Chapter 34: Birthday

169 28 58
                                    

TRIST

"That's all, Cher Jet," nakangiti kong sabi. Katatapos ko lang nagpresent ng anatomy structure ng tao.

Kinongratulate niya lang ako saka ako pumunta sa faculty dahil may quiz ako sa Chemistry. Hindi madali, pero hindi rin mahirap, sakto lang.

"Cher, tapos na po ako," abot ko sa test paper ko.

"Okay. You can go now."

Nagthank you lang ako saka ako lumabas. Nagugutom na 'ko. Kanina pa kasi ako nagparito't paroon para sa mga special quiz, presentation tapos pinasayaw pa 'ko sa P.E. Amp. Gusto kong pumunta sa canteen, pero may recitation pa 'ko kay Cher Juls.

Nang makarating ako sa office niya ay kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan. Nadatnan ko siyang nakaupo sa office table niya, nagsusulat.

"Good morning, Cher," bati ko.

"What do you call to the force that causes a moving object to slow down when it is touching another object?"

Bahagya akong nagulat nang bigla siyang nagtanong. Nasa sinusulat pa rin nito ang paningin niya.

Kalokang teacher 'to. Hindi man lang muna ako binati pabalik bago nagtanong. Tss.

"F-Friction, Cher," sagot ko.

"Mass of the sun?"

"Two times 10 raise to 30 kilogram, Cher."

AN: (2x10^30 kg)

"How many hours are there in 5 revolution?"

"120 hours."

"What is the displacement of an oscillating spring?"

"Cher?"

Hindi ko naintindihan. Amp.

"Displacement of an oscillating spring."

"Uhh, z-zero, Cher."

"What do you call to the system that engineering used to reduce the size of the measurements?"

Patay. Hindi ko alam.

Inalala ko 'yong mga pinag-aralan ko, pero wala talagang pumapasok na sagot sa isip ko.

Pisti yawa! Ano na?!

"So, what's the answer, Bits? Hey, are you listening?"

'H-Ha?'

"Tsk. I said what's the answer?"

"Ano ba 'yong tanong mo?"

Humugot siya ng malalim na hininga. "Sabi ko na nga ba, 'di ka nakikinig. Give me your phone."

"H-Hindi ako naglalaro, ah. Hindi ko lang talaga narinig 'yong tanong mo," pagdadahilan ko.

Pinaningkitan niya 'ko ng mata. "Liar."

Ngumuso ako at napipilitan kong binigay sa kaniya'yong telepono ko.

"Ano ba 'yong tanong mo?" nakabusangot kong sabi.

"Ginagamit 'to ng mga engineer to shorten the measurements. What is that?"

"Eh? 'Di ko gets," kamot ko sa ulo ko.

Bumuntong-hininga siya. "For example, the measurements of a rectangular table is in meter, but you have to draw the blueprint of it on a piece of paper. We know that meter is too long for a paper, so what system are you gonna use to reduce its measure?"

Cease Of Mirage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon