Chapter 24: Past Came to Present

199 36 0
                                    

TRIST

"Rizwan?"

Pagkatapos kong bigkasin ang pangalan niya ay may matigas na bagay na tumama sa noo ko.

Nabitawan ko ang hawak kong raketa at nasapo ko ang noo ko dahil para akong binagsakan ng bato sa ulo.

Peste ang sakit!

Sinikap kong ibalanse ang sarili ko dahil kung hindi ay baka nakahiga na ako ngayon sa court.

Naramdaman kong may mga umalalay sa 'kin at nagtatanong kung ayos lang ako, pero hindi 'yon ang inintindi ko.

Minulat ko ang mata ko kahit medyo umiikot ang paningin ko ay pinilit ko pa ring inaninag kung naro'n pa rin ba siya, pero wala akong nakita. Lumingon ako sa paligid, pero wala akong nakitang siya.

Damn you, illusion!

"Bits, are you okay?"

Naging klaro lang ang paningin ko at ang pakiramdam ko sa paligid nang makita ko sa harap ko ang nag-aalalang mukha ni Fauze.

Tumingin ako sa paligid, naro'n sila mommy pati na rin sila Coach Kelly. Naramdaman kong may malamig na nakapatong sa noo ko. Nakaramdam ako ng matinding hiya.

Puteks! Anong eksena 'yon? Nakahihiya!

"Are you okay, honey?" nag-aalalang tanong ni mommy.

"Y-Yeah. Ayos lang ako," nahihiya kong sabi. Napakagat na lang ako ng ibabang labi ko. Tumingin ako kay Coach Kelly. "Did they call it off the game, coach?" tanong ko.

"No. Not yet," iling niya. Tumango ako 'saka tumayo.

"Are you still going to continue the game, honey?" Nagsalubong ang kilay ni mommy.

"Yes, mom," sagot ko.

"What? Your bruise is still reddish," nagtitimpi niyang sabi. Kung kami lang dalawa rito, malamang sa malamang, nasigawan na niya 'ko.

I sighed. "This is part of the game, mommy." Tumingin ako kay Xy. Mukhang naintindihan niya agad ang tingin kong 'yon.

Hinawakan niya sa braso si mommy. "Shell be fine, tita. Kung makaramdam naman siya ng sakit ay agad niya itong sasabihin, 'di ba, fren?" baling sa 'kin ni Xy. Agad naman akong tumango nang nakangiti.

Walang nagawa si mommy kun'di ang bumuntong-hininga. "Make sure of that because I won't hesitate to interrupt your game when I saw something wrong," banta niya. Ngumiti ako ng hilaw. Tinanguan ako ni Xy bago niya sinamahan sila mommy sa bench.

Tumingin ako kay Fauze. "Oh, ba't narito ka pa?" tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Just take care, Bits," sinsero niyang sabi.

"Uhm," tango ko. "I can still blow you a kiss when I won," ngisi ko. Natigilan siya, pero kalauna'y ngumisi rin.

Pinagpahinga lang nila ako sandali bago ako pumunta sa court habang namumula pa rin ang noo ko. Bumalik na rin si Fauze sa bench nila Xy.

Medyo masakit pa 'yong noo ko, pero buti na lang maaga itong naagapan kaya hindi nagkabukol.

Nagsimula na ang laro at naging maayos naman ang takbo nito. Ako ang nanalo sa set 1, pero pagdating sa set 2 ay siya ang nanalo. Nahirapan ako sa set 3 dahil kumikirot 'yong noo ko at 'pag binibigla kong igalaw 'yong ulo ko ay para akong natutumba dahil sa hilo. Hindi ko pinahalatang masakit ito dahil baka totohanin ni mommy 'yong sinabi niya kanina, mahirap na.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now