Chapter 14: Naughty Plan

213 42 5
                                    

TRIST

Friday ngayon at half day lang ang klase namin. May dumating na mga stock holder ng school na 'to at i-evaluate ang buong campus hanggang bukas kaya pinapauwi kami ngayon at hindi na muna kami magpractice bukas.

"Bits, wala namang pasok, gala tayo," aya ni Fauze nang makababa kami ng kotse niya. Sinundo niya kasi ako kaninang umaga kaya hindi ko dinala 'yong kotse ko.

"Inaantok ako. Saka na lang," tanggi ko. Nagulat ako nang kinuha niya 'yong braso ko at niyakap.

"Sige na, Bits," pagpipilit niya habang hinehele-hele pa ang braso ko.

"Inaantok nga kasi ako. Bitawan mo 'yong braso ko." Pilit kong inaagaw, pero hinihigpitan niya lang 'to.

"Oh, sige. Samahan mo na lang ako sa bahay. Doon ka na lang matulog."

"Ano? Ayoko nga. Mas komportable akong matulog 'pag mag-isa ako. Umuwi ka na nga lang." Hinatak ko 'yong braso ko, pero hindi niya binibitawan!

"Fine, Bits. Baka kung ano pa ang gawin mo sa 'kin habang natutulog ako."

Ang kapal! Sobrang kapal!

Sininghalan ko siya at tinignan nang hindi makapaniwalang tingin. "Ako pa, ha? Bitiwan mo na nga 'tong braso ko. Namumula na, oh," angil ko habang nakatingin sa braso kong niyayakap niya. Napipilitan niya itong bitiwan. "Umuwi ka na."

"Hmph," ngumuso siya na parang bata. "See you soonest, then," paalam niya na parang nagtatampo pa.

Magtampo ka lang. Hindi ako marunong manuyo.

"Okay," tanging sagot ko lang saka ako pumasok sa loob.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay nag-shower lang ako sandali bago matulog. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa lokong Fauze na 'yon. Pinuyat ako katetext. Buti nga hindi ako nakatulog during class hour kahit antok na antok na 'ko. Ayokong magroon ng demerit, 'no.

*****

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang tunog ng door bell. Kumuha ako ng unan at tinakip sa tenga ko, pero naririnig ko pa rin dahil paulit-ulit itong tumutunog. Napipilitan akong bumangon para tignan kung sino 'yong istorbo.

Tumingin ako sa monitor na nakadikit sa pader na tabi ng pinto. Para akong nabuhayan ng dugo nang makita kong si Suz at Xy 'yong nasa labas. Agad ko silang pinagbuksan ng pinto.

"Kanina pa kami sa labas, ah," atungal ni Xy pagkapasok na pagkapasok niya sa loob. Nginiwian ko siya.

"Tanga! Ba't ka pa kasi nag-door bell, eh alam mo naman kung ano 'yong passcode nitong condo ko." Ang sarap niyang batukan.

"Oo pala." Napatampal siya sa noo niya. "Isang buwan mahigit na kasi akong hindi nakakapunta rito kaya nakalimutan ko," pagrarason niya.

"Hi, Trist," bati ni Suz. Yumakap siya sa 'kin at siya rin ang unang kumalas.

Umupo ako sa harap nilang dalawa. "Ba't kayo narito, ha? Anong ganap?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Hindi mo ba kami pakakainin, fren? Ang cheap naman ng hospitality mo," ngiwi ni Xy parang nagrereklamo pa.

"Kahit kailan wala ka talagang hiya, 'no? Kung anong kinapal niyang p'wit mo, gano'n naman ang kinapal ng mukha mo," panglalait ko. Tumawa ng mahina si Suz.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now