30

19 9 0
                                    

January 12, 2006



"Alex... nakita ko si Alexandria," sabi ko sa kaniya habang binubuksan ko ang pintuan ng apartment niya.

Kumunot ang noo niya habang pinapanood ang bawat galaw ko -- ramdam ko ang tingin niya sa akin -- at ako naman ay papunta sa kusina niya.

"Gusto mo ba ng away?" Tanong niya. Hindi ito tunog siga. Tunog nagtataka.

"What?"

Kumuha ako ng baso tapos nilagyan ito ng malamig na tubig. Ang paningin ko ay nasa kaniya na ngayon habang umiinom.

"Nothing," nagkibit balikat siya. "Forsythe said to me that whenever Anne asks her about other girls, she's bored and wants to pick a fight."

Napaisip naman ako sa sinabi niya sa akin.

Umiling ako sa kaniya. "Hindi, I'm not picking a fight, nasabi ko lang. Kasi..."   Inalis ko ang tingin ko sa kaniya tapos ay kumuha ng panibagong baso. "Habang naglalakad ako, napapaisip lang ako, why the both of you didn't work out." Nilagyan ko ng tubig ang baso, naglakad papunta sa kaniya at binigay ito.

"She... cheated... Nagka-amnesia ka ba bigla?"

Bumuntong hininga ako. "Naalala ko naman. Pero gusto ko pa rin malaman 'yung side niya."

"Well," uminom siya sa tubig,"you're never gonna get that side from me because we broke up at the time and everything was done. Tapos na lang bigla nung nalaman ko. Done. Tapos." Binaba niya ang baso na ngayon ay wala ng laman.

Isang segundong ang ingay lamang ay ang huni ng aircon.

Umikot ang mukha niya sa akin at ito ay naniningkit.

"You didn't..."

Naglabas ako ng malaki na ngiti tapos ay dahan-dahang tumango ang ulo sa kaniya.

Kita ko na magsasalita na siya kaya naman inunahan ko na ang hakbang na gagawin niya.

"Curious lang naman kasi ako. It's not like naghahanap ako ng reasons na... Ay basta! So I approached her, tapos magpapakilala sana ako kaso ay agad niya akong nakilala.

Ang weird lang. Kasi akala ko people like her, ay walang pake sa aming mga tao nung highschool. Background noise lang ako sa inyo kumbaga."

"Background noise? Luna you're not--"

"Opo, alam ko na po. 'Yun lang kasi 'yung nahahanap kong salita at the moment. Pero 'yun nga, nag-usap kami about sa highschool life then napunta kami sa'yo.

The chance is there. Hinain niya na sa akin 'yung tanong. Kaya naman tinanong ko siya about sa pangloloko niya sa'yo."

Niyakap niya ako sa tagiliran ko tapos ay tumingin siya sa akin pataas.

"What did she say?"

Kinagat ko ang labi ko. "She said... Ang dahilan niya raw ay dahil she didn't feel loved at all. Binibigyan mo raw siya ng material things and all that, but it isn't just the same. Ramdam niya raw. Parang may kulang everytime."

Kumunot ang noo niya.

Pero ako naman ay mas lumaki ang ngiti sa kaniya.

Mas lalong kumunot ang noo niya.

Pinasayaw ko naman ang mga kilay ko.

Umayos siya sa pagkakaupo niya.

"Why are you smiling?"

"Kasi..." Kinuha ko ang kamay niya, tinaas ko, at kinonekta ang kamay ko rito. "Hindi ko kailan man naramdaman ang bagay na 'yun sa tatlong taon nating pagsasama."

Tumaas ang kilay niya.

"Sa bawat sabi mo, ramdam ko 'yung puso ko at ang paggaan nito, parang... tila na palagi akong pagod at mabigat ang katawan kapag hindi kita nakakausap o naririnig 'yung boses mo.

Para kang kape sa umaga. Palagi kong hinahanap. Hindi kompleto ang araw ko kapag wala ka."

"Well, ako lang 'to."

"Sinisira mo naman atmosphere natin."

"I -- I don't know what to say, Luna. I'm overwhelmed. My eyes are moist. I want to cry but I don't want to."

"Ako lang 'to. Kaya kang paiyakin."

"It's okay... As long as your eyes won't hold hurt."

He stayed the same.

Katulad lamang siya nung taong nakilala ko noong unang araw pa lang namin.

Nung kaibigan ko pa lamang siya.

Mabait pa rin siya.

Tinatanong niya pa rin ako kapag kumakain kami kung gusto ko ba ang pagkain na ito o hindi.

Mas inuuna niya pa rin ako kaysa sarili niya. Katulad na lamang noong first year namin.

Biglang bumuhos ang ulan at hindi ako nagdala ng payong, pero siya, meron.

Ako ang pinayungan niya habang bitbit ko ang mga papel at bag niya.

Habang siya nasa dulo kung saan mas marami ang patak at tinatanong niya pa ako kung nababasa ba ako.

Nagbibigay pa rin siya ng bulaklak sa akin. Napupuno pa rin ang bahay namin ng bulaklak.

Pero ngayon, isa nilang kada-buwan kasi nauubos na ang pera niya para sa renta sa mga bulaklak na namamatay naman agad.

Mahal na mahal niya pa rin ako.

At mahal na mahal na mahal ko pa rin siya.

Ang nagbago lang sa kaniya ngayon... Mas naging maayos siya.

We both did.

We changed for the better.

Ginawa namin ang sarili namin maging better.

Kasi bakit pa kami maghahanap ng mas maganda, mas maayos, mas sane version ng ibang tao, when we could just change and develop and get rid of things na wala namang dinadagdag sa buhay namin.

Hanggang ngayon, kaibigan ko pa rin siya at kami pa rin.

Sobrang ganda ng buhay ko.

At alam ko, alam ng buwan at ng bituin kung saan nakaguhit ang aming kapalaran, na magpapatuloy lamang ito at hindi man kailan titigil.

Tale Of A MoonWhere stories live. Discover now