Chapter 33: Suspicion

170 29 20
                                    

TRIST

"Ba't kayo tinawag rito ni Fauze nang ganitong oras?" tanong ko kay Elara habang kumakain.

Nasa kusina kami ngayon, sinamahan akong kumain. 'Yong tatlo nasa salas pa rin at hindi ko alam kung anong ginagawa nila.

"I don't know, ate. Sumama lang ako kay Kuya no'ng tinawag siya ni Kuya Cohen na pumunta rito," sagot niya habang nagpapak sa fried pork ribs. "Pero... Maybe they'll talk about your accident," dugtong niya.

Natigilan ako. "Eh? What do you mean?"

"Kasi po they won't believe na aksidente 'yong nangyari sa 'yo, ate. Baka po kasi related ito sa person na gustong magpapatay sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Alam mong may gustong magpapatay sa 'kin?" gulat kong sabi.

"Opo," sagot niya na parang wala lang. "Actually, even Kuya Cohen knew about it."

"What?!"

"Uh-hum," tango niya.

Minadali ko ang kumain para makinig sa usapan ng mga tatlong lalaki sa salas. Hindi pwedeng hindi ako makialam dahil involved ako rito.

Nang mapatapos akong kumain ay dali-dali akong pumunta sa sa salas at umupo sa tabi ni Fauze.

"What?" inosente kong sabi. Tumigil sila sa pagsasalita nang makita ako. Ilang beses silang kumurap. 

"What are you doing here? Go upstairs," utos ni Fauze.

"Ayoko nga," pasiring kong sabi.

"Kuya, you want?" offer ni Elara sa hawak niyang pork ribs kay Zach. Ngumiwi siya saka umiling. "How 'bout you, Kuya Riz, you want some?" offer niya kay Riz.

"Uh, thanks. But, no," nakangiti niyang sabi.

"Kuya Cohen—"

"No," putol niya kay Elara.

"Okay. Then, I'll eat all of them na lang," bungisngis niya saka umupo sa isang tabi at nilantakan 'yong hawak niyang pagkain.

"Go upstairs, Bits. May pag-uusapan pa kami," pagtataboy sa 'kin ni Fauze.

Magrereklamo na sana ako nang magsalita si Riz. "I think she needs to know the details we're talking about para naman may alam siya sa nangyayari." Agad akong ngumisi sa sinabi ni Riz.

"Think so. She deserves to know anyway. Besides, she's involved," segunda ni Zach. Mas lalo akong ngumisi.

Tumingin ako kay Fauze. Bumuntong-hininga siya na parang wala ng magagawa. "Fine, then," pagsuko niya.

Sabay akong kinindatan nung dalawa saka ngumisi. Natatawa lang akong umiling.

Loko.

Pinaliwanag nila sa 'kin 'yong pinag-usapan nila kanina at hindi ko mapigilang magulat at matakot sa mga sinabi nila sa 'kin lalo na ang kinuwento ni Zach tungkol sa kanila ng fiancée niya.

"So, y-you two broke up?" tanong ko kay Zach, tukoy ko sa fiancée niya.

Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "Yes. She just said that she fall out of love and then left me wondering," mahina niyang sabi habang nakatingin sa baba. "But, little did she know that I knew from the very start... she's afraid to stay with me because she was receiving death threats from anonymous and I can't blame her," sobrang hina nang pagkakasabi niya ro'n sa huli, pero naintindihan ko pa rin.

"So, Belle wasn't the only one that-sh*tty-person hold grudges, huh?" matiim na sabi ni Riz.

"Do you know this person?" May nilapag na picture  si Fauze sa mesa. Sabay naming tinignan 'yon nina Riz at Zach. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yong nasa litrato.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now