?" kunwaring galit kong sabi.

Agad naman s'yang tumingin sa mata ko. "No!" defensive n'yang sabi saka iniwas ang tingin sa 'kin.

"Hindi raw," bulong ko. Muli naman s'yang tumingin sa 'kin.

"Hindi talaga. Ba't ako titingin sa barbeque stick. Wala namang special do'n," pagrarason niya pa!

Pakiramdam ko umusok ang ilong at tainga ko. "Anong barbeque stick?! Para 'tong manikin!" turo ko sa hita ko. "Ikaw nga riyan, eh. Binomba ang t'yan!" ganting sabi ko at sininghalan siya. Magsasalita pa sana siya, pero pinigilan ko na. "D'yan ka lang," sabi ko.

Tumalikod ako para buksan 'yong kotse ko. Pinasok ko 'yong ulo ko sa loob para abutin 'yong box na may lamang cupcakes. Pero bago ko inabot ay lumingon ako sa kan'ya namg masama.

"'Wag kang tumingin sa pwet ko, ah," sabi ko.

"Hindi nga sabi, eh!" inis na n'yang sabi habang nakatingin sa gilid.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang