7

55 14 4
                                    

July 21, 2003


Lumabas ako sa banyo habang hawak ang t-shirt ko at hinihila ito pababa habang hawak ang aking kamay.

Tumingin ako sa pinto na tila ba kahit anong minuto o segundo ay may papasok na tao kahit na ang totoo ay nakadando ito at hating-gabi na. 

Nagpaalam na rin ang mga tao na sila ay pupunta na sa kani-kanilang kuwarto habang siya ay narito.

Gising na gising dahil sa kasalanang ginagawa at naghahanap ng upuan upang kahit papaano ay pahingain ang utak na napagod sa mabilisang pangyayari at pati na rin ang mata na sa ngayon ay pinagmamasdan ang mataas na buwan. 

Kitang-kita niya sa kaniyang kinatatayuan ang mga tala na malungkot ang kislap sa akin dahil sila ang saksi sa ginawa niyang krimen na sabi niya ay hinding-hindi niya na gagawin.

Kasi nagiging maayos na ang buhay niya. Kasi maayos na siya. Kasi masaya na siya.

Kasi matagal ng wala ang Luna na kaawa-awa.

Ngunit isang masamang pangyayari, isang masamang ihip, isang magandang paniginip na naging bangungot sa ngayon dahil sa isang bagay na akala ko ay wala na... ang dahilan kung bakit ako ay bumalik na naman sa dating gawain. 

Kaya ako ngayon ay hindi makahinga dahil sa luha na aking pinipigilan.

Ang labi ay nanginginig sa init.

"Akala ko ba okay na?" Tanong ko sa buwan. "Akala ko ba... na okay na ako?"

Hinayaan ko na mahulog na ang luha sa aking mata at hindi ko na sila pinigilan kasi ito naman ang huli para sa akin 'e. Ito naman ang aking hantungan kahit na ilang pigil o ilang bato pa ang ilagay ko sa daanan. 

"Isang magandang bagay na nga lang ang nangyari sa akin... Si Anne ang magandang bagay na yun--pero...pero bakit gano'n?

"Bakit nawala na naman siya? Naitaboy ko na naman... Ako na naman. Ako talaga ang pinakamali na bagay dito sa mundo na 'to..." iyak ko sa buwan na ang tingin ay ramdam kong nasa akin kahit na ang totoo ay hindi.

Tila pinaglalaruan ako ng aking isip dahil pakiramdam ko, rinig ko, ay may sinabi sa akin ang buwan na: hindi ka problema at mahal na mahal kita.

Natawa ako dahil sa bagay na ito at alam ko na mukha akong hibang, isama mo pa ang iyak ko na patuloy sa pagtulo. 

Inangat ko ang kamay ko at sinubukan na hawakan ang buwan sa maliit kong daliri at alisin ang pagitan namin.

Parang niyayakap ko siya sa aking kinauupuan ngayon habang ginagawa ko ang bagay na ito.

Huminga ako ng malalim at naglakad na papunta sa gate.

Tumingin ako sa harap ko, gilid ko, likod ko at sa mga pwesto na maaari kong mahanap si Anne ngunit wala siya at wala rin ang pamilyar na bumubuo sa aking puso dahil ngayon ay isa itong puwang na kahit anong bagay ay hindi na muling makakabuo sa akin. 

Hinawakan ko nang mahigpit ang straps ng bag ko at patuloy sa paglalakad.

Bakit ba ang dami kong sinasabi, ako naman ang puno't-dulo ng kasalanan 'to?

Bakit ko ba 'yun ginawa?

Bakit bumabalik na naman ang galit sa loob ko na akala ko ay matagal ko nang tinanggal sa akin simula nung pinasok ako ni Mama sa therapy noong nine years old ako?

Bakit ba... Bakit ba ako ganito? 

Nakakasuka na maging si Luna. Nakakalula at ayaw na ayaw ko na maging si--Nawala ako sa malalim kong pagsisi sa sarili dahil may biglang tumawag sa akin.

Tale Of A MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon