Chapter 41: Temporary Affection

251 32 11
                                    

TRIST

"Sister, dinner's ready."

Hindi ako lumingon kay Fern nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Mauna na kayo," sabi ko habang magsusulat.

"Sugurado ka? Mas masarap 'yong niluto ko 'pag mainit pa."

"Yeah. Kailangan ko pang tapusin 'to."

Malapit na kasi ang finals namin at masyado akong busy sa duty kaya kailangan kong maghabol sa ibang subjects ko not to mention na irregular student ako.

"Okay. Bumaba ka na lang 'pag nagutom ka."

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Umalis na 'ko sa restaurant na pinagtatrabahuan ko no'ng matapos ang first sem dahil nga graduating student ako kailangan kong magfocus. Finals na ng last sem kaya talaga ang daming pinapagawa sa 'min.

Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa school at may pinagawa na naman 'yong first subject namin. We have to draw blood to someone that blood type is O. There's no problem about drawing blood, but why it has to be five tubes? Tss.

"Fern, is your blood type O?" I asked when I get home. She's watching on TV with mom.

"No, it's AB. Why?"

Napabuntong-hininga ako. "I just need it for my subject," I shrugged.

"Doesn't your blood type is O?" she twitched her forehead.

"Yeah, but I'm anemic and I need 5 tubes baka sa pangalawang turok ko pa lang sa sarili ko mahimatay na'ko," iling ko.

"Then why don't you ask Xyz about that?"

Natigilan ako. "Oo nga, 'no?" Agad kong nilabas ang telepono ko at tinawagan si Xy. Unang ring pa lang ay sinagot na niya.

[I miss you, too, frenny!] Ngumiwi ako.

"'Wag ka ngang sumigaw. Nakaririndi ka. Saka hindi kita namiss. May kailangan lang ako," prangka kong sabi.

[Wow, ha. Oh, ano 'yon?]

"Anong blood type mo? O ba?" tanong ko.

[Yep, pareho kami ni Cd,] sagot niya. I smile so widely.

"Perfect! Pahingi ako ng dugo mo, ah."

[Sige lang. Pero, pupunta ka rito?]

"Uh-huh. Ngayon na. Nariyan din ba si Cd?"

[Yep, kahit si Suz narito. Sige, dalian mong pumunta rito magkwentuhan tayo.] I heard her giggle. Nagpaalam lang ako saka ko na pinatay ang linya.

"Punta ako kila Xy ngayon," paalam ko kay Fern.

"Okay. Take care. I-kumusta mo'ko kay Grey, ah. If you see him there," kinikilig niyang sabi.

Pinaningkita ko siya ng mata. "Magtapat ka nga sa 'kin. Kayo na ba, ha?"

"Hindi pa," then she giggles. I just shake my head.

Lumabas na 'ko at sumakay ng bus. Isang oras pa naman ang byahe papunta ro'n. Amp. Hindi na talaga ako nag-abalang palitan ang damit ko. Naka-nursing uniform pa rin ako.

Nang makarating ako sa village nila Xy ay nagtaxi pa 'ko papasok sa loob.

"Thank you," nakangiti kong sabi sa dirvier nang makababa ako sa kotse.

Nasa tapat na 'ko ng bahay nila Xy. Pinindot ko 'yong door bell. Ilang segundo lang ang lumipas ay may nagbukas na ng gate.

"Kayo po pala, Ma'am Trist. Pasok ho kayo," sabi ni Manang, nanny nina Xy at Cd.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now