10

33 14 6
                                    

July 30, 2001



Rinig ang mga hiyaw ng kaklase ko sa aking kinauupuan.

Ang mata ko ay pinapanood ang bola at kung saan ito tatama sa mga tumatakbo na tao sa gitna.

Section namin ngayon ang nagbabato sa section nina Alex.

Nagulat din ako nang malaman na kasama namin sila ngayon para sa P.E class namin.

Naglalaro sila ng batuhang tao habang ako naman ay nakaupo lamang.

Nanonood.

Natawa na lamang ako kasi akala ng isa naming kaklase ay natamaan na niya si Timothee kaso nga lang ay nakailag ito.

Malapit na sana kaso nga binaliko ni Timothee ang kaniyang likod. Daplis ang hulog nung bola.

Hindi ako puwedeng sumali sa kanila dahil nga sa kalagayan ko at sinabi na rin ni Mama na bawal sa akin ang mga mabibigat na gawain.

Kahit anong gawain pala na masyadong madaming kilos dahil hihingalin ako at babalik na naman sa hospital kapag nangyari ang bagay na 'yun.

Ayaw ko bumalik doon.

Kaya kinuntento ko na lang ang sarili ko na manood sa bleachers habang sila ay masayang naglalaro.

Nilaro ko ang kamay ko sa P.E uniform ko tapos ay pinanood na magsialisan ang mga kaklase ni Alex.

Ang iba ay nanatili sa gilid upang manood. Ang iba naman ay nasa upuan na rin.

"Humanda ka sa akin, Timothee!" Pagbabanta ni Anne kay Timothee na kanina pa ata naasar sa kaniya kasi bato siya nang bato habang ang isa naman ay ilag nang ilag.

Natawa ako sa kinauupuan ko.

Pinanood ko ang pag-ikot ng kamay ni Anne, ang pagkawala ng bola sa kaniyang daliri't palad... ang pagbaba nito... papunta kay... Alex.

Napunta kay Alex ang bola.

Napunta ang bola kay Alex at hindi sa pinagbantaan ni Anne.

Napahiyaw ako sa tawa ko dahil sa kapalpakan ng ginawa niya.

Napahampas pa ako sa sariling tiyan na ginawa rin ni Timothee na hindi na makahinga dahil sa lakas ng tawa niya.

Kaso nga lang... ang akin ay natigil din nang mapansin na ang direksiyon ng lakad ni Alex ay papunta sa akin.

Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong P.E uniform.

Tinignan ko ang mga daliri niyang mahahaba at ang kuko nito na bilog na sinusuklay sa kaniyang buhok na ngayon ay basa na dahil sa pawis.

Ang mata ay nanatili sa mga butil ng tubig na lumilipad paalis sa kaniyang buhok.

Hanggang bumalik ito sa kaniyang mukha na ngayon ay nakangiti na sa akin.

At nasa tabi ko na pala siya.

Nag-iwas ako ng tingin agad.

"Luna," tawag niya sa akin.

Nilingon ko naman siya. Pero binaba ko rin ang tingin ko ngunit ang direksiyon ay nasa kaniya pa rin.

"Hmm?" Sagot ko na lamang sa kaniya.

Pilit na pinapatigil ang himig ng puso sa isang 'di klarong tanong.

"Bakit 'di ka kasali sa dodge ball? Kanina ko pa napapansin."

Tumingin ako sa kaniya ngayon. Mata sa mata.

Napakagat ako sa labi.

Tanong sa tanong ang pumasok sa isip at hindi mapakali sa kung ano ang sasagutin.

Tale Of A MoonWhere stories live. Discover now