Chapter 32: Foe

173 28 50
                                    

TRIST

"Hindi ka pa ba magigising, frenny?"

"Edi gisingin mo na nang masapak ka niyan paggising niya."

"Hmph! Magtigil ka Cd. Wala lang kasi rito si Suzette, eh."

"Pa'no kaya kung halikan mo siya Cohen gaya nung children story na Sleepy Beauty?"

"It's Sleeping Beauty, you dumbass."

"G*go! Walang gano'n!"

"Alam mo, landi... Napaka-rumi niyang utak mo, ano?"

"Anong marumi sa hahalikan, Bonsai? Natry na nga natin 'yon, eh."

"Pffft..."

"Aray! Masakit 'yon, ah."

"Buti nga hindi kita binaog ulit, eh. Hmph!"

Hindi nakamulat ang mga mata ko, pero gising ang diwa ko. May mga naririnig akong boses ng mga taong nag-uusap-usap at ang ingay nila.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Masyado pang malabo ang paningin ko kaya ilang beses akong kumurap.

Nasa'n ako?

"Hmmm..." ungol ko.

"B-Bits? You're awake."

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang nakangiting si Fauze.

"Oh, gising na si frenny!"

Lumapit sa gawi ko 'yong iba.

"I'll call the doctor," sabi ni Moss.

"I'll come with you. Tatawagin ko na rin si Tita Queza." Si Cd at sabay silang lumabas ni Moss.

Narito si mommy?

"Ugh..." daing ko nang sinubukan kong tumayo. Ang sakit ng ulo ko.

"Don't push yourself, Bits. You're not yet fully recovered," nag-aalalang sabi ni Fauze. "May masakit pa ba sa 'yo?" tanong niya. Umiling ako.

"'Yong ulo ko lang ang masakit."

"Honey!" Napalingon kami sa kabubukas na pinto. Niluwa non si mommy at ang lalaking doctor. Napangiwi ako nang niyakap niya 'ko ng mahigpit. "Thank goodness you're awake."

"Uhh, Tita Queza. Parang hindi po nakakahinga si frenny," sita ni Xy kay mommy.

"Ohw," agad namang kumalas si mommy sa pagkakayakap sa 'kin.

May tinanong lang sa 'kin 'yong doctor at sila na ang nag-usap ni mommy. Nagtagal pa rito sila Xy bago umuwi. Nagpaiwan si Fauze na ngayon ay pinagbabalat ako ng mansanas.

"Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na, oh?" sabi ko.

Inabot niya sa 'kin 'yong hiniwa niyang mansanas na nakalagay sa saucer. Kinuha ko ito. Kami lamg dalawa ang narito. Lumabas sandali si mommy, may kinausap sa telepono.

"Bukas na 'ko uuwi," sagot niya.

"Eh? Wala ka bang pasok bukas? Saka anong petsa na ba? Ilang araw akong natulog?" sunud-sunod kong tanong.

"You were comatosed for a month, Bits."

Unti-unting lumaki ang mga mata ko at bahagyang bumukas ang bibig ko. "G-Gano'n katagal?" gulat kong sabi.

"Yeah," sagot niya. Kinuha niya sa 'kin 'yong saucer na may lamang mansanas. "Open your mouth," utos niya habang nakatapat 'yong mansanas sa bibig ko. Sinunod ko na lang siya.

Kung gano'n katagal, anong nangyari sa isang buwan habang natutulog ako? Saka ang kinakabahala ko, aksidente ba talaga ang nangyari sa 'kin? O may kinalaman 'yong taong gustong magpapatay sa 'kin?

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now