7

148 9 6
                                    

Chapter 7

"Uh, my bad. I'm just looking for the bathroom" singit sa yakapan namin ni Timothy kaya bumitaw kaagad ako.

Bumungad sa amin ang mala-anghel na babae. She got this angelic voice that calms everybody when you heard it. From her angelic looks, it's so heavenly.

Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo, at pinasadahan ang buo kong katawan at tumango-tango pa. Tiningnan ko si Timothy at nagulat ako na parang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babae na parang hinihintay ang sagot kung saan ang bathroom o ang magiging reaction ni Timothy pagkakita sakanya.

Nakaramdam ako ng inis habang panay ang titigan nilang dalawa. Kaya naman tumikhim ako at nahimasmasan na si Timothy.

"Heaven? Is that you?" tanong ni Timothy.

Heaven, bagay sakanya ang pangalan niya. She really look heavenly. Naiisip mo kaagad kung anong ugali niya sa itsura niya.

'Kilala niya pala' saad ko sa isip ko. Natawa naman ang babae ng mahinhin bago magsalita.

"Nakalimutan mo ako kaagad? How offending. Happy Birthday" bati niya at patakbong yumakap kay Timothy.

Nagugulat man ay yumakap pabalik si Timothy sakanya. Tila nawasak ang puso ko habang tinatanaw silang magyakapan sa aking harap. Pinigilan kong lumuha ngunit may lumandas ng patak nito.

Tila nakalimutan nila na merong Atasha dito, na natatanaw sila habang nagyayakapan sa ilalim ng maliwanag na buwan na may makikislap na mga bituin sa isang malamig na gabi.

Tumakbo ako paalis habang pinapahid ang mga luhang nagsisi-unahan. Kaagad akong pinagbuksan ng Guard ng gate kaya agad akong nakalabas. Nanlalabo na ang paningin ko gawa ng mga luha.

Nasasaktan aking nakita. Parang ako ang extra sa kanilang kwento. Tipong ako lang ang kontrabida na hinahadlangan ang kanilang pag-iibigan.

Pagkarating ko sa bungad ng gate ng village, ay agad kong tinawagan si Blaire para sabihin na sunduin niya ako dito. Ilang ring pa lang ay sinagot niya kaagad ito.

"B-Blaire, S-Sunduin mo ako dito. Sa kabilang v-village nyo" garagal kong sabi sakanya.

Hindi siya nagsalita sa akin ngunit rinig kong sumigaw siya sakanilang maid para asikasuhin kaagad ang kanilang sasakyan. Narinig ko din ang yabag niya sa sobrang pamamadali.

Nakarinig din ako ng pagkalagapag ng pintuan ng kotse at alam kong papunta na sila rito. Pinagmasdan ko ang aking paligid at parang dati lang. Nag-iisa na lamang ako.

Labing-limang minuto na ang tawag at pumarada na sa aking harapan ang kanilang sasakyan. Mabilis na bumaba si Blaire sa akin at inalalayan ako papasok dito.

Pagkaupo ko sa sasakyan nila ay siyang pagyakap ko sakanya. Binuhos ko sakanyang balikat ang walang tigil na mga luha na nagsisipag-labasan.

Makalipas ang limang minuto ay nakarating kaagad kami sa tapat ng kanilang mansion. Nahihiya man ay nagpasya muna ako na dito muna ako matulog.

Tinawagan din nina Blaire sina Mom at buti na lang at pinayagan ako dito na muna ako manatili. Hindi rin sila nagtanong bakit kaya lalong nakaluwag din ng kalooban ko.

"Tell me. What happened?" alalang tanong ni Blaire.

"S-somebody i-interrupted my gift g-giving. She w-was so h-heavenly. She h-hugged Timothy and h-he h-hugged back" umiiyak kong sabi. "I don't know what happened next but, they really not bother my presence there"

Prior Against JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon