18

108 5 1
                                    

Chapter 18

Sumandal ako sa gate namin habang siya ay nakasandal pa rin sa kanyang kotse. Walang umimik sa amin at katahimikan lamang ang nasa pagitan naming dalawa.

Nilabanan ko rin ang tingin niyang nakatuon sa akin. Ngunit hindi kagaya sakanya ay malamig ang pagkakatitig ko sakanya. Siya ay puno ng lungkot at sakit na kitang-kita sa kanyang mga mata.

"What you did to Heaven is wrong" siya na ang nagputol ng katahimikan.

"And what you both did to me is right then?" I smirked.

Hindi siya nakapagsalita sa aking sinabi. Dahil totoong mali rin naman ang ginawa nilang parehas sa akin. Ginago nila ako in my back without me knowing. At ngayon ay lilinyahan niya ako ng ganyan. Imposible.

Pinasadahan ko siya tingin. Bakit nga ba ako nagpaloko sa isang tulad niya? Parang ang laki ko namang tanga na pumatol ako sakanya.

"Kung pumunta ka rito para ganyanin lang mo ako. Umalis ka na" malamig kong sabi at handa ng talikuran siya.

Ngunit nahuli niya ang kamay ko at muli kaming nagkaharap. Tinanggal ko ang kamay niya sa akin at walang hirap na natanggal iyon. Nagtitimpi pa ako sa kanya sa lagay kong ito. Ngunit sinagad na nilang lahat ang pasensya ko. Sinampal ko siya sa kaliwa niyang pisngi at halos humapdi ang palad ko

"Don't you ever touch me!" sigaw ko sakanya.

Hindi siya gumalaw sa kanyang kinakatayuan at hinaplos niya ang kanyang kaliwang pisngi. Bakas roon ang palad ko na hindi man lang nagbago ang ekspresyon ko.

"Niloko mo na nga ako at ginago! Tapos nandito ka pa sa harap ko at nililinyahan sa ginawa ko kay Heaven! You are a freaking asshole!" sigaw ko muli sakanya.

Wala na akong pakialam kung marinig na ng aming kapitbahay o mga tao sa bahay lahat ng sasabihin ko. Dahil simula ng lokohin nila ako ay wala na akong pakialam sa mundo.

Oo, sabi nila walang manloloko kung walang magpapaloloko pero in my stand. They're are freaking liar! Mali lahat ng mga quotation ng mga tao ngayon!

They fooled me many times. And I've been hurted many times too. But this time, I'll stand up. I'll fight for myself. And not to anybody. Because I'm Atasha Justine dela Cruz the woman whose all eyes was in justice.

"It's all a fucking bet Atasha. Oo, ginawa kong laro ang isang tulad mo. I'm sorry" sabi naman niya sa akin.

"Putangina Timothy! Tangina mo! Hindi ako isang laro para laruin mo! At hindi rin ako isang gago para gaguhin mo!" sigaw ko na naman sakanya. "Mahal kita, mahal na mahal kita Timothy! Tapos sayo isang malaking laro lang ako?! Eh tangina ka pala!" patuloy ko pa.

"Murahin mo lang ako at saktan. Yes I did like you, but I love Heaven more than you" deretso niyang sabi.

"Huwag mo na sa akin ipamukha na mahal mo yon! Dahil alam ko na iyon! And you don't know how much I'm loathing you right now!" sigaw ko sakanya.

"And I really don't know what is the word love is. Dahil kay Heaven ko lamang iyon naramdaman" dagdag pa niya.

Hindi na ako umimik at tumalikod na sa kanya. Hindi dahil hindi ko matanggap ang sinabi niya kundi dahil wala akong mapapala sa usapan naming ito. Hindi niya na rin ako pinigilang umalis at narinig ko na lamang ang makina niya at umalis na siya doon.

Pumasok na ako sa Mansion namin ng walang nararamdaman. Walang luha, walang iyak ang naganap sa akin. Tila immune na ako sa sakit na nararamdaman ko sa mga nakalipas na mga araw.

Prior Against JusticeWhere stories live. Discover now