13

98 4 7
                                    

Chapter 13

It's been a week since our trip in Iceland. The feeling of the kiss we shared were still vividly on me. Its like it was just yesterday. I'm on my way to the University to enroll for the next semester.

Malapit na ako sa University ng madaanan ko ang isang drive thru ng isang food chain kaya pumila muna ako. About 5 minutes later they already serve me with the orders.

Nag-drive na ako papunta sa University at pinark ang kotse ko sa parking lot. Kinuha ko lang sa passenger seat ang aking sling bag at bumaba na. Naglalakad na ako sa registrar ng makita ko sina Blaire.

Lumapit ako sakanila at agad nila akong natanawan. They waved at me and I just smiled at them. Binilisan ko pa ang lakad ko para makalapit kaagad ngunit may nabunggo ako.

Parehas kaming natumba at lahat ng tao ay biglang tumigil at nakapukol lahat ang tingin sa amin. Tumayo kaagad siya at inalalayan pa akong tumayo. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinatak ako.

Akala ko ay ka-batchmate ko ito ngunit hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. He handed me his hand to make a handshake and I accept it.

"Yuan Krasfil Realmonte" pagpapakilala niya sa akin.

"Atasha Justine dela Cruz" ngiti ko rito.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay sumama siya sa akin para makapag-enroll sa registrar. Legal Management rin pala siya at galing siya sa Manila.

Mabilis naproseso ang aming papeles at inaya ko siyang pumunta sa kaibigan ko. Hindi din siya makapalag at hinila ko siya papunta sa gawi nina Blaire. Parang nagulat pa ang mga kaibigan ko ng may kasama ako.

They looked at me confused and I just smiled at them. "This is Yuan. Nabangga ko kanina. New friend ko"

Tumango lamang sila at hindi nagpakilala, inismiran ko na lamang sila at tinuro bawat isa sakanila. "This is Blaire, Claire, Dane, Elisha, and Fhashla"

"Nice meeting you girls. I'm Yuan Krasfil Realmonte. Galing ako sa Manila" pagpapakilala ni Yuan.

Halatang walang pakialam ang kaibigan ko kaya naman hinila ko si Yuan paalis doon at pumunta sa Cafeteria. Kanya-kanyang tinginan naman ang mga tao habang naglalakad kami.

Tiningnan ko si Yuan at parang balewala lamang iyon. Nagkibit-balikat lamang ako at binilisan ang lakad. Habang nasa daan ay nakita ko si Timothy. Kasama niya ang mga kaibigan niya kaya lumiko kami sa isang daan.

Halatang kakapasok pa lamang niya dito sa University kaya naman hinayaan ko na muna siya sa mga kaibigan niya. Hindi naman siya lumingon sa gawi ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pumasok na kami sa Cafeteria at bumili ng makakain. Umupo kami sa bandang gilid para walang masyadong tao. Kanina ko pa napapansin si Yuan na parang kinakabahan na ewan.

"Are you okay?" tanong ko sakanya.

"Yeah" sagot niya sa akin at kumagat sa kanyang burger.

Pinagpatuloy na lamang namin ang pagkakain namin. Susubo ko na sana ang huling ensaymada ko ng may umakbay sa akin. Tiningnan ko ito at laking gulat ko na si Timothy na nakangiti ito.

"You both done enrolling baby?" malambing na tanong nito sa akin. Tumango ako sakanya at ngumiti ng bahagya.

Tiningnan ko si Yuan at parang nandidiri ito habang pinagmamasdan kami. Kumunot ang noo ko at tiningnan muli si Timothy.

"Timothy this is-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumabat na siya.

"I know him haha. His my bestfriend" nanlaki ang mata ko sa narinig.

Prior Against JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon