Chapter 12: Issue

206 42 22
                                    

TRIST


Pass me your Chapter I after lunch time on my office. I'll wait you there."

"Okay, Cher Garry!" sabay-sabay naming sabi sa Capstone teacher namin.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Good morning, Cher," magalang na sabi ng tinig. Napalingon kami sa pinto.

Isang lalaki ang pumasok sa room na may hawak na folder. May sinasabi siya kay Cher Garry habang pinapakita 'yong hawak niyang folder at tumango-tango naman ang guro. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil nasa pinaka-likod ako umupo.

Ilang segundo ang lumipas ay humarap siya sa 'min. "Good morning, schoolmates. Many of you are already know me and some of you aren't yet. Well, I formally introduce myself, I'm Jess Saivin the spokesperson of our SSC President, Grethel Francisco. So, my purpose here is to announce that there's still two vacant slots for lawn tennis. A woman and a man."

Mag-a-announce lang for tennis kailangan i-introduce pa ang sarili. Amp.

Tumungo na lang ako sa mesa at ginawang unan ang braso ko. Nakaaantok ang araw ngayon. Wala naman akong pakialam sa sinasabi nung spokesperson kaya mag-daydream na lang ako.

Until...

"If we wouldn't complete the list of players for the tennis 'till dawn, we are as good as over and worst we are disqualified."

Nakarinig ako ng mga pagsinghap at bulungan. Muli akong umayos ng upo at seryosong tumingin sa harap. May nagtaas ng kamay sa isa sa mga kaklase ko.

"Disqualified for all sports?" tanong ni Boni. Umiling ang spokesperson.

"Only in lawn tennis, but our school won't accept defeat without even fighting. So, I'm sincerely asking you, if someone knows how to play tennis here, approach Miss President or Mayor Cohen or any SSC. May katanungan pa po ba?" Nilibot niya ang paningin sa paligid. Nang makita niyang walang nagtaas ng kamay ay muli siyang nagsalita. "Thank you for sparing some of your time," sinserong sabi niya. Nagpaalam lang siya sa teacher namin bago umalis.

Bumuntong hininga akong sumandal sa upuan ko. "Call me heartless, but I won't join," bulong ko at ngumiwi.

"Marunong kang maglaro ng lawn tennis?"

Napalingon ako kay Cindy dahil sa biglaang tanong niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"No," tipid kong sagot at iniwas ang tingin. Nakita ko sa peripheral vision ko na iniwas niya rin ang tingin niya.

I don't understand. Mula ng makita niyang magkasama kami ni Fauze no'n ay palaging seryoso ang tingin niya sa 'kin. Para bang binabantayan niya ang bawat galaw ko. Psh. Walang magawa sa buhay.

Nagpaalam lang 'yong teacher namin at ilang minuto ang lumipas ay dumating na 'yong next na subject teacher namin.

It's Zumi Sensei, Nihongo teacher namin. Nakinig lang ako sa discussion niya at after no'n ay nagpa-quiz siya. Hindi naman mahirap at hindi rin madali, sakto lang.

Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase sa umaga.

"Sayonara, Zumi Sensei," paalam namin.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now