34

181 4 0
                                    

Chapter 34

"Nothing, it's just that. I find you cute when you poked your cheeks using your tongue" I chuckled.

"So, should I do that more often?" he asked and laughed with me.

It's already midnight because the after party of the wedding ended up late. Kami na lamang ni Yuan ang natira dito sa reception dahil sa pag-uusap namin ni Heaven.

Dahil late na, malamig na ang simoy ng hangin. Nandito pa rin kami ni Yuan sa balcony at ni-isa sa amin ay hindi nagsasalita. Nonetheless, I felt comfort even though there's silence in between us.

Hindi naman mahirap mahalin si Yuan. May common similarities kaming dalawa. He's also a lawyer just like me. Nandyan siya palagi sa akin kahit nakatanggap siya sa akin ng rejection.

London days, nandyan siya sa akin para umalalay. Tumulong sa mga school works kahit hindi ko kailangan. At ang paglalakad namin sa gitna ng kalsada. At ang mga leksyon niya sa akin tungkol sa mga dinadate kong mga lalaki.

"Are you a good lawyer?" he asked me while staring the stars above us.

My mouth formed an 'O' but I just said "No"

"Nevertheless, I want you to fight a case for me. Because only you can win it for me. A girl named Atasha Justine dela Cruz stole my heart. Fight my case against her and get her to justice. I want a heart for a heart and only you can get me that" he playfully picked up a line on me and I just chuckled on that.

A pick up line, huh? Wait till I got master on that. You will really melt on my part.

Sa mga sumunod na mga araw at linggo ay ordinaryong araw na lamang. Panibagong araw na naman ang haharapin ko sa opisina. At ngayon din ang araw ng pagkikita namin ni Sanchez, hindi ko alam ang kanyang itsura dahil hindi naman kami nagkikita pa. At mamaya ay bandang alas'tres ng hapon ay sa isang malapit na restaurant rito kami magkikita.

Inaasikaso ko na ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Buwan na ng Setyembre at padami-dami na ang kasong hinahawakan ko. Tila Case Month ang Setyembre dahil halos lahat ng mga kapwa ko ritong abogado ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Kahit ako ang may-ari ng firm ngayon ay in demand sa Asturias ang pangalan ko dahil na rin sa mga naipanalong kaso ko mula London hanggang dito.

My phone beep and saw Yuan's name on it. Medyo maiksi ito kumpara sa datihan niyang mga text sa akin kaya ipinagtaka ko iyon.

Yuan:

If loving you is a crime, then I'm looking at a life sentence.

Napangiwi ako sa text niyang 'yon. This days Yuan was expressing his love for me and I'm just enjoying his companion about that. Hindi naman kasi ako mahirap pasiyahin lalo na at malapit kang tao sa akin. At isa sa mga tinakbuhan ko noong ako ay wasakan at walang makapitan.

Ako:

Will you court me?

I hit send and waiting for his reply. It's half joke, half meant. I'll give a chance to him and to myself. Kasi panahon naman para sumaya ako diba? Sa lahat ng sakit na naramdaman ko deserve ko naman maging masaya, kahit katiting oras lamang.

Hindi na sumagot si Yuan sa aking reply. Siguro ay nabigla sa reply ko sakanya. Dahil maski ako ay naramdaman ko na ang hiya sa buong sistema ko. Parang ngayon pa lang nag-sisink in sa utak ko ang naging reply ko kay Yuan. 

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na ako sa trabaho ko, hinihintay ko na lang ang alas tres ng hapon para makalabas na ako ng opisina. Sumandal ako sa swivel chair at minasahe ang nose bridge ko dahil sa tambak na trabaho na kailangan kong asikasuhin.

Prior Against JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon