31

153 5 0
                                    

Chapter 31

Napatigil siya. Napalingon siya sa akin ng nanlalaki ang mga mata. Pawang hindi naniniwala at kwinewestyon ang pahayag ko. Maski ako ay napatakip ang bibig sa pagkakabigla. Wala na akong mukhang maiihaharap sakanya.

Kinuha ko na ang pagkakataon na ito para tumakbo. Tinakbo ko na ang ilang metrong layo ng aking sasakyan. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang pintuan nito ay may humiklas na ng aking braso

"Say it again, Gusto ko ulit marinig. Sabihin mong totoo 'yon. Na hindi ako nagkamaling marinig 'yon" sabi sa akin ni Timothy na may mapupungay na ang mga mata.

Ang boses niya ngayong ay nagmamakaawa. Tipong ang kanyang mga mata ang nagpapahiwatig na totoo ang emosyon niya ngayon. Hindi katulad noong minsan ako'y pumunta sa kanilang bahay.

Ang mga tingin ni Timothy sa akin ay nagpapalambot ng aking tuhod. Na kahit ilang segundo ay maari na akong matumba. Ako na ang unang umiwas ng tingin sa aming dalawa at tumingin na lamang sa kawalan.

"Atasha, please. Say it" he plead.

Napabuga ako ng hangin at muling hinarap siya. Nakaigting ang kanyang panga at may mapupungay na mga mata.

"Mahal kita, Timothy" muli kong saad sakanya at kinagat ang mga labi ko.

May yumuyugyug sa akin. Gumilid ako sa kabila para matigil ito ngunit sikat ng araw naman ang nagpabangon sa akin bigla. Kinusot ko ang mga mata ko at nakaramdam ng kaunting hilo dala siguro ng alcohol kagabi.

Inilingon ko ang tingin sa paligid at napansing wala ako sa kwarto ko sa mansyon. Agad kong tiningnan ang damit ko under the comforter and luckily nakasuot pa din naman ako ng damit pero isang oversized black t-shirt lamang ito na may print sa harap na 'chill'

Spacious ang kwarto. Naglalaro ang kulay nito sa itim at puti. Samantala ang mga gamit dito ay mga estante ng libro, full length mirror, at mga paintings. Mayroon ditong dalawang pintuan na nasisiguro kong bathroom at walk in closet ang mga ito.

Ang kama naman ay may puting comforter at itim na kama. Kasing laki nito ang kama ko sa mansyon at masyadong malaki sa iisang tao. Nakita ko ang isang babae na tingin ko ay higit singkwenta na ang edad sa gilid ng kama.

"Pinapagising ka na sa akin ng alaga ko. Halika rito, hija. Punta tayo sa baba" aya nito sa akin.

"Nakakahiya naman po na naabutan ninyo akong ganito. Saglit lamang po at pupunta ako sa banyo" saad ko rito at tumayo na.

Dahil oversized ang aking t-shirt na suot ay umabot ito sa aking hita. Wala akong suot na shorts kaya panty lamang ang suot ko sa ibaba. Dumeretso na ako sa unang pinto ng kwarto sa gilid ngunit ang closet pala ang nabuksan ko.

Bumungad sa akin ang malawak na kwarto na puno ng cabinet at rack na may mga damit. Naka-organized ito sa kung anong kulay. Habang ang mga sapatos naman ay nasa isang gilid at may estante ito para rito. Agaw pansin ang isang cabinet na kulay itim at may see through glass na may nakapaloob na kulay puti.

Lumapit ako rito na alam ko naman ay ang tungo ko ay sa banyo ngunit nagpatuloy ako palapit rito. Nakahilera rito ang mga coat ng doctor o tinatawag na gown. May mga collection rin rito ng mga stethoscope na naka-ayos ang pagkasalay nito.

Dr. Timothy Simon Barcelona - Cardiologist Surgeon.

How dumb of me to not figuring it out na si Timothy ang nagdala sa akin rito. Dahil ang huli kong natatandaan ay sumunod ako sakanya sa bar and the rest is history. Wala na akong maalalang iba bukod doon.

Pero, eight years na simula ng maghiwalay kami ni Timothy pero hindi pa rin ako makapaniwala. Ngayon, isa na siyang magaling na doctor habang ako ay isang matayog na abogado. Looks we've made it through, huh?

Prior Against JusticeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant