Ika apat na Kabanata

Comincia dall'inizio
                                    

"Paano mo naman yan nasabi? He gave you flowers." sabi ko sa kaniya.

"Flowers are not enough to prove someone you love them..." medyo mataas ang tono ng boses niya. "Sometimes, its just a prop. Yun bang para lang sabihin niya sa akin na, 'tayo pa rin ah'. "

Napa iling ako. "Hindi ko makuha ang point mo Juls."

Pinunasan niya ang mga luhang tumulo. Bumitaw siya sa vase at sa kamay ko. "Binigay niya ito sa akin dahil nahuli niya akong nakikipag usap kay Spencer. At alam ko na ayaw niya doon. Ayaw niyo kay Spencer."

 Tumayo ako at sinuklay ang buhok ko. Ganoon ba kami ka obvious?

"Enrique is just jealous, Julia. Pero I know, mahal ka pa rin niya. Those flowers are not props. Because believe me, nag effort siya sa pag hanap ng mga bulaklak na iyan. Kung pakitang gilas lang yan, edi sana, yung mga panget ang binigay niya sa'yo diba?" naka ngiti kong sabi sa kapatid ko.

Bumuntong hininga siya at muling hinawakan ang mga bulaklak. "Tama ka, in a world like this, mahirap makahanap ng ganitong mga kagandang bulaklak."

Tumango ako. May sasabihin pa sana ako kaso biglang pasok ang mga bata.

"Hi kuya!!" mabilis silang yumakap sa akin. Yumakap din sila kay Julia kaya napatayo siya mula sa silya. Pumasok naman si Enrique. Bumati siya sa akin at mabilis na humalik sa pisngi ni Julia.

"Hindi ko namalayan na nandito ka na pala." sabi ni Enrique sa akin. Naka hawak siya sa bewang ng kapatid ko. "Saan ka dumaan?"

"Sa likod. Sinabayan ko si Brook." naka ngiti kong sinabi. Ayoko naman kasing sabihin na sa harap ako dumaan pero hindi nila ako napansin. Masyado silang busy. Ni Kathryn.

"Ganun ba. Alam ba ni Kath na nandito ka na?  Kanina ka pa niya hinihintay..." umakto siyang tatawagin si Kathryn pero mabilis kong nahablot ang braso niya.

Nagulat sila sa ginawa ko pati na din ang mga bata. Kumunot ang noo ni Enrique at tumingin sa kamay ko. Dahan-dahan ko siyang binitawan. "Anung problema?" tanung niya.

Napahawak ako sa batok ko. "Gusto niya kasing gumawa ng ice cream para sa mga bata, kaso hindi ko na kumpleto yung pinakakuha niya. Ayoko namang madissapoint siya sa akin. " paliwanag ko. Hindi yun totoo. Nag sisinungaling lang ako. Nakumpleto ko ang hinihiling niya kaso hindi ko pa siya kayang harapin pagka tapos nung nangyari kagabi.

"Uhm. Okay?" sagot ni Enrique. Alam ko na hindi siya naniniwala pero yung Makita na nakikisakay siya sa akin ay okay na sa pakiramdam ko.

"Sige. Ibinaba ko lang yung rasyon. Babalik na ako sa pasok ko." mabilis akong nag paalam at bago pa sila makapag slaita ay lumabas na ako ng bahay.

Ilang oras din akong nag-iikot. Halos ganito palagi ang ginagawa ko. Kailangan ko din kasi pag-isipan yung sinabi ni Brook. Tama siya. Hinahanap-hanap ng katawan ko ang lahat ng aksyon at alam ko na yun din ang nararamdaman nila Enrique. Ayaw niya lang aminin.

Pabalik na ako sa bahay para makipag palit kay Enrique ng may maaninag ako sa gate. May isang anino sa labas na pilit binubuksan ito. Mabilis akong tumakbo patungo dito. Sakto pag dating ko sa ay bumukas ang gate. Dalawang lalaki ang bumungad sa akin.

 Dalawang lalaki ang bumungad sa akin

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.
Already GoneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora