5

43 14 6
                                    

June 4, 1996



"Luna, anak, gising na... Unang araw mo sa school ngayon..." bulong sa akin.

Napadilat ako sa aking mata dahil sa bulong. Agad na bumungad sa akin ang tabinging mukha ni Mama ngunit kita ng aking mata, ang laki ng kaniyang mga mata na ngayon ay punong-puno ng saya habang ang kaniyang labi ay sumasalamin sa emosiyong ito. 

Dumilat-dilat at pumikit-pikit muna ako habang sinusubukan na hawakan ang kaniyang mga salita at hayaan ang aking isip na padaanin ang ibig-sabihin nito.

School? 

Unang araw? 

Hanggang sa naabot ko na ang mga lumulutang na salita... At ang utak ko ay naintindihan na ang lahat! Papasok ako ngayon! Ngayon na! Ang sinabi sa akin na Kuya na normal kong buhay... na makakamit ko... Andito na? Nasa harap ko na? Oo, Luna. Nasa harap mo na ngayon!

Agad naman akong tumayo sa aking higaan tapos ay malaki ang ngiti na lumapit kay Mama at kinulong ko siya sa isang yakap tapos ay hinalikan ko nang paulit-ulit ang kaniyang pisngi habang siya naman ay natutuwa sa aking kasiyahan. 

Kumalas na ako nung napagtanto kong baka ay nasasakal si Mama sa aking higpit ng yakap. Tumingin ulit ako sa kaniya at kita ko ang taas ng kilay niya ngayon habang punong-puno ang kaniyang mata.

"Ma! Magsusuot ba ako ng uniporme tulad ni Kuya? Bakit po pala ngayon niyo lang sinabi? Paano ang mga gamit ko? May bag na po ba ako? Gusto ko yung hinihila, Ma! 'Yung parang maleta? Gano'n gusto ko! Hala, Mama! Anong oras na baka mahuli ako! Mauuna na ako sa banyo 'a!" Walang hinto na sabi ko ngunit kahit ganoon ay pumunta pa rin ako sa banyo.

Napatingin ako sa aking salamin na nasa loob nitong sariling banyo at kita ko ang mukha ko na halos lahat nang gagawin ay magiging kulay dilaw dahil sa hindi mabilang, hindi makuha, hindi maabot, hindi matatansya na saya sa akin ngayon. Lalo na sa puso ko. 

Habang ang paghinga ko naman ay bumibilis ngunit ayos lamang iyan dahil normal lang naman ito 'di ba? Normal lang na mawalan ng hininga habang masaya.

"Anak, dahan-dahan 'a. Tawagin mo lang ako kapag may nararamdaman kang iba--"

"Ma! Opo! Malaki na ako. Kaya ko na sarili ko!" Sabi ko sa kaniya at binuksan na ang shower na nandito sa loob.

Seven years old na ako at nasa unang baitang na ako sa elementarya. Hindi ako nag-aral ng pre-school at kinder pero alam kong magbasa, magsulat at magkulay. Tinuruan ako ng pamilya ko noong bakasyon nila dahil marami silang oras. 

Lalo na si Kuya Luke, siya talaga ang nagbigay sa akin ng madaming bagay na pwedeng matutunan. 

Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at ngumiti muli sa salamin. "Hello, ako pala si Luna Blair--" agad ko ring tinigil ang sarili ko dahil ayaw ko ang tono ko. Masyadong... walang buhay. "Hello!" Napaikot ako sa aking repleksiyon dahil sa kapalpakan na naman. 

Masyadong mataas ang boses ko na pakiramdam ko ay narinig na ng tao sa baba ang boses ko.

"Hello..." ani ko ulit at nilagay ang ibang basa kong buhok sa likod ngunit inawayan ko ulit ang resulta. Baka kasi ay isipin ng mga kaklase ko na maarte ako kapag gagawin ko 'yun. 

Tale Of A MoonWhere stories live. Discover now