14

103 5 3
                                    

Chapter 14

Pansin kong nagiging mailap na sa akin si Timothy. Tila isa siyang yelo sa twing nakikipag-usap. Hindi ko na din inusisa ang tungkol kay Heaven dahil natatakot ako sa magiging sagot niya sa akin.

Akala ko ako lang ang nakakapansin sa biglang pagiging cold ni Timothy. Pansin rin pala ng mga kaibigan ko. Tinatanong nila ako ngunit ang tanging sagot ko lang ay.

"Hindi ko alam"

Hindi na rin sila nagtangkang magtanong pa. Mabuti na lamang na halos kaklase ko sa lahat ng subjects ko si Yuan. Siya ang laging nagpapaalala na magiging maayos ang lahat.

Ilang araw na rin ang lumipas at mag-iisang buwan na ang paglayo sa akin ni Timothy. Hindi ko man magawa siyang ikumpronta dahil na din sa mga paperworks ko.

At twing ako ay dadaan sa kanilang building ay tanging sagot lang ng mga kaklase nila sa akin ay.

"Busy yon ngayon. Group Project"

Isang beses ko lamang iyon ginawa at hindi na ako nagtangkang umulit. Ginagawa ko ngayon ang thesis ko sa isang subject ko sa library.

Tahimik ang lahat ng nandito at lahat ay nakatutok sa kanilang ginagawa. Walang nagtangkang mag-ingay dahil masungit dito ang librarian na si Miss Winnie. Matandang dalaga siya at dito niya na lamang binubuhos ang oras niya sa library.

Tumayo ako sa upuan ko at naghanap ng libro tungkol sa Social Science. Hinanap ko rin ang card catalog nito para mabilis ko itong mahanap. Hindi naman ako nagkamali dahil agad ko itong nahanap sa ikalawang palapag ng library.

Hinila ko na ang libro at may matang sumilip sa naka-siwang na espasyo kung saan nakalagay ang libro. Pamilyar ang mga mata nito at agad kong nakilala. Kay Timothy ang pares ng mga matang iyon.

Ngunit hindi siya nag-iisa, kasama niya si Heaven. Parehas kami ng kurso ngunit iba ang block niya. Parang pinipiga ang puso ko habang natunghayan silang parehas abala sa pagtitingin ng libro.

Bumaba na ako sa ikalawang palapag bitbit ang libro kong nakuha. Binuklat ko ito ng dahan-dahan dahil sa alikabok nito at katandaan. Tinunghay ko ang paunang pahina nito at hindi ako nagkamali. Higit isang daan ang edad nito.

Hinipan ko ito at ng mawala ang makapal na alikabok ay namataan ko si Yuan na nakapikit ng mariin habang may makakapal na alikabok ang nasa mukha niya. Dali-dali kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang mukha niya.

"Ah-ray..." bulong niyang asik.

Unti-unti niyang binubuksan ang mata niya ngunit ramdam doon ang hapdi. Inalalayan ko siya paupo at bahagyang binuksan ang mata niya para hipan.

Ginawa ko iyon magkabila at mukhang naging maayos na siya.

"Ayos kana?" pasiguro kong tanong.

"Oo tsk. Ano ba yang librong yan? Daming alikabok" reklamo niya.

Inismiran ko na lamang siya at nagpatuloy mag-hanap ng mga pwede kong ilagay. I just typed only the important details. Habang nag-ty-type ako ay panay kalikot ni Yuan sa phone ko.

Wala naman akong tinatago sa phone ko kaya walang dapat ipangamba. Pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko at malapit na rin naman akong matapos. Nasa huling detail na dapat ako ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakangklang Heaven kay Timothy habang palabas.

Masama ang tingin ko sa kanilang dalawa ngunit may nagtaklob ng paningin ko. Doon ko namamalayan ang mahina kong pagluha.

"You don't deserve this. Hangga't kaya ko, tatakluban ko ang paningin mo para hindi mo maramdaman ang sakit na nadarama mo"

Prior Against Justiceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن