WAWTABS 22- NO LABEL

Start from the beginning
                                    

"Bakit nandito ka?" Napatingin naman ako kay hilaw

"Muse ako eh" biro ko dito "ikaw bakit nandito ka?"

"Escort ako! Ano ka ngayon ha" at naglaban na naman kami ng titigan as always ako nanaman panalo

"411 points hilaw--"

"Ano bayan! Nang dahil na nga jan sa pag p-points nyo na punishment kayo, pero hindi nyo parin tinitigil?" Bulyaw sa amin ni nicka

"Ito kasi eh" turo ko kay hilaw

"Anong ako? Ikaw kaya jan!"

"Kapal mo, ikaw kaya"

"Ikaw kaya andro E"

"Utot mo hilaw--"

"umalis na nga kayo dalawa" paalis sa amin ni nick

"Kaya nga, hindi tayo makakatapos kapag kasama natin tong dalawa nato" sang-ayon naman ni nicka

"Ay grabe sila oh" sabi ko "dave inaaway nila ako" sumbong ko dito

"Hahahaha they're right" sabi nito at sumimangot naman ako "don't be sad" at hinawakan naman nito ang pisnge ko at pinisil ito "and don't pout" at lumapit naman ito sa may tainga ko "you know when you do that, you're tempting me to kiss you"

"Ehem! NO FLIRTING"

at umalis na si dave sa pagkakabulong sa akin at alam kung ang pula ko na ngayon at ginulo naman nito ang buhok ko at tinawanan nanaman ako nito at hinampas ko naman ito ng mahina sa braso

"Pa bebe" parinig pa sa akin ni hilaw pero hindi ko nalang pinansin

"So doon muna ako" at tinuro ang upuan ko at nagbabaye na ako kay dave at ngumiti naman ito sa akin at umalis na ako doon pati si hilaw at umupo na lang ako sa upuan ko at tumingin na lang sa bintana at kita ko mula sa bintana ang mga lalaking pabalik balik sa field at mayron ring mga taong nag-uusap at naka upo sa may puno, siguro wala na silang klase katulad namin, baka nag-uusap rin sila tungkol sa gaganaping compitition

At napatingin naman ako sa unahan at nagsisilabasan naman ang mga officer siguro sa labas na sila mag-uusap para tahimik, ang ingay kasi dito sa loob, isama nyo pa yong dalawang bakla dito si benedict at kian grabe kung umirit, hindi naman rinig sa hallway kung magsigawan ang mga tao dito sa loob, at maganda rin yon para hindi maka storbo sa kabilang classroom

At napatingin naman ako sa kabilang row sa may kanan ko at nakahalumbabang si hilaw ang nakita ko at nakangiti pa itong nakatingin sa akin at kumindat pa ito

'Parang tanga'

Kumuha naman ako ng papel at ginusumot ito at binato sa kanya at sapul

'Sapul sa pangit nyang mukha hahah'

At kinuha nya naman sa sahig ang binato kung papel at binuklat nya pa iyon at sinulatan nya at binato nya rin sa akin ng malakas at napahawak naman ako sa may noo ko ng doon tumama at sinamaan ko naman ito ng tingin at kinuha ko na ang papel na binato nya

Inaano kita jan andro E? Sabihin mo lang kung gusto mo ng attention ko

Sinamaan ko ulit ito ng tingin ng mabasa ko ang sulat sa papel at ang kapal talaga nitong si hilaw at kumuha rin ako ng ballpen at sinulatan yong papel na sinulatan nya

Ang kapal mo naman hilaw! Ikaw nga tong tingin ng tingin sa akin, baka ikaw ang may gusto ng attention ko!

At sabay bato dito at hinanda nya naman ang kamay nya para sambutin ito pero masyadong mabilis ang pagbato ko kaya hindi nya nasalo at tumayo naman ito at kinuha yong papel at binasa nya rin ito at umupo na sya sa upuan nya at napatingin naman ito sa akin at umiling iling pa at nagsulat narin ito at pagkatapos ay binato nya sa akin ng malakas buti nalang sa may bintana tumama at kinuha ko na yong papel at binuksan ito

When Androgynous Went To All Boys School(gayxstraight)Where stories live. Discover now