15

125 6 4
                                    

Chapter 15

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko na nasa kwarto ako. Iyong kwarto ko sa mansion namin. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang alalang mukha nina Mom.

"Anak, buti nagising kana! Nagkaroon ka ng mataas na lagnat matapos kang tumakbo palabas ng Hospital. Buti na lamang naabutan ka ni Yuan"

Tila binagsakan ako ng langit sa narinig ko. Pinilit kong ngumiti kahit papaano dahil bakas sa mukha nila ang matinding pag-alala. Tiningnan din ako ng private nurses namin at sinabing okay na raw ako.

Uminom na muna ako ng mga nakaresetang gamot sa akin para tuluyan ng gumaling ang sakit ko. Pinalabas ko muna silang lahat para makapag-isa. Hindi ko kakayanin humarap sa kanilang lahat matapos ang insidente.

Linggo na ngayon at bukas na ang examination namin. At ni isang salita ay wala pa akong nababasa. Kumuha ako ng pares na libro at sinimulan na itong basahin. Buti na lamang at wala na akin nang-gambala sa mga susunod na oras.

Bumaba na ako sa hagdan namin ng makaramdam ng gutom. Nakita ko silang nasa hapag kaya umupo ako sa tabi ni Mom. Pinainit muli nila ang mga ulam at kanin para sa akin.

Kumuha lamang ako ng makakaya kong kainin. Sinabawan din ang ulam namin kaya lalong guminhawa ang pakiramdam ko. Wala rin kaming imik sa hapag.

"Akyat na po ako. Mag-rereview ako eh. Pakisabi kay Kuya dadaanan ko siya mamaya sa kwarto niya"

Tipid na tango lang ang sinagot ng magulang ko sakin. Tumaas na ako sa hagdanan at pumunta na sa kwarto ko. Dito na pinapagaling nina Dad si Kuya dahil konting pilay lang naman at galos ang natamo niya.

Pagpihit ko sa aking kwarto ay ramdam kong nag-iisa ako sa napakalaking kwarto na ito. Dumeretso na ako sa study area ko at pasalampak umupo sa vanity chair na nakatalikod sa mga bookshelves ko.

Sinimulan kong muli magbasa. Nagha-highlight rin ako para sa mga importanteng detalye. Ginawa ko munang blanko ang isip ko para lalo akong ganahan mag-aral.

Nakailang books na din ako ng maisipan kong pumunta kay Kuya. Tumayo na ako at pinihit ang pintuan ko palabas. Pagpasok ko sa kwarto niya ay may binabasa siya na isa sa mga regalo kong libro noon.

"Kuya, ito oh libro. Pampa-refreshen ng mga ideas mo" sabi ko sakanya.

"Sus, sabihin mo nadadatahan ka sa mga design ko!" asar niyang asik.

"Parang ganon na nga" sabi ko naman sakanya. Kibit balikat ako sakanya na natatawa

Tumakbo ako sa palayo sakanya at humabol naman siya. Malapit na sana ako sa may garden namin ng madulas ako gawa ng maputik na lupa. Tawa-tawa muna siya bago ako tulungan tumayo.

Ngumiti ako ng maalala iyon. 

"Atasha, narito ka pala" banggit ng pangalan ko ni Kuya.

Siguro naalala niya ako. Sabi din kasi ng mga doctor ay maaring two weeks ay maalala niya na ang lahat. Retrogade Amnesia raw ang tawag doon.

Ngumiti ako sakanya at lumapit sa tabing upuan na katabi ng kama niya. Binaba niya ang libro na hawak niya at hinintay ako magsalita.

"Kuya, naalala mo na ako?" pasiguro kong tanong.

"Hindi lang ikaw. Pati sina Mom. Pati pogi kong pangalan! Hahaha Anthony Joshua dela Cruz" tawa niya.

Natawa din ako sa inaasta niya ngayon at tila wala siyang amnesia. Hindi pa rin siya nagbabago kahit ilang taon ang agwat naming dalawa. At kahit galusan siya ngayon.

Prior Against JusticeWhere stories live. Discover now