26

146 3 1
                                    

Chapter 26

Inuwi ako ni Timothy sa Mansion bandang hating gabi dahil inabutan na kami ng dilim bago kami makauwi dito sa Asturias. Masasabi kong naenjoy ko ang trip o gala namin ni Timothy sa Cebu at Lapu-lapu. Napuntahan namin din ang makakaysayang lugar doon at halos matulala ako sa ganda nito.

Nagising ako bandang 9:30 ng umaga sa sobrang pagod. Pagod na masaya. Naligo lamang ako at nagbihis ng comfy clothes dahil wala naman akong pupuntahan ngayong araw bukod sa Reunion namin mamaya sa University. HIndi ko naman alam kung magpapaayos ako o hindi na.

Bakit ganon? Maayos na ako, masaya na ako. Pero bakit may gusto ako pero hindi ko maipaliwanag? Na gusto kong ilabas pero hindi ko maixpress?

Biglang nagring ang phone ko kaya hinanap ko kung nasaan ang tunog. Nasa kwarto ako ngayon at walang ginagawa kundi manood ng mga movies at kdrama. Dinala ako ng tunog sa veranda ng aking kwarto at nakita ko ang phone kong nagvivibrate at tumutunog.

"Hello,who's this?" tanong ko sa kabilang linya.

"Sis, si Blaire ito. Hehe, may ka-date kana mamaya?" bungad na tanong ni Blaire sa akin.

bigla kong naalala ang Reunion mamaya. Siguradong ang pupunta roon ay may mga ka-date na mga outsiders o di kaya'y mga kaklase naming mga magjowa na nagtagal. Cringe.

"Wala, si Yuan kasi nasa Australia pero try niya daw makapunta haha" sagot ko sakanya.

"Bakit naman si Yuan? Only option? O wala lang nag-aya?" asar nito sa akin.

"Sino naman ang mag-aaya sa akin? hello? I don't play games anymore Blaire. Iniwan ko na sa London mga flings, heartbreaks, at mga games na ginawa ko noon pa man" I sarcastically said.

"Okay, okay. Haha I'm very sure magpapa-late ka mamaya. Bye" she bid goodbye and ended the call.

Tinapos na ni Blaire ang tawag kaya naman bumalik ako sa loob ng kwarto ko para kumuha ng isang libro na babasahin ko dito sa rattan duyan dito sa veranda ng kwarto ko para naman makakita naman ng nature view at marelax ang isipan.

Para akong nakalutang habang tinitingnan ang mga libro sa bookshelves ko. Halos ng libro ko ay mga nabasa ko na at inu-ulit ko na lamang. Ng mapagod kakatingin ay napatingin ako sa mga regalong nakatabi sa kama ko. Kapwa wala pa rito ang nakabukas kahit 8 years na ang nakakalipas.

Marami ito na tila lahat ng nasa party noon ay may dalang regalo sa akin at parang attendance ito noon. Binuhat ko ang mga ito papunta sa veranda at hinila naman ang malalaking regalo na nakakaenganyong buksan.

Ng matapos na ay umupo ako sa rattan duyan at hinila ang malapit na regalo sa paanan ko. Maliit lamang ito ngunit hugis parisukat. Tamang laki nito para masabing pwede mo itong hawakan ng isang kamay lamang. Inikot ko ito ngunit walang nakalagay kung kanino ito galing.

Nagkibit balikat na lamang ako at tinagkal ang balot nito. Bumungad sa akin ang isang kwintas na may pendant na scale of justice. Pinalilibutan ito ng mga blue diamonds na siyang nakakaagaw ng atensyon. Simple lamang itong kwintas ngunit bakit nakaramdam ako ng fondness sa bagay na ito.

Hindi ako nakuntento at tinalikod ang pendant. May nakalagay dito na greek phrase na hindi ko maintindihan.

συνέχισα να σε αγαπώ αγάπη μου

Hindi ko maintindihan ang phrase pero nakaramdam ako ng misteryo ngunit relief. Phrase lamang iyon kaya naman hindi ko na inalintana kung ano ang ibig sabihin noon. Nagpatuloy na lamang ako magbukas ng regalo at bumungad naman sa akin ang mga clothes, accessories at iba pa. 

Prior Against JusticeWhere stories live. Discover now