Ika apat na Kabanata

Start from the beginning
                                    

Maya-maya ay may lumapit sa amin na babaeng naka salamin. Medyo mahaba ang buhok at hindi ganun katangkad. "Ako naman si Olivia!" masaya ang tono ng boses niya pero kita sa mga mata niya ang lungkot, kahit naka salamin pa siya.

"She's the doctor here.." dagdag ni Victoria na biglang sulpot mula sa kung saan. Nahalata niya sigurong biglang tahimik si Olivia. Para bang natulala habang naka ngiti.

"Oo, ako nga. Pag may kailangan kayo sabihin niyo lang sa akin. Basta wag lang tungkol sa gamot." Medyo mahina ang huling pangungusap niya at may halong lungkot ang tono ng boses. Umakbay si Ryan sa kaniya at ngumiti sa amin.

"Pag pasensyahan niyo na siya. Talagang nakaka lungkot isipin na hindi kumpleto ang mga gamot namin, lalu na't gusto naming makatulong. Salamat na lang sa Diyos at hindi pa kami nag kakaroon ng matinding pangangailangan sa gamot." sabi niya sa amin.

"Naiintindihan po namin kayo." sagot ko sa kaniya. Tumango din sila Enrique at sabay-sabay kaming lumabas ng kubo. Sumalubong sa amin si Lana at isang lalaki na nakapag patigil sa pag hinga ng mga babae naming kasama.

Napakunot ang noo namin ni Enrique nang mahalata namin sila Julia na nakatulala sa lalaking kasama ni Lana.

"Kamusta na kayo?" tanung niya sa amin.

"Mabuti naman po..." sagot ni Enrique sa kaniya pero kila Kathryn naka tingin.

"Ito nga pala si Spencer. Anak namin ni Ryan."  pakilala niya sa amin. Ngumiti naman yung lalaki na mas matangkad sa amin ni Enrique at inilahad ang kamay. Makikipag kamay pa lang sana ako pero ayun, mabilis pa sa alas kwatro ang mga babae.

 Makikipag kamay pa lang sana ako pero ayun, mabilis pa sa alas kwatro ang mga babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Buti na lang at loyal si Minnie sa akin.." naka ngising bulong ni Champ sa amin kaya nasiko siya ni Enrique.

"It so finally nice to meet your group! Madaming naikwento sa akin si Victoria. I hope we could be friends." medyo may accent siya. Parang hirap mag tagalog. Sa panahon ngayon, may mga konyo pa rin ba?

"Ikaw din. It was nice meeting you!" masayang sabi ni Kathryn.

"Okay. That's enough!" pasarkastik na ngumiti si Enrique sabay hila kay Kathryn na naka yakap sa braso ni Spencer. Hinila ko na din ang kapatid ko bago pa siya gumawa ng eksena. Hanggang ngayon ba naman, hindi nawawala ang kilig ng mga babae?

"Malalim ata ang iniisip mo ah!" halos napatalon ako sa gulat. Nalaglag ko ang hawak kong mansanas at mabilis naman niya itong nasalo.

"Wag mo akong gugulatin ng ganun bro. Baka mamaya masaktan kita!" sabi ko sakaniya at nag patuloy sa pag aayos .

"Gamit ano? Itong mansanas?" sabi niya at ibinato sa lababo ang prutas na ikinagulat ko na naman. Tumawa si Brook  ng malakas at umupo sa counter. Napa iling na lang ako at nag patuloy sa pag -aayos.

"Akala ko ba kakausapin niyo na si Ryan? Bakit puro pagkain lang inaatupag niyo?" tanung niya sa akin makaraan ang ilang minuto. Nilagay ko na sa cabinet ang huing delata at inilagay sa ilalim ng lababo ang plastic bag.

Already GoneWhere stories live. Discover now