Chapter 5: Unexpected Visitor

368 73 20
                                    

TRIST

"Ate, are we going home now?" tanong ni Kyle, pinsan ko.

Nilagay ko sa compartment ng kotse ang huling supot na bitbit ko at tumingin sa kan'ya.

Nasa parking lot kami ng mall at dahil bored ako sa bahay hiniram ko ang pinsan ko kay Tita Liz para may kasama akong gumala.

"Yeah. May gusto ka bang puntahan?" tanong ko. Lumabi siya at tumingin sa taas na parang nag-iisip.

Ang cute.

"There is a certain place I want to go, ate!" masiglang sabi niya.

"Okay and where's that place?" tanong ko at kinurot ang mapupulang pisngi niya.

"Street foods!"

Napakunot ang noo ko. "How did you know that place?" taka kong tanong.

"Kuya Cd took me there recently and when I tasted the food there I fell in love," inosente niyang sabi habang nakahawak sa dibdib niya.

"W-What?" I scoffed.

He fell in love? How the heck did he know that phrase? For goodness' sake he's only five years old! Did Cd taught him that? I should ask him about that later.

"But, promise me, ate don't tell mommy that I went there. Mommy will scold me for sure," nakangusong sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya.

"I promise," sabi ko at ngumiti. "Get in the car. We're going there, okay?"

"Really?" Tumango ako at lumiwanag naman ang mukha niya. "Yes!"

*****

"Ate, taste this," abot niya sa parang uod na gumuling-giling.

"Uh..." nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba.

I haven't eaten something like this in my entire life.

"Pretty please, pretty please," he puppy-dog-eyed! "Say, 'aaaaaa'." Binuka niya ang bunganga niya at nakita ko ang maliliit niyang mga ngipin.

"But... Okay," pagsuko ko. Aabutin ko sana sa kan'ya 'yung stick na may tusok na uod pero pinilit niyang subuan ako kaya wala akong nagawa.

Now, I'm the baby. So great.

"It's good, ate, isn't it?" nakangiti niyang sabi. Nang nanamnam ko na 'yong kinakain ko ay nagthumbs-up ako sa kan'ya.

"Anong pangalan no'n, baby?" tanong ko at kumuha pa ng isa.

"Aysow, ate," sagot niya. Tumango naman ako.

"Hahaha." Lumingon ako sa tindera nang marinig kong tumawa siya ng mahina. "Isaw ang pangalan no'n. I-saw," pag-didiin niya.

Tinignan ko si Kyle ng nanunuring tingin. "That's what Kuya Cd told me, ate. It's not my fault. He spelled it as I-S-A-W, so I thought it should be pronounced as AY-SOW that's why po," depensa niya.

Tumawa ako ng mahina. "You don't have to explain further, you know?" Ngumuso naman siya.

Kumain na lang kami at pinatikim niya sa 'kin 'yong iba pang mga luto. 'Pag sinasabi niya ang pangalan ng mga 'yon ay kinokorek siya ng tindera, mali mali raw kasi. Tulad na lang do'n sa kulay itim na pagkain na may butas butas, parang mga butas sa cheese, ang sabi niya 'nabuong dugo' raw ang pangalan no'n pero sabi ng tindera betamax kaya 'pag nagpapaliwang siya tinatawanan ko na lang.

Tinignan ko kung ano ng oras sa phone ko at alas dose na ng tanghali! Hindi ko namalayan. "Hey, baby, we have to go. It's noon already," sabi ko.

"Okay po." Binuhat ko siya mula sa pagkakaupo niya saka binaba. "Ba-bye po," paalam niya sa tindera.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now