30

162 5 1
                                    

Chapter 30

Nakabalik na ako sa Asturias ngunit hindi pa rin malinaw sa akin lahat ng nangyari sa resort. Oo, a part of me was telling to come back to him. Pero may hesitatation na humaharang.

Hindi ko na naituloy ang 2 week leave ko dahil kinabukasan ng island hopping namin ay umuwi na ako. Umuwi na ako hindi dahil ayoko siyang makita kung hindi magulo ang isip ko ngayon. Sa lahat ng nangyari doon.

"Attorney, this is the file you're referring to" Agatha handed me the folder.

"Thanks" maikli ko ritong sagot at pinaalis na sa aking opisina.

Sa pagbalik ko rito sa firm ay dumoble na ang trabaho ko. May mga cases at may mga meetings akong kailangang puntahan. Habang si Agatha naman ay nagpapaalala sa akin ng mga dapat kong gawin sa isang araw.

Habang nire-review ang file na hawak ko ngayon ay walang pumapasok sa isip ko bukod sa yakap ni Timothy doon sa resort. Wala naman na akong balita sakanya matapos ang pangyayari 'yon.

Isang yakap, Atasha. Isang yakap pa lamang 'yon pero halos ikahinto ng buo kong sistema.

Sumandal na muna ako sa aking swivel chair at hinilot ang sintido ko. Masyadong marami ang nangyari sa resort na hindi kayang i-absorb ng utak ko. Binaba ko na muna ang folder at pumikit ng mariin.

Biglang nagbukas ang pintuan ng opisina ko kaya napamulat ako at pinagkunutan ng noo ang taong pumasok.

"Coffee?" Yuan offered me a cup of coffee na logo pa ng Starbucks.

"Yeah, sure" tanggap ko rito at umupo na sa harapan kong silya.

"Agatha told me you're too workaholic. Pero sa nakikita ko ngayon parang may problema" pagbubukas nito ng usapan.

Nilaro ko muna ang cup ng kape. "Kind of. Tss,"

"Mind to ask, what is it?" tanong nito sa akin.

Kwinento ko na sakanya lahat ng nangyari sa resort. Simula umpisa. Walang labis at walang kulang. Kumpleto ko 'yong sinabi sakanya. Habang siya ay prenteng nakikinig na animo'y mahalaga ang sinasabi ko.

Huminga muna siya ng malalim at iniwas ang tingin. "Mahal mo pa siya, Atasha. Kaya kung ako sayo. Sasabihin ko na 'yon sakanya bago mahuli ang lahat"

Ilang araw kong inisip ang sinabi sa akin ni Yuan. Oo, tama siya. Kailangan ko ngang sabihin iyon kay Timothy. Pero hanggang kailan ako maghahanda para sa araw na 'yon?

Araw ng Linggo ngayon. Kaya wala akong pasok sa opisina. Kung meron man, ay hindi ako makakapag-focus din sa mga gawain ko at trabaho. Nasa sala ako ngayon at walang ginawa kung hindi manood ng tv.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa aking tabi lang. Kaya inabot ko ito at tiningnan.

Blaire:

Sis, labas tayo ngayon! Treat ko, hehe papunta na ako sainyo ngayon. Gayak kana, okay? :)

Text pala galing kay Blaire. Ilang linggo ko na rin hindi nakikita ang aking mga kaibigan dahil sa mga trabaho namin at hectic schedule. Hindi ko din sila kinakamusta dahil nawawala sa aking isipan.

Sa huli ay nagtipa ako ng messege sa kanilang lahat at hinintay na lamang ang kanilang pagpayag at reply sa aking messege.

Ako:

Hey, hangout tayo later, We need catching up to do. No buts and no no's. See you all here at the house.

Pinagpatuloy ko na lamang ang panonood ko sa tv at maya-maya ay narinig ko na ang mabilis na paandar ni Blaire sa kanyang porche at basta na lamang itong pinark sa harap ng pintuan namin.

Prior Against JusticeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora