EPILOGUE

516 8 0
                                    

Epilogue

[Bro, totoo ba na dito ka na mag-aaral? Hindi ka na diyan sa Australia?] tanong sa akin ni Timothy sa kabilang linya, bestfriend ko simula pagkabata.

"Oo, kaya pwede ba. Matutulog muna ako, madaling araw pa lang dito oh!" asik ko dito at ibinaba na ang tawag.

It's just midnight here in Australia at kamalas-malasan ay tinawagan pa ako ng lokong iyon, ipinatong ko na lamang muli ang cellphone ko sa side table ng kama ko at umidlip pa ng ilang oras.

Nagising ako bandang alas sais ng umaga. Kailangan ko kasing mag-empake ng mga damit dahil mamayang tanghali na ang flight ko papuntang Manila. Sa Manila muna ako mag-eexam sa mga Universities at saka na sa home town ng parents ko.

Ilang saglit pa ay chineck ko ang phone ko at nakita doon ang pangalan ng bestfriend kong pangit.

Timothy:

Hahaha! Gowd Mowning single man, este lonely man.

Porke't sinagot na siya ng babaeng gusto niya doon, gaganituhin na niya ako? Aba, aba if I know malas ang girlfriend niya sakanya dahil sa pagkapakaloko ni Timothy Simon Barcelona. Kailangan full name para siya talaga iyon.

Ako:

Fuck you.

After I hit reply ay siyang pagbuhat ko ng mga maleta ko papunta sa may pintuan ng bahay ko dito sa Australia. Oo bahay ko dahil halos hindi naman ako dito binibisita ng mga magulang ko. Natitiis nila ang gwapong mukha na katulad ko.

Matapos buhatin lahat ay siyang pagligo ko sa banyo, hindi na rin ako nagluto ng almusal dahil magtitinapay na lamang ako dahil tinatamad akong maghugas ng pinggan ngayong paalis na ako dito sa Australia.

I just wear a plain black printed shirt that says 'I'm hot, hotter than your Ex'. Wala naman akong pinapahiwatigan nito dahil natripan ko lang itong suotin. Ang pang-ibaba ko naman ay isang faded pants na may butas butas. Nag-sneakers na lang din ako na kulay itim.

Naging mabilis lamang ang naging byahe ko papunta sa Manila. At kagaya ng inaasahan ko ay tirik na itrik ang araw, hindi kagaya sa Australia na sakto lamang ang init at lamig. Tinanggal ko ang shades na suot ko ngayon at inilibot ang tingin sa mga nakaabang na mga sundo.

Ang sabi sa akin ni Mom ay may susundo sa akin ngunit hindi ko kilala kung sino iyon dahil pinatay niya kaagad ang linya. Hinintay ko muna ang natitira ko pang bagahe bago lumabas na ng tuluyan ng Airport. At base sa binabaan kong Airport ay kina Gomez ang mga ito.

Sa aking paglabas ay siyang pagkakita ko sa aking mga magulang. Hindi ko alam na sila ang susundo sa akin ngayon. Akala ko ay sobrang abala sila sa trabaho na halos kalimutan na nila ako bilang anak nila. Just kidding.

"Yuan, anak! Thank God your here na!" my Mom hugged me tight. While my Dad messed my perfectly brushed hair.

"It's good to see you, Yuan" sabi sa akin ni Dad at nakisabay na din sa yakap.

"Akala ko, nakalimutan ninyo na ako bilang anak" pagtatampo ko sakanila at pinandirian lamang nila akong dalawa. "I'm just kidding!" bawi ko dito at humagalpak sa tawa.

Sa isang elite school ako mag-aaral. Kung saan dating nag-aral si Timothy na bestfriend ko. Pero agad din ako doon umalis pagkatapos ng first semester, dahil hindi masyado magaling ang nagtuturo doon. Or is it me who was just differentiate the learning from Australia?

At dahil na rin sa pag-alis ko doon sa Academy na iyon ay siyang pag-test ko online kung saan nag-aaral ang magaling kong bestfriend na si Timothy. I already searched the University's about info and I must say parang napantayan nila ang dating paaralan ko sa Australia.

Prior Against JusticeWhere stories live. Discover now