Chapter 7: Study Together

276 60 7
                                    

TRIST

Katatapos ko lang kumain para sa hapunan at nasa study table ako ngayon, nag-aaral ng Physics.

Mapanakit talaga ang subject na 'to, sobra!

Inaral ko kung pa'no nakuha 'yong sagot sa mga problem solving sa past lessons ko. Three topics pa naman 'to.

Kumuha ako ng scratch paper at gumawa ng sariling problem at sinubukan kong i-solve.

Nakatatlong try na 'ko, pero hindi ko pa rin nakukuha! "Shemay!" Nilukot ko 'yong papel at tinapon sa kung saan.

Hanggang sa nadagdagan nang nadagdagan 'yong mga nalukot na papel sa sahig. Inis akong sumandal sa swivel chair at nakaramdam ako ng pananakit sa likod ko.

"Ugh! Physics, I'm tired trying to solve your problem. Grow up, dude." I stretch my arms lazily and yawn.

Napatingin ako sa orasan at mag-a-ala una na ng umaga. "Time to sleep," kausap ko sa sarili ko.

Inayos ko na 'yong mga gamit ko kahit na nagsayang lang ako ng ilang oras sa pag-aaral at wala naman akong natutunan.

Humiga na 'ko ng nakatihaya at pinatong sa t'yan ko 'yong maliit na unan at niyakap.

Nakatingin lang ako sa kisame at binibilang 'yong mga nagniningningang mga bituin na nakadikit ro'n. Those are just artificial stars, they ain't real.

*****

*KRIIIING*
*KRIIIING*
*KRIIIING*

'TIME TO WAKE UP, BELLE TRISTESSE!'
'TIME TO WAKE UP, BELLE TRISTESSE!'

*KUUKKKUUU*
*KUUKKKUUU*
*KUUKKKUUU*

*DING DONG*
*DING DONG*

"Hmmm," unti-unti kong minulat ang mata ko.

Umaga na agad? Parang katutulog ko lang, ah.

Living in this world
With change all around
But with the prophets words~

Tinatamad akong umupo at dinampot 'yong phone ko sa side table.

*KRIIIING*
*KRIIIING*
*KRIIIING*

'TIME TO WAKE UP, BELLE TRISTESSE!'
'TIME TO WAKE UP, BELLE TRISTESSE!'

*KUUKKKUUU*
*KUUKKKUUU*
*KUUKKKUUU*

"H-Hello?" inaantok ko pang sabi.

"Bits, what the hell are those sounds?"

Psh. It's Fauze.

"Just my alarm clocks," walang gana kong sabi. "Why did you call anyway?"

"I'm in front of your door and I've been sounding it so many times, Bits. Can't you open it?" inip niyang sabi.

"I haven't took a bath yet. Kagigising ko lang. Ang aga mo naman," sabi ko at tumayo para patahimikan ang mga maingay kong taga-gising.

They are only three of 'em just to make sure na magigising talaga ako.

"Hintayin mo 'ko riyan. Pagbubuksan kita ng pinto," dugtong ko at pinutol na ang linya.

After kong patahimikin ang huling alarm clock ko ay bumaba na 'ko. Hindi na 'ko nag-abalang tignan kung ano ang itsura ko.

Si Fauze lang naman 'yon. Subukan niya lang talaga akong asarin.

Binuksan ko na 'yong pinto at agad kong nasinghot ang sobrang bangong perfume niya.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now