33

170 4 0
                                    

Chapter 33

Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos ang naging paguusap namin ni Timothy. At gaya ng naging pahayag ni Heaven sa TV ay naging mabilis ang wedding preparation nila.

Sina Heaven pala ang may-ari ng pinakamalaking bank dito sa Pilipinas. Pinahiram nila sina Tita Stella ng malaking halaga para makabangon ang nalulugi nilang Hospital.

August 15, ang petsa ng kasal nina Timothy. Isang intimate wedding ang napili nila dahil limitado lamang ang inimbitahan nila sa naging kasal nila. Imbitado naman kami ni Yuan.

"Ready? Hmm" tanong sa akin ni Yuan sa kwarto ko.

"Yeah, kinda" at kinuha ko na ang handbag ko.

I just wore a simple white dress with a deep neckline. Sinuot ko rin ang black pumps ko and handing a black handbag. Nginitian ko si Yuan at umangkla na sakanyang braso.

Si Yuan naman ay naka-white long sleeves na naka-tucked sa kanyang itim na trousers. Tinernuhan niya daw ako ngayon kaya nakaputi din siya. I kept my face natural and didn't put too much make-up.

Lumabas na kami sa kwarto ko at sinalubong sina Dad na nasa sala. Hindi sila pupunta sa kasal dahil na rin sa galit nila kay Timothy. Hindi ko naman sila masisi dahil maski ako ay may hinanakit pa.

Nagpaalam na kami kina Dad at pumasok na sa sasakyan ni Yuan. Umikot naman siya sa driver seat at agad pinaandar ang kanyang kotse papunta sa venue.

"Anong klaseng kasal ang gusto mo?" biglaang tanong sa akin ni Yuan.

Ano nga ba ang gusto kong kasal? Hindi ko pa iyon naiisip sa buong talambuhay ko. Parang ni-isang ideya ay wala akong ganoong klaseng pag-iisip.

Inisip ko lahat ng klaseng kasal, at napagpasyahan ko ang isa.

"Beach wedding, iyong pa-sunset na. Tipong matatapos ang kasal sa paglubog ng araw. How about you?" I asked him.

"Anything you want" he whispered to himself but I heard it anyway.

Tiningnan ko si Yuan na patuloy pa ring nagdri-drive. Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko na pwede kaming dalawa. May mga bagay nga talaga na saka mo palang maiisip kung kailan huli na ang lahat.

At katulad ko, naiisip ko din na kung nalaman ko siguro ang pagmamahal sa akin ni Yuan, siguro siya na ang pinili ng puso ko. Siya ang naging kasama ko sa lahat ng bagay simula ng tanggapin ko ang opportunity sa London.

Si Yuan na nakita lahat ng mga flaws ko, lahat ng ngiti at iyak ko. Lahat ng tawa at hagulgul ko. Si Yuan na nandyan palagi sa akin at hindi ako iniiwan kahit hanggang magkaibigan lamang ang tingin ko sakanya.

Hindi pa ba huli ang lahat para muling buksan ko ang wasakan kong puso?

Naging tahimik na ang byahe namin ni Yuan, hindi ko namalayan na nasa simbahan na kami. Maraming media at mga outsiders na pilit pumapasok sa loob ngunit hindi sila makalusot sa mahigpit na security.

Hindi pinasabi nina Timothy ang katotohanan sa likod ng kanilang kasal. Tinago lamang nila iyon dahil ayaw nila ng kontrobersiya. At maski ako ay ayokong magulo dahil lamang sa mga kamera.

Pinagbuksan na ako ni Yuan ng pinto kaya lumabas na ako sakanyang sasakyan. Pinatunog niya muna ang lock nito at naglahad ng braso. Ngumiti ako sakanya bago iangkla ang braso ko.

Lumakad na kami papasok ng simbahan at umupo sa pinakadulo nito. Hindi kami kasali sa mga entourage dahil mga pamilya ito nina Timothy at Heaven. Hindi pa nagsisimula ang kasal kaya maraming bisita ang nakikipagusap sa kapwa bisita.

Prior Against JusticeWhere stories live. Discover now