17

112 3 2
                                    

Chapter 17

"Mom, Dad. Alis na ako. Kukunin ko na mga transcripts ko tsaka papers" paalam ko sa magulang ko at humalik sa kanilang pisngi.

"Sure, go on. Take care" sabi ni Mom.

"Sige" tipid na sabi ni Dad.

Lumabas na ako sa mansion at pumasok na sasakyan na naghihintay para sa akin. Ihahatid ako ni Mang Freddie sa University ngayong hapon dahil tinatamad akong mag-drive.

Simpleng black Nike t-shirt lang ako na oversized at rugged shorts. Sinuot ko rin ang white kong rubber shoes na may malaking check sa gilid at may nakasakbit ako ng isang mini backpack na nakalagay ang 'Fila'.

Hindi na ako nag-overdressed dahil kukuha lang naman ako ng mga transcripts ko sa University at babalik din naman ako kaagad. Malapit na kami sa University ng maramdaman ko na mamimiss ko ang pagpasok rito.

Ibinababa na ako ni Mang Freddie sa back gate ng University at sinimulan ko ng maglakad. Marami-rami ngayon ang tao dahil enrollment para sa susunod na semester. Tiningnan ko ang orasan sa aking braso at 1:30 na ng hapon.

Ang usapan namin ni Yuan ay 1 pm ngunit nalate ako ng tatlumpong minuto. Bahagyang bumagal ako ng lakad dahil sinusulit ko na ang nalalabi kong oras dito sa University. Dahil ilang araw na lamang ay aalis na ako patungo sa London.

Nadaanan ko ang Parking Lot ng University na kung saan tinulungan ako ni Timothy maayos ang gulong ng Ranger ko noon. I smiled bitterly. Lumakad na ako pagawi sa may cafeteria kung saan ko siya nabunggo ng minsan na akong bumili doon.

Ang corridor kung ko siya hinalikan sa pisngi ay nadaanan ko. Mapait akong ngunit ng maalala lahat ng iyon. Parang kay bilis ng apat na buwan na hindi manlang namin iyong cinelebrate. Iyong tinatawag na Monthsary.

Paano pala namin maii-celebrate kung puro loko lang pala iyon. Paano pala niya iyon maalala kung hindi naman pala totoo lahat ng iyon. At paano iyon mangyayari kung lahat ng ito ay peke.

Lumiko na ako sa pathway na nag dugtong sa corridors patungo sa bungad kung nasaan ang registrar. Malayo pa lamang ay nakikita ko na ang pakamot-kamot ng ulo na si Yuan habang nakatanaw sa gate ng University.

Lumakad na ako papunta sakanya at siya pa rin ay walang ginawa kundi tanawin lang ang gate. Hinihintay siguro akong bumaba roon ngunit hindi niya alam nasa likod niya na ako. Kinalabit ko siya at laking gulat niya na nasa harap niya na ako.

"Akala ko hindi ka tutuloy" sabi niya sa akin.

"Akala ko din" tugon ko sakanya.

Lumapit na ako sa registrar at iginawi kami sa office. Doon ay pumasok kaming dalawa ni Yuan at hinintay ang pag-process ng papel namin.

Abala lahat ng mga tao dito sa office sa kanilang mga computer. Tila hindi nila nararamdaman ang presensya namin dahil tutok sila sa ginagawa.

Isa lamang na staff ang umaasikaso ng mga papel na hinihingi namin ni Yuan. Hindi naman siya natagalan at nakuha kaagad ang mga papeles naming dalawa.

"Atasha Justine dela Cruz at Yuan Krasfil Realmonte" banggit ng staff.

Lumapit kami sakanya at nagpasalamat. Halos tatlumpong minuto kami roon naghihintay at buti na lamang na hindi mahigit isang oras. Umalis na kami ni Yuan sa office at naglakad-lakad sa University.

Tiningnan ko ang bawat sulok nito. Nalabi ko rito ay mahigit limang buwan. At agad ko itong lilisanin ay nakakalungkot. Hindi man lang ako umabot rito ng isang taon.

Ang alam ko ay pupunta din rito sina Blaire para asikasuhin ang mga enrollment nila. Hindi ko lang alam kung nasaan sila ngayon. Ngunit makikita rin namin sila maya-maya.

Prior Against JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon