Ika apat na Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Hindi pa namin napag uusapan kung anu ang sasabihin." sagot ko sa kaniya. Pinadaan ko sa akin buhok ang aking mga daliri.

"Yaan din naman ang sinabi mo sa akin last week. Kailangan niyo ba iyan gagawin?"

"Hindi ito madali." hinarap ko siya. Pagkatapos nung una naming misa. Pinaliwanag sa amin ni Ryan na dapat may mga kanya-kanya kaming trabaho. At naintindihan namin iyon. Hinati niya kami sa ilang grupo.

Katulong ni Spencer si Kathryn dahil siya ang pinaka marunong sa amin pag dating sa mga baril at si Spencer ang naka destino doon. Si Julia at Minnie naman ay katulong ni Lana sa pag aayos ng mga bagay sa community.  Si Christopher at Wade ang alalay ni Ryan pag dating sa mga sasakyan. Sila ang nag sasalba ng mga sasakyan na natatagpuan ng mga grupong lumalabas kada linggo. At kasama sa grupo ng mga lumalabas si Champ at Brook. Taga tulong ni Olivia sa maliit na clinic si Herbert. Ang mga bata naman ay umaattend ng isang activity. Tinuturuan sila doon. Madalas tumulong sa amin ni Enrique si Tania, kababatang kapatid siya ni Tyrone. Magaling siya sa pag babantay sa ibabaw ng gate. Siya yung sniper doon.

At kami ni Enrique? Kami lang naman ang taga ikot dito sa loob ng community. Sabihin na natin na para kaming security guard. Palitan kami ng shift. Kaming dalawa lang sa loob ng buong komyunidad ang naatasan ng gawain na ito. At gusto ni Brook na bitawan na namin ito at sumama sa kaniya sa pag iikot sa labas.

"Sabihin mo kay Ryan na yung anak niyang feeling gwapo ang pumalit sa inyo. Tutal, mukhang alam naman niya ang lahat. Pabayaan niyo na siya na lang." paliwanag ni Brook. Bumaba siya sa counter at tumayo sa harapan ko. "Alam ko na namimiss mo din ang buhay sa labas ng gate na iyon."

Umakbay siya sa akin sabay turo sa labas ng bintana na kung saan, kita ko ang malaki at mataas na gate. Bigla kong naalala ang mga bagay na ginawa ko noon. Ang mga aksyon na naranasan ko. Ang mabilis na pag tibok ng puso ko kada nasa gitna kami ng gulo. Ang pag hampas ko sa malalambot na ulo ng mga patay. Ang malaking mundo na naka paligid sa akin. Pero sa gitna ng lahat ng mga pangyayari na iyon, may mga bagay din na hindi maganda. Mga bagay na hindi na dapat balikan.

"Oh! Kanina ka pa ba naka balik?" sabay kaming lumingon ni Brook. Naka tayo sa may pintuan si Julia. May hawak siyang mga bulaklak. Mukhang kaka uwi lang din niya. Lumapit siya sa amin at kumuha ng isang maliit na vase. Talagang kumpleto ang mga bahay na ito.

"Medyo. Kakatapos ko lang mag ayos nung rasyon. " sagot ko sa kaniya at sabay tanggal nung mabigat na braso ni Brook sa balikat ko.

"Ahh! Kaya pala..." simple niyang sagot sa akin.

"Bakit? May problema ba?" tanung ko sa kaniya. Lumapit ako sa tabi niya. Inaayos niya ang mga bulaklak.  "Ang gaganda niyan ah. Kanino yan galing?"

"Kay Enrique.." matamlay niyang sagot sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinigil siya sa pag gugupit ng mga dahon mula sa mga bulaklak. "Ayun naman pala eh. Bakit parang hindi ka masaya?"

Bumuntong hininga siya sabay harap kay Brook. Medyo ilang segundo ang lumipas bago niya nakuha ang pahiwatig ni Julia.

"Ahh. Sige. Labas muna ako. Kausapin ko lang si Champ." mabilis niyang paalam sa amin. Sinara ko ng kaunti ang pintuan sa kusina at umupo si Julia sa harap nung lamesa. Nilagay niya sa gitna ang flower vase.

"What's wrong?" hinawakan ko ang kamay niyang naka hawak sa vase. May tumulo na isang luha pero agad niya itong pinunasan.

"Hindi ko alam kung totoo pa ang nararamdaman niya para sa akin..." yun ang mga una niyang salita. Naka tingin lang ako sa kaniya, nag hihintay ng kasunod. "I feel like I'm losing him."

Already GoneWhere stories live. Discover now